IX

5.1K 137 8
                                    

Deanna's POV

"Deans, Ate Dzi texted me earlier. After class daw, pumunta tayo sa office niya." Bulong sakin ni Aly. Tumango lang ako bilang sagot. Nandito nga pala kami sa room and as usual, hinihintay namin si Prof.

"Hey, may gagawin ba kayo mamaya?" Tanong ni Jho kaya napatingin kami sa kanya.

"Why are you asking?" Tanong din ni Bea.

"Gusto ko lang malaman. Bakit ba?" Taas kilay na tanong ni Jho at umirap.

"Wala." Walang gana kong sagot. Bigla naman akong siniko ni Aly kaya napatingin ako sa kanya.

"Meron tayong gagawin. Diba nga, tayo ang magma-manage ng try outs mamaya?" May halong inis ang tono niya.

"I know." I coldly replied and looked again to Jho. "So bakit mo natanong?"

"Gusto ni Jema na manood kayo sa try outs mamaya." Si Celine ang sumagot. Agad namang napatingin si Jema.

"H-hoy! W-wala akong s-sinasabi ah!" Tanggi niya. Natawa na lang ako.

"Sorry but we have something to do pa pala after class." Ngumiti ako kay Jema pero sumimangot siya. After that conversation, dumating na si Prof kaya nasa kanya ang atensyon naming lahat.

Pagkatapos ng ilang oras, natapos na din ang class and kailangan na naming pumunta sa Dean's Office.

"Saan kayo pupunta?" Den asked nang mapansing agad kaming tumayo.

"Dean's Office." Maikling sagot ni Aly.

"Hmm okay." Malungkot na sabi ni Den. Hindi na namin sila pinansin at dire-diretsong lumabas ng room. Pagkarating namin sa Office, hindi na kami nag-abalang kumatok at agad na pumasok.

"Wow ha. Pasok agad? Wala man lang katok?" Sarcastic na tanong ni Ate Dzi.

"Parang hindi ka pa nasanay samin Ate." Sagot ni Maddie atsaka umupo.

"What are we going to talk about?" Aly asked in a serious tone.

"Tungkol sa---" Hindi natapos pagsasalita si Ate Dzi dahil biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Ate Jia.

"Late ba ako?!" Tarantang tanong nito. Natawa na lang ako sa itsura niya. "Hoy Wong! Bakit ka tumatawa-tawa dyan?"

"Your face is so epic kasi Ate hahahah!" I chuckled.

"Aba. Ipagpatuloy mo lang yan. Hindi na kita tuturuan." Banta nito na nakapagpatigil sakin. Agad akong lumapit at kumapit sa braso niya.

"I'm just kidding Ate heheh." I surrendered. Nailing na lang siya sa kakulitan ko at naupo na.

"Wag na kayong umupo. Kailangan na nating pumunta sa BEG. For sure nandun na ang mga magta-try out." Tumayo si Ate Dzi at naunang lumabas. Gusto ko pang magpahinga e!

Padabog naman akong tumayo at sumunod sa kanya.

Pagkarating namin sa BEG, tama si Ate Dzi. Marami ang mga students na magta-try out at kabilang na dito sina Jema. Busy sila sa pakikipagkwentuhan sa isa't isa kaya hindi nila kami napansin. Dumiretso kami sa shower room para magpalit ng damit pang-training. We just wore short shorts, Ateneo shirt and of course volleyball shoes. Okay lang samin na magsuot ng maikling short. That's part of playing volleyball and nag-commit kami e. Sumali kami dito kaya hindi dapat kami magreklamo.

Lahat sila nagulat pagkalabas namin sa shower room.

"B-bakit kayo n-nandito?" Kunot-noong tanong ni Jema. Ang sexy niya kahit naka short shorts and shirt lang siya.

Gangsters of AteneoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang