V

4.6K 140 4
                                    

Deanna's POV

Pagkaalis nila Jayce at Yumi, agad kaming pumasok sa caf and nag-order naman sila Bea.

"Hahaha mukhang mapapalaban si JDR ngayon ah." Natatawang sabi ni Tots.

"Tsk. Ayaw niya lang mabastos si DW kaya niya ginawa yun. Dapat lang na parusahan si Yums." Nakangising sagot ni Maddie kaya napatingin ako sa kanila.

"But I think Jaycel can't hurt that Yumi." Lahat sila kumunot ang noo dahil sa sinabi ko. Pabulong kasi hihi.

"Huh? What do you mean?" Tanong ni Aly at mas lumapit sakin.

"Nevermind." I emotionless answered coz Bea is already walking towards us bringin the tray of foods.

"Ayan na po ang mga order niyo nga kamahalan. Bayaran niyo yan." Sabay distribute ni Bei sa mga pagkain namin.

"Kahit kailan ang kuripot mo." Naiiling kong sabi atsaka kumuha ng one thousand sa wallet ko. "Oh ayan." Sabay abot sa kanya nun.

"Pano naman kami DW?" Nakangusong tanong ni Tots kaya napatawa na lang ako ng mahina dahil sa pagmumukha niya.

"Eww mukha kang aso TC." Asar sa kanya ni Bei dahilan para paluin siya sa braso ni Tots.

"Aray! Masakit yun ah!" Pagmamaktol niya habang hinihimas ang braso.

"Tumigil na nga kayo dyan. Oh para manahimik ka." Inabutan ko rin siya ng 1k. Sus, parang hindi mamayaman.

Napatingin naman ako sa gawi ni Mads na nakangiti ng nakakaloko. Alam ko na toh.

"Don't tell me pati ikaw gusto mo?" Taas kilay kong tanong kaya tumawa siya ng napakalakas. Bintukan naman siya ni Aly para manahimik.

"Naghihirap na ba kayo? Nakalimutan niyo atang mayayaman kayo." Masungit na sabi ni Aly.

"Meron ka ba AV? Sungit natin ngayon ah hahaha." Halos sumabog na sa inis si Aly dahil sa pang-aasar ko kaya napagpasyahan kong kumain na lang. Napatigil naman kami nang may biglang sumigaw.

"DW! Si JDR nasa BEG. Pinagkakaisahan nila Fhen!" Hingal na hingal na sabi ni Yumi kaya lahat kami napatayo.

"Ano?! Bakit hinayaan mo siya?!" Galit na tanong ni Bea atsaka tumayo.

"N-natakot a-ako." Naiiyak niyang sagot kaya lumapit ako at tinapik ang balikat niya.

"Wag kang umiyak dyan. Puntahan mo na lang ang mga kaibigan mo. Kami na ang bahala sa kanya." Pagpapakalma ko sa kanya atsaka lumabas ng BEG. Narinig ko namang may sinabi muna si Aly sa kanya.

"Mag-uusap din tayo tungkol dito." Seryosong sabi ni Aly at sumunod sakin.

Dali-dali kaming pumunta sa BEG dahil sa sinabi ni Yumi. Oo tama yung nabasa niyo kanina dahil alam kong hindi siya sanay sa mga ganoong pangyayari kaya sinubukan ko siyang pakalmahin habang ako ay nagpipigil ng galit.

"JDR!" Sigaw ko nang makita siyang hawak-hawak nila Zolo at Fhen habang binibugbog ni Mich.

"Wag kang makialam dito DW." Nainis ako dahil sa sinabi ni Fhen kaya agad akong lumapit sa kaniya at sinuntok siya. Tumumba siya kaagad.

Akmang susuntukin naman ako ni Zolo pero naunahan ko siya. Naramdaman ko namang may tao sa likod ko kaya mabilis ko siyang inupper cut hanggang sa lahat sila duguan ang mukha at nakahandusay na sa floor.

"Ang bangis mo pa rin Boss D." Manghang sabi ni Bea pero hindi ko siya pinansin at tinulungan si Jaycel na umupo. Punong-puno ng dugo yung mukha niya. Masasayang ang gandang gwapo nito kung hindi magagamot agad ang mga sugat niya.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now