"Wala."- sagot nito. Lihim namang napailing si Cristel.

'Blaze's pov'

Hindi ko alam kong paranoid lang ba talaga ako o sinadya talaga ni Cristel na saktan ako physically. Dahil shit! Ang sakit kaya ng mga tira niya. Ramdam mo talaga ang poot. Hay naku! Halos hindi ako makailag sa bilis.

"Ayos ka lang, Kuya?"- napalingon ako ng may nagsasalita sa aking likuran.

"Oo naman. Bakit hindi?"- tanong ko sa kanya.

"Ang seryoso kasi ninyo kanina ni Cristel eh."- aniya at bahagya pang natawa.

"Stop smiling. I know you're not okay and this because of our lost sister." sabi ko sa kanya agad namang nawala ang mga ngiti niya.

"Makikita pa kaya natin siya, Kuya?"- malungkot nitong tanong sa akin.

"Naniniwala ako na magbabalik siya. Alam ko na makasama pa natin si Shine."- sabi ko sa kanya. Alam ko na hinanap siya ni tita Dannaya.

"Sana nga, Kuya."- aniya.

Natahimik naman kami. Ilang sandali pa ay nagsalita ulit siya.

"Dito ka lang ba, Kuya?"- tanong niya. Napakunot noo naman ako.

"Bakit?"- tanong ko.

"Hindi ka ba lalabas? Tsk. Yan tuloy si Knight na ang palaging kasama ni Cristel."- tudyo nito sa akin.

"Tss. Paki ko sa kanila? E di magsama sila!"- iritadong tugon ko sa kanya.

"Talaga lang, kuya ha. Hahaha nakita ko nga sila kagabi na hinalikan ni Knight si Cristel eh.."- na pantig naman ang aking tainga sa narinig at hindi ko pinahalata sa kanya na nag seselos at nasasaktan ako.

"Edi maghalikan sila! Wala akong paki. At pwede ba lumabas kana? Ka lalaki mong tao pero napaka tsismoso mo! Labas!"- sigaw ko sa kanya. At ang loko ay tinawanan  lang ako.

"Hahahaha. Wala daw siyang pake pero the way you act, kuya. You look like a jealous boyfriend. Hahahaha."- aba gago rin to eh...

"Gago! Labas. Doon ka!! Mas mabuti pa ang atupagin mo ay yung crush mo na di ka naman crush!"- sabi ko sa kanya.

"Oi! Pano mo nalaman na hindi niya ako gusto? Ha?"- pang hahamon niya.

"Hahahaha secret!"- sabi ko at tinulak siya palabas sa aking silid.

Ng mawala na si Stone ay agad namang nawala ang ngiti sa aking mga labi. Ang totoo ay nasaktan ako sa sinabi ni Stone. Pero wala eh. Alam ko na hindi na siya maniniwala pa sa akin. Tsk. Kasalanan ko naman yun eh.

'Cristel's pov'

As usual na sa garden na naman ako. Parang naging safe haven ko na ang lugar na ito mula ng nasaktan ako. Hahaha. Hindi ko na man dati gusto ang garden dahil sa sobrang girly pero tang*na lang girl pala ako hahaha.

Araw araw si Knight ang kasama ko. Sa paningin ng iba ay may namamagitan sa amin but they are wrong. We're just friends. Best of friends.

"Malungkot ka na naman."- alam ko kay Knight ang boses na yan..

"Di naman."- sagot ko.

"Inisip mo na naman ba siya?"- tanong nito sa akin.

"Nope! Inisip ko lang kong saan ka nag punta no'ng bumisita ang ibang hari at reyna. Saan ka ba nag punta non?"- hindi naman nakaiwas sa aking mga mata ang bigla pag ka balisa ni Knight. May tinatago ba siya?

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora