Reapers 34

239 12 0
                                    

(Selene's POV)

So far tahimik ang lahat, papunta na sila Naya sa meeting pero nananatiling tahimik ang paligid. Wala kayang gagawin si Fifth? O baka naman mamaya pa.

"Were here"

Hindi nahirapan sina Naya na pumasok, hindi maganda ang pakiramdam ko sa bagay na to.

"We are ready also"

Xien said, naka-pwesto na ang team Assassins.

"Palagi kaming nakahanda"

Team Black said, napangisi lang si Sky at si Tito ay nananatiling seryoso.

"Anumang oras ay susunod narin kami"

Eos said, talagang handang handa na sila.



(Naya's POV)

"Kakaiba ang tingin ng mga tao, mukang ang ilan sa kanila ay natatandaan ka"

Autumn said to me na ipinag-kibit balikat ko lamang.

"Isang atensyon lamang ang gusto kong makuha Autumn, at kapag nakuha ko na yun saka lang ako magkakaroon ng pakialam"

Sagot ko sa kanya, matapos noon ay hindi na siya nagsalita.

Maya maya lamang ay nagsimula na ang programa, tinawag na sa engrandeng entablado ang Reapers Lord pero hindi siya nag-iisa sa kanyang pag-akyat ay kasabay noon ang pagpanhik ng matagal ko ng inaantay.

"Fifth"

Bulong ni Autumn, kasama ng Reapers Lord ang tatay ni Autumn, I wonder why? Ano kayang dahilan. Nagsimula ng magsalita ang Reapers lord, tahimik parin ang paligid ayon kay Ate Selene.

Maya maya ay natigil sa pagsasalita ang Reapers lord, lumapit sa kanya ang isa niyang tauhan at may ibinulong ito sa kanya.

Matapos noon ay napalingon siya sa gawi namin, naramdaman kong lahat ng mga mata ay nadako din sa amin.

Tumayo ako na alam kong ikinagulat din ng mga kasama ko, I can even hear ate Selene asking me what I am doing.

Umakyat ako sa stage kung saan sila naroroon at lumapit sa dalawa. Kinuha ko ang mike sa Reapers Lord. No one dares to move lahat sila ay nakatingin sa akin marahil ay kinikilala ako.

"As the special guest of this event I would like to show you how fifth will be dethroned"

Ang Reapers Lord narin ang humarap sa kanya at ang mismong humuli sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin, marahil iniisip kung papaano kong nagawa ang lahat ng ito.

"Fifth was one of the makers of venom x, they made that to destroy and there were no Antidote to that venom x"

Nagsimula n g magkagulo ang mga tao, Pati sila Autumn ay umakyat narin sa stage ng senyasan ko silang hawakan din si Fifth. People started to panic. Maya maya ay nagsimula narin ang sigawan.

"Naya get out of there"

Ate Selene said, sinenyasan ko na ang Reapers Lord at ang mga kasama ko.

"Hold him tight don't ever let him go or else he'll kill you"

Banta ko kay Autumn as I Pulled my gun and started shooting.

"There were a massive infection all over the philippines"

Ate Selene yelled.

"Kami na ang bahala"

Underground Society: ReapersWhere stories live. Discover now