"W-what?" Utal kong sabi. Wag kang mautal Eleena mapapansin niyang kinakabahan ka!

"You don't love me?" Sabi niya. Napakunot namn ang noo ko. Anyari sa kanya.

"Bakit?"

"You did not reply" sabi niya. Itong lalaking talaga oh!

"I love you too, Caspian" sabi ko. Nakita ko namang napangiti siya. Itigil mo yang ngiti mo! Nakakasilaw na!!

"I love you more"  Bwiset talaga tong lalaking toh! Lalo akong pinakikilig! Akmang hahalikan niya ulit ako ng agad ko siyang pinigilan.

"Baka may makakita satin" sabi ko. Sumeryoso naman ang mukha niya.

"I don't care about them, Eleena" he said and gave me a peck kiss on my lips.

"Langya ka talaga, Caspian!" Sigaw ko sakanya. He chuckled and hold my hand.

"Let's go inside" sabi niya at tumango nalang ako. He's enjoying.

"I heard Christina has arrived" tumango naman ako.

"Pinag pahinga ko muna siya." Sabi ko. Pumasok kami sa parang isang office. Nandito si Leo at Alejandro. Bumati ako kay Alejandro at ganun din siya. Nilingon ko naman si Leo.

"Hi kumag" bati ko at ngumiti. Sumimangot naman siya. Di ko rin alam kung bakit nagkakaganito na kami ni Leo. Siya yung nanguna eh. Inirapan naman niya ako. Parang di chancellor eh.

"Asan si Christina?" Sabi niya. Talagang hahanapin niya si Christina. Jowa niya yun eh. Napangisi ako ng may maisip.

I have an idea.

"Wala dito. Pina uwi ko na" kalmado kong sabi. Nakita ko namang sumeryoso ang mukha niya. I look at Caspian. Nakataas ang kilay niya. I just gave him a "leave this to me" look.

"Why?" seryosong sabi niya. Sumandal ako sa sofa para mag mukhang kalmado at totoo ang sinasabi ko.

"Sinabi kong di matutuloy yung date niyo. Di mo kasi siyang gusto makita. Kaya ayun umuwi na umiiyak" sabi ko.

"What the---" Tumayo naman siya at nagtungo sa pintuan. Napahalagpak naman ako ng tawa na ikinahinto niya sa pagbukas ng pintuan at tinignan ako ng masama.

"Ba't ka tumatawa diyan? May nakakatawa ba sa ginawa mo?" Pikon niyang sabi. Patuloy parin ako sa pagtawa. Sarap talagang pag tripan tong si Leo. Kumakagat agad eh.

"She's resting, Leo. Eleena was just joking" sabi ni Caspian. Napatingin naman sakin. He's giving me death glares.

"Pasalamat ka mahal ka ni Caspian. Kundi kanina pa kita tinapon sa labas" sabi niya at umupo sa tabi ko. Napatawa naman ako habang hinahampas ang balikat niya.

"Aray! Nakakasakit ka na ha! Ikaw na tong nantrip. Ikaw patong nananakit" sabi niya at lumayo ng kunti sakin.

"HAHAHA...yung mukha mo kase HAHA" Tawa ko. Uulitin ko to sa kanya. Sarap niyang asarin. Napansin ko ring tumatawa narin si Alejandro.

"Stop that already, Eleena" sabi ni Caspian kaya agad naman akong tumigil.

"Okay, okay" sabi ko.

"Si Caspian lang pala makakapag tigil sayo eh" sabi niya. Sinimangotan ko naman siya.

Bumukas ang pintuan at bumungad si Christina. Agad namang tumayo ang kumag at niyakap si Christina. Langya! Nandito kami oh! Napatingin naman ako kay Caspian ng tumayo siya.

Be My Empress (Completed) (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now