HFM 48 [Gabriel&Franco]

Start from the beginning
                                    

Napataas ang kilay ko ng makita ko ang bilang nila, lahat sila papasok sa loob ng cave,  mahigit sa sampu at mahigit din sa bente ang bilang nila.




Hanggang sa napansin ko ang nasa gitna na may crown ito at higit sa lahat pinakamalaki ito sa lahat.



"Achoo!"nanlaki ang mata ko ng bumahing si Franco at hindi gaano pero maririnig pa rin.



"Shit"nasabi ko na lang at mas pasimple na pinatibay ang earth wall at maging sa ibang paligid para hindi mapansin ang tinataguan namin.




Nakita ko kay Franco ang takot nito ng mapansin na tumigil ang mga goblin at maging ang pinakamalaki sa kanila.




Nagkaroon ng mga ingay ang goblin na tila hinahanap kung sino ang bumahing.



"Arghhhhh"rinig kong ungol ng isa na tila inaamoy kung nasaan kami ngayon.



Hindi ko sila kaya harapin mag isa kung sakali man at hindi ko maaaring iharap sa laban si Franco lalo na hindi nito pa kaya.




Nabigla ako ng basagin ng mga ito ang mga wall na nakikita nila at pasimpleng dinagdagan ko pa kapal ng earth wall sa amin at maging sa iba pa.




Naalala ko bigla ang tracking device namin at walang sabi na pinindot ito. Hanggang sa napansin ko na unting unti kami naglalaho ni Franco.






"Ahhhhhhhh"sigaw namin at naramdaman ko na bumagsak kami sa isang malambot na bagay.




"Mr. Salvador and Mr. Glacier mission failed"napadilat ako ng marinig ko ang isang boses ng babae.




"Headmistress?"nagtatakang tawag ko dito pero tinitigan lang ako at napansin ko na nakakapit pa rin sa akin si Franco.




"Hey!"tawag ko sa pansin nito at unting unti naman ito dumilat. Nanlaki ang mata nito ng makita na nakakapit ito sa akin.




Bumitaw agad ito sa damit ko na ikinatawa ko at mabilis na binalik ang tingin kay Headmistress.



----

Franco Glacier

"Franco Glacier and Gabriel Salvador, hindi niyo nagawa ang mission niyo. Napansin ko na kailangan niyong dalawa mag ensayo lalo na kayong dalawa lang ang hindi nakagawa sa mission"napatingin ako kay Headmistress ng sabihin niya yun ay nakita ko si Gabriel na nakangiti pa din.





"Yes Headmistress"sagot na lang namin dahil alam ko na kulang pa ako sa lakas at kung titignan ay kaya napunta ako sa Elite Section dahil sa anak ako ng prinsipe.



"Napanood namin ang nangyari sa inyo at tama lang na pinindot niyo ang device na binigay sa inyo. Lalo na hindi rin namin alam na ginawang kuta na iyon ng mga halimaw. Mas mahalaga ang buhay niyo kaysa sa mission niyo"nginitian kami nito at sabay tinapik sa balikat namin.





"Nakabalik na po ba ang iba Headmistress?"tanong ni Gabriel at mabilis na tumingin ako ulit kay Headmistress dahil hinihintay ko siya.



"Si Aishelle at Lianne nasa mortal world pa pero natapos na nila ang mission"nabigla akong napatingin kay Headmistress dahil sa sinabi niya.




"Bakit hindi ang mission na yun ang binigay sa amin Headmistress lalo na laking mortal world ako kaya mas alam ko yun"sabi ko dito at nginitian ulit ako nito.




"Natapos naman nila ang mission at nakuha nila ang dapat nila makuha"napayuko ako sa sinabi nito at napakuyom ng palad dahil magkasama sila.




"Yung iba naman ay nandito na sa Academy. Maaga nila din natapos ang mission pero si Arrianne at Wina ay pabalik palang"pagtapos namin siya makausap ay lumabas na kami ng office nito kung saan kami nabagsak.



Nakayukong naglakad ako dahil sa kami lang ang hindi nakagawa ng mission at hindi ko pa siya nakasama.




"May gusto ka ba kay Lianne?"tanong bigla ni Gabriel at gulat na napatingin ako dito. Napaiwas ako ng tingin ng titigan ako nito sa mga mata.




"M-meron dahil nung sinundo niya kami ni Dad doon ay may mga sumalakay sa amin. Nagawa niya kaming iligtas at naramdaman ko na nag aalala siya sa akin"namumulang sabi ko dito at nakita ko na napataas ang kilay niya pero ngumiti din.





"Mabait si Lianne kahit na hindi siya mahilig magsalita ay mararamdaman mo ang pagiging mabuti nito. Ngunit pagdating kay Aya iba siya, makikita mo ang binibigay na tingin nito. Kaya kung ako sayo habang maaga pa alisin mo na ang nararamdaman mo. Tulad ko may gusto din ako kay Aya pero ng makita ko na may mahal na siyang iba sumuko na ako at sa umpisa palang din alam ko na hindi siya para sa akin. Sinasabi ko ito sayo bilang kaibigan dahil wala tayo magagawa kapag alam mong may nag mamay ari na sa magugustuhan natin. Napansin mo din ang kakaibang connection ng dalawa at alam mo din sa sarili mo na higit ang pagmamahalan nila. Makikita mo din sa mga mata nila ang tunay na nararamdaman nila sa isa't isa"matapos niya sabihin yun ay hindi ko namalayan na nasa dorm na kami at nginitian ako nito sabay tapik at pumasok sa katabing dorm ko.





Pumasok na din ako at kumuha ng tubig dahil sa uhaw na nararamdaman ko.



Alam ko naman din nung makita ko kung paano mag usap sila kahit sa mga mata palang nila.



Titigan nila na maraming binibigay na kahulugan at higit sa lahat ang tinginan nila na makikita ang pagmamahal.




Kung paano mawala ang malamig na tingin ni Aya kay Serene at kung paano ngumiti at titigan ni Serene si Aya.




At mas napansin ko din kung paano kalalim ang tingin na binibigay ni Serene kay Aya.




Mas higit pa niya ito tignan, na kahit konting galaw lang ni Aya ay sinusundan agad niya ito ng tingin.




Kung paano niya palihim na tinitignan si Aya na walang nakakapansin at higit sa lahat kung paano niya ito bigyan ng ngiti na tila kay Aya niya lang binibigay.




Lalo na nung makita ko noon ang lungkot at sakit sa mga mata ni Serene ng nasa mortal world kami.




Kung paano nawala lahat iyon ng mag kasama na sila ni Aya at alam ko na agad ang sagot ng makita ko silang magkasama.



Nangungulila si Serene kay Aya ng magkalayo sila pero lahat ng lungkot at sakit sa mga mata ni Serene ay napalitan ng pagmamahal ng makita si Aya.




Napahiga ako sa couch at napatawa ako dahil alam ko din naman na wala akong pag asa.




Isa pa nagustuhan ko lang si Serene dahil niligtas niya kami ni Dad sa mga gustong patayin kami.



Suko na ako...




Lalo na may ibang pumapasok na din sa isip ko.



----

Be ready...

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now