"So this is how a big ship looks like!" muling bulalas ni Lora.

"It's only a sailboat and not that—"

"It is big," giit ni Lora at nilingon si Karl. Dimpled at him. "Why make a fuss about it. There's no difference. They both sail."

Umiiling na nagkibit ng mga balikat si Karl. Gustong maaliw. Ang admiration sa mga mata ni Lora ay walang pakunwari. Tila batang napakitaan ng magandang laruan.

"Diyan ka muna, magbibihis lang ako."

"Can I look around?"

"Be my guest." Nagkibit ito at iniwan na siya.

Ipinagpatuloy ni Lora ang pagsuri sa buong yate. She went up to the upper deck. Malaki at maluwang iyon. Whoever owned the private ship must be very very rich, she thought. Pagkatapos magsawa ay muling bumaba sa lower deck. Napipinturahan ng puti ang lahat ng dingding at ang mga pinto'y sa natural na barnis. May mga modernong kasangkapan sa paligid. 


Bawat cabinet ay binubuksan niya, bawat pinto ay pinapasok at inuusisa at hindi niya mapigil ang mapasinghap sa bawat makita. Nasa yate lahat ng amenities ng isang maganda at marangyang bahay. It even had a small bar at sa isang sulok ay katamtamang laking billiard table.

She opened another door at sumilip sa loob. Malaki ang cabin na iyon kaysa sa karaniwan. At mas malaki rin ang bunk bed na naroroon. May TV, VHS, component... at computer sa ibabaw ng isang mesa.

Humakbang siya upang lapitan ang computer nang bumukas ang pinto sa may kaliwa niya at lumabas si Karl mula sa banyo. Sa pag-iwas niya na huwag silang magkabungguan ay nawalan ng panimbang ang dalaga.

Bagaman nabigla dahil hindi inaasahan ni Karl na nasa loob ng cabin nito si Lora ay agad nitong nahapit sa baywang ang dalaga bago pa siya matumba.

Hindi agad nakapagsalita si Lora. At hindi niya namalayang nasa mga balikat ni Karl ang mga kamay niya. She could feel the silky flesh beneath her hands. Kung saan galing ang pagnanais niyang paglandasin ang mga kamay sa mamasa-masa nitong balat ay ewan niya.

She fought the urge and raised her eyes slowly from his chest to his neck to his face. Only to find out he was gazing at her intently. There was something in those deep and dark eyes she couldn't put a name to it... "Go and touch me. I wouldn't mind..." One corner of his lips twisted in dry amusement.

"W-why would I want to do that?" Gusto niyang mapahiya. Napakadali niyang basahin.

"Kanina mo pa ginagawa iyon sa bangka. You more than embraced me when you pretended to have made that silly wish upon a falling star. We both know there's no such thing as a falling star."

"I–I did not pretend to have made a wish." Sa banayad na paraan ay sinikap niyang pakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak nito. Subalit ni hindi niya matinag ang bisig nitong nakapulupot sa baywang niya.

"Tell me your name," Karl said softly.

The sudden huskiness of his voice was a caress. And it raised downy hairs from her body.

Banayad na napasinghap si Lora. She saw the male intensity in him. Isang hindi maunawaang damdamin ang tila nag-uunahan sa katawan niya, making her shiver. Isinisisi niya iyon sa lamig na nagmumula sa air-conditioner at sa nipis ng suot niyang T-shirt.

"Lora..." she said almost in a whisper. Pagkatapos ay mabilis niyang idinagdag, "Lorabelle."

"Tinatawag ka ba ng mga kaibigan mo na 'Belle'?" "No."

"Lora?"

Tumango siya. Aware of his strong arm on her waist.

"And your boy—friends," banayad na sabi ni Karl, "tinatawag ka ba nila na 'Belle'?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. He said it so smoothly. At bagaman pinaghiwalay nito ang "boy" sa "friends," there was no mistaking the cynical calculations in his dark eyes.

Subalit kulang siya sa karanasan upang makipagdigmaan ng mga salita. Gusto man niyang mainis ay hindi naman iyon ang nararamdaman niya. Bukod pa sa mula kanina sa bangka'y ganoon na ang paraan nito ng pagsasalita. At hindi niya masisi ang estranghero na halos yakapin siya. She had been too obvious with her admiration to him. Besides, tama ito. Kanina sa bangka'y niyakap niya ito mula sa likuran. Feeling the warmth of his body... inhaling his scent.

Sinikap niyang seryosuhin ang sitwasyon. "Bitiwan mo ako..." wika niya sa malamig na tinig, her ices were as icy. Umaasang pakakawalan siya nito. Subalit ni hindi man lang lumuwag ang pagkakahawak nito sa baywang niya. Sa wari pa niya'y lalong humigpit. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko."

"Lahat ng mga kaibigan ko, babae man o lalaki, ay tinatawag akong 'Lora.'" Alam niyang pag-aaksaya lamang ng lakas ang gagawin niya kung patuloy siyang magpumiglas na pakawalan nito. At ang masama pa roon, it would only increase her awareness of his disturbing male strength.

"Do you want me to call you 'Belle'? Sa French, it means the most beautiful woman..." Now she could hint a teasing in his voice, bagaman walang ipinagbago ang mga mata nito.

"Or shall I call you 'Lorabelle'?" patuloy nito. Then he smiled. And finally, slowly, inalis ni Karl ang kamay sa pagkakahawak sa baywang niya. Lumakad ito patungo sa closet.

"Bakit ka narito sa loob ng cabin ko?" tanong nito nang hindi tumitingin sa kanya. Mula sa closet ay naglabas ito ng briefs, puting T-shirt, at blue jeans. Inihagis iyon sa kama. "Nagpaalam ako sa iyong titingnan ko ang buong yate, 'di ba? Hindi ko alam na cabin mo ito..."

"My friend's cabin," pagdiriin nito. "Ipinagagamit niya sa akin."

"How generous. Anyway, I'm so impressed!" Ngumiti siya. Ang pagbabalik ng tono nito na tila laging iritado'y mas ikinapapanatag niya. And she also was back to her gregarious self.

"It's obvious," matabang nitong sabi. "Kung nakita mo na ang dining room, hintayin mo ako roon at magbibihis lang ako, okay?"

Nagkibit ng mga balikat si Lora at humakbang patungo sa pinto. "Hurry up, kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko."



*************At dahil marami na tayo ay baka sipagin akong mag-update char hahahaha. Sana marami akong time at datung char hahahaha -Admin A**********

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now