Marami pang iba.

That night I texted her number. Do you want to meet up tomorrow? Kahit alam kong hindi siya ang magpapakita sa akin. May kaunting boses na nagpupush sa akin ituloy kasi malay natin na baka magkaroon siya ng lakas na loob na iamin sa akin ang katotohanan ng lahat.

Hihintayin ko na sabihin niya lahat.

They rescheduled. Napakibit lang ako ng balikat nung nakita ko ang message na iyon. Okay. Madali naman akong kausap.

Gusto kong makita si Louise.

Kaya nagpatulong ulit ako sa napakagaling na kababata kong si Eunice. Ang sabi ko, yayain si Louise na maglunch sa labas. Kahit kasama si Eunice, okay lang. Atleast makakausap ko siya. Sineseen niya lang kasi mga messages ko sa ig 'e.

Napatawa ako nung nakita ko kung gaano siya kagulat nung nakita ako. Medyo malapit kami dahil hinila ko siya mula sa kalye. Minsan, wala din sa sarili itong babaeng 'to 'e. Pero okay lang, crush ko parin.

She took steps back. 'Di niya ulit napansin na may kotseng paparaan sa kalsada. I quickly held her hand and pulled her once more. Hala, ang lambot ng kamay. Parang sa baby.

"Stalker ka ba?"

"Kung oo, ano gagawin mo?"

"Bahala ka sa buhay mo."

Biglang nawala si Eunice. Akala ko ba sasama iyon sa aming dalawa? Iyon ang plano ah.

Pero okay lang din na kaming dalawa lang.

"She cancelled." she slightly pouted and showed me her phone. Tumango ako ng marahan at binuksan ang kotse. "Tara."

Hindi na siya umangal.

Nung nagsimula akong magdrive, napansin kong medyo niyayakap niya sarili niya. Gusto ko sanang hinaan ang aircon ngunit iyon na ang pinakamababa. Siguro dahil kakalinis lang ng aircon at kotse.

Kaya ang ginawa ko, kinuha ko nalang ang hoodie ko na nakapatong lang sa upuan sa likod at ibinigay sa kaniya. Nung una, tinatanggihan niya pa ito ngunit wala na siyang nagawa noong ipinatong ko ito sa lap niya.

"Okay, moving on to #1 in our playlist today. Many of you requested for this to be player and guess what, it's finally going to be played! Ang bilis sumikat ng bandang ito 'no, DJ Cha?"

"Oo, tama ka diyan, partner. They deserve it. Their songs are like food for the soul. Chill lang. Sobrang dinadama ko 'e. Whenever I listen to their songs, I feel like I am heartbroken over a relationship I didn't even have! Or kaya kung hindi heartbroken, I feel like I'm inlove. Deeply inlove. Hahahaha, okay, give it up for the rising indie folk band, Munimuni and Clara Benin! With their song, Solomon."

Awtomatiko kong nilakasan ang volume hanggang ito nalang ang naririnig namin sa kotse. Wala nang ingay mula sa labas. Ang ingay kasi ng ibang konstruksyon 'e.

Yung totoo, plano ko talaga idala si Louise sa isang mamahaling restaurant ngunit naalala ko na kailangan kong umambag sa classfunds mamaya. Papagalitan na ako ng pres namin. Kaya agad din akong lumiko. Jollibee nalang muna, kinakapos na ako sa pera, hehe.

abot sa paninginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon