Reapers 10

272 21 1
                                    

(Naya's POV)

Dinala ko sila sa conference room sa office ko,  para naman maayos kaming makapag-usap usap.

"So ano? Kindly explain what is happening right now? Bilang reaper parang masyado naman yata kayong pabaya niyan?"

Panimula ko sa meeting na ito.

"Makikinig naman ako!"

I said, i saw summer nod at Autumn. Maybe she's trying to convince them.

"Sorry talaga Naya!"

Autumn said kasabay ng luha niya.

"Sinadya talaga naming ipain yung kambal sa inyo nung araw na yon para malaman namin ang kilos niyo, kaya lang hindi naman kami nagtagumpay dahil hindi naman lahat ng araw kasama niyo sila! Sorry -- papa want it! Namatay si mom dahil don, namatay siya at muntik ng mawala sa akin ang mga kapatid ko ---

Habang umiiyak siya ay patuloy siya sa pagke-kwento.

-- Wala akong magawa noon, sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto ng papa ko! Hindi ko kasi alam, hindi ko alam na siya si fifth! Hindi ko alam na ginagamit niya kami nila mom para mabantayan ka! Hindi ko alam na sila ang gumawa ng venom x na pumatay kay mom! Sorry, hindi ko alam Naya!"

Iyak niya, humahagulhol siya at lumuhod pa siya sa harapan ko, habang parang natulala lang ako at ang mga kasama ko.

"Papa mo si fifth?"

Hindi makapaniwalang tanong ko muli dahil baka mali lang ako ng pandinig, pero tumango siya, narinig kong napamura pa lahat ng kasama namin.

"Pamilya sila ng Reapers na nagtatrabaho kay lord Alvaro, Reapers din kaming Apat ng clan na yon!  Wag kayong mag-alala dahil hindi naman si Alvaro si sixth! Hindi na namin siya nakilala, basta ang papa ni Autumn ang fifth!"

Sabad nung isang lalaki.

"wala kaming masyadong alam, basta ang alam lang namin ay ang lahat ng nangyari mula  25 years ago!  Hanggang ngayon, hindi din namin alam kung sino si sixth o si seven, wala kaming ibang alam, nalaman lang naman namin na si fifth ang papa ni Autumn nung namatay na ang mommy nila!"

Dagdag ni Summer.

"Gustong gusto ko ng sabihin, gustong gusto ko na Naya, kaya lang iniisip ko ang mga kapatid ko, gusto ko ng magtapat noon pa, pero iniisip ko ang kambal, hanggang sa iutos ni papa sa mga tauhan niya na patayin sila, dun na ko naglakas loob! --- kaya sana mapatawad mo ko! Wag na wag mong sasabihin sa kambal ang lahat Naya, pakiusap! --- ako na lang, ako na lang ang maghihirap! Ako na lang ang magdadala nito, ako na lang ang gagawa ng paraan para mapabagsak ang tatay ko!"

Lalong lumuhod si Autumn sa harapan ko.

"Tulungan mo ko, lahat gagawin ko! Gagawin ko lahat, kahit mamatay ako! Mapatay ko lang ang tatay ko, matapos ko lang ang lahat ng kahibangan niya, mabigyan ko lang ng maayos na buhay ang kambal! Maipaghiganti ko lang ang Mommy ko, tulungan mo ko Naya, sabay tayong gumanti!"

Hinila na patayo nila Summer si Autumn habang nakatitig lang ako sa kanya, ang tingin ko sa kanya ay ang ama niya at hindi siya.

Ako na ang unang lumabas, hindi ko na kayang tagalan ang tensyon sa loob, kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

Mababaliw na yata ako, kilala ko na agad si fifth. Kilala ko na siya, kilala ko na siya at gusto ko siyang patayin ngayon din. Gusto ko siyang mamatay agad.

Abot kamay ko na si Fifth, hindi ako makapaniwala, malapit lang siya sakin.

(Selene's POV)

Kami na ang nagpaliwanag ng lahat sa iba para hindi na sila magtaka sa asal ni Naya. Hindi namin kayang husgahan si Autumn.

Hindi din namin alam kung totoo ba to pero mapaglaro talaga ang tadhana, nakilala namin si fifth at sila pa ang kusang lumapit sa amin.

Nakakagulat din na magiging kakampi namib ang mga anak niya laban sa kanya.

Ipinakilala nadin sa lahat yung apat na mga kasamahan nina Autumn.

Hindi ipinaalam sa kambal gaya ng pakiusap ni Autumn. Hinayaan na lang din si Naya na makapagisip at mapakalma ang sarili niya.

"Pasensya ka na, pero madami lang talagang nagawa yung grupo nila fifth sa amin kaya hindi namin kayang pakiusapan si Naya na patawarin ka, ni hindi ko nga rin kayang sikmurain ang lahat pero susubukan namin, para sa kambal!"

Tito said to Autumn, siguro naman wala na siyang tinatago sa amin no.

"May kambal din sana kami ngayon eh!  Mga Kuya ni Naya, may lola pa sana siya, yung mga kaibigan nila, Marami! Maraming nawala sa amin, lalong lalo na sa anak ko dahil sa kanila! Pati kabataan ng anak ko kinuha nila, ang malilinis niyang mga kamay nabahiran ng dugo, ang makinis niyang balat ay nagkaroon ng peklat, tumalim ang mga mata niya, nagbago ang kilos at pananalita, lahat nagbago, pati ang puso niya nagbago dahil sa kanila!"

Umiiyak si tito, pero wala kaming magawa kahit gustohin naming wag iparamdam kay Autumn na kasalanan ng tatay niya.

"Kung totoong noon pa man binabantayan niyo na kami alam niyo yun! Alam niyo kung gaano kasakit mawalan! Pasensyahan na lang Autumn, hindi namin sasantuhin ang ama mo!"

Tito said pero may pagpapakumbabang sumagot si Autumn.

"Tito, hindi ko rin po siya sasantuhin! Kakampi niyo po ako, at para sa akin, kalaban lang din siya at walang iba!"


(Eos's POV)

"hindi ba dapat masaya tayo? Kasi may katulong na tayo sa pagsugpo kay Fifth, alam narin natin kung sino siya!"

I said to Naya habang pareho kaming nakaupo sa kalawakan ng field dito sa mid quarters.

"Pasensya na kayo, gusto ko lang talagang pumatay ngayon! Gustong gusto ko Eos! Hindi ko mapigilan!"

She cried, humagulhol na siya, malakas, walang tigil, punong puno ng sakit, galit at lungkot.

"Gusto ko siyang patayin para maramdaman niya kung gaano kasakit, gusto kong patayin ang mga anak niya gaya ng pagpatay niya sa mga mahal natin sa buhay! Gusto ko siyang pira-pirasuhin, Eos! Gustong gusto kong gawin yon! "

She scream. Hinayaan ko siya, hinayaan kong ilabas ni Naya ang lahat ng mga hinanakit niya para handa siya.

"Sumigaw ka lang, umiyak ka! Basta mahal na mahal parin kita kahit anong mangyari, andito lang ako sasamahan kita!"

I said to her nung napansin kong parang napagod na siya. I hug her too as she hug me. Umiiyak lang siya habang nakayakap sakin.

Hindi naman kahinaan ang pagiyak, hindi naman nakakabakla o nakakaawa ang pagiyak, ang pagiyak ay pagpapahinga lang, ang pagiyak ay parang paghinga lang dahil kinakapos ka na ng hangin pero pagkatapos mong magpahinga, pagkatapos mong humigop muli ng hangin magpapatuloy ka na.

Magpapatuloy ka dahil yun ang dapat yun ang kaylangan, yun ang dapat mong gawin.

Banda banda dyan kakalma din ang bagyo, huhupa ang baha, aaliwalas ang kalangitan at maaayos ang lahat.

Ganito talaga ang buhay e. Kahit anong gawin mo, parte ng paghahanda ang sakit at pagluha. Para pag maayos na ang lahat, masaya na lahat.

Underground Society: ReapersWhere stories live. Discover now