Chapter 19

6.8K 287 12
                                    

ELEENA'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ELEENA'S POV

Nagsimula na kaming maglakbay. Pagkarating namin sa city kanina ay maraming mga tao ang nag aabang samin. Nagpapaalam rin sila at mag iingat kami sa paglalakbay namin.

Malapit na kami sa Mt. Vecta at kausap ko lang si Zane. Nasa harap si Caspian, ni isa hindi siya lumingon sakin.

"Eleena, it suits you" sabi ni Zane kaya ngumiti lang ako. I prefer to wear black clothes dahil di pansin ang dumi.

"Your knight clothes also suits you well, Your Highness" sabi ko. Kulay puti at may skyblue fabric. May cape siyang may malaking logo ng kingdom nila. Bagay na bagay sa kanya dahil sa puting buhok at mata niya.

Langya nagmumukhang Guardian Angel

I look at Caspian. He's wearing a knight clothes with black and gold fabric. He's also wearing a cape with the Heisenberg Empire logo. It suits him well. Ang mga healers naman ay black and white ang suot. Mages are wearing their cloaks.

"We're getting close to the mountain" sabi ni Zane kaya napalingon ako sa harap. Malapit na pala kami sa paanan ng bundok.

Ilang minuto ay nakarating na kami. Agad bumaba ako sa kabayo. Tinignan ko si Caspian. Nag uusap sila ni Captain Sebas. Kinawit ko naman sa balikat ang maliit na bag na dala ko.

Narinig ko naman si Captain Sebas na papasok na kami sa gubat.Nagpaalam naman ako ni Zane, para pumunta sa kapwa ko healers. Una pumasok si Caspian kasama ang mga kawal niya. Sumunod naman kami mga healers at sunod naman si Zane at mga kawal niya.

May nakikila din agad akong kapwa healer. Her name is Jasmine. Siya ang kasabay kong maglakad. Bagong graduate lang siya sa  Nethilor academy ng may nag sabing kukuha sila ng mga healers para isama sa giyera. Tutol ang mga magulang niya na pumunta dito, pero gusto niya talagang tumulong. Bilib ako kay Jasmine hindi siya natatakot na mamatay dahil naglingkod naman siya sa maraming tao.

Madali kaming nag kaunawa kaya siya ang una kong naging kaibigan.

"MAGHANDA KAYO! MAY SERPENT. PROTECT THE HEALERS"

Agad naman kaming nag silapitan ang mga healers. We formed a circle and the Mages protected us. Lumapit naman ang ilang kawal para protektahan kami. May conditions kaming pinag usapan ni Caspian. Nandito lang ako para gumamot. Hindi ako pwede pumatay ng mga halimaw o sumali sa giyera. Napansin ko namang bumuntong hininga si Jasmine.

"Tatlong oras palang tayo sa gubat may gagamutin na tayo" sabi niya at napatawa nalang.

"It's our job, Jasmine. Wala tayong magagawa" sabi ko. Ilang minuto ang nakalipas ay napatay na nila ang halimaw. Dumeretso naman kami sa harap para gamutin yung may mga sugat.

Then I saw Caspian habang inilagay pabalik ang espada niya sa gilid niya. Lumingon siya sakin at tumalikod.

Yeah... He's definitely mad at me

Lumapit ako sa isa sa mga kawal. May malaking sugat siya sa braso.

"Please don't move" sabi ko at sumunod naman siya. I started to heal him. Even if they were just normal humans, they were blessed by his holiness .So it's okay to let us heal them completely.

"Salamat, Future Empress! Ang galing nyo po" sabi niya at hinawakan yung may sugat. Ngumiti naman ako at tumayo. Pagkatapos ng iba ay nag patuloy kami sa paglakbay. Napansin ko namang nakatingin si Jasmine sakin.

"Bakit?" Sabi ko. Bakit ganyan siya maka tingin sakin?

"Narinig ko na may trump card sa mga healers ang Zemira sa Giyera. Ikaw pala yun" sabi niya. I gave her a confuse look.

"Ang dali mo lang napagaling ang kawal na yun eh ang laki ng sugat. Eh kami nga dipende sa laki ng sugat." Sabi niya. Napatingin naman ako sa gilid ko at nakatingin ang ilang healers sakin. Ngumiti ako sa kanila at binigayan din naman nila ako ng ngiti.

Ayaw kong may galit yung mga tao sa paligid ko. Di ako makapag focus.

"You must be Well Trained by one of the Greatest Mages in the palace" sabi ni Jasmine. Napangiwi nalang ako. Naalala ko si Leo habang nag tra-training kami. Palagi niya lang akong pinagagalitan.

"Jasmine, ilang araw ba tayong maglalakbay hanggang sa border?" Tanong ko. Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko.

"Hindi mo alam? Tatlong araw tayong maglalakbay" sabi niya. What?! Tatlong Araw! Ang layo layo pa pala ng border.

Wala namang problema sakin yun dahil sanay na ako nung nakaraang buhay ko. Palagi akong naglalakad patungong skwelahan. Si Nicole lang kasi ang pwedeng sumakay sa sasakyan. Kaya pala ang iba mukhang ayaw sumama. Nagpatuloy kami sa paglakbay hanggang dumating na ang gabi.

May nakita na kaming pwesto para itayo ang mga tent. Pagkatapos itayo ang mga tent ay nag hapunan na kami. Simpleng hapunan lang.

Gumawa din sila ng bonfire para maliwanang at hindi malamig.

Umupo muna ako sa ilalim ng puno para mag pahinga. Pinikit ko muna ang mata ko dahil sa pagod. Ilang oras din kaming naglakabay at nag gamot ng sugatan kaya napagod ako.

Wala parin kaming imik ni Caspian. Ni kahit lingon lang wala talaga. I always check him out, but he seems on a bad mood. Palaging naka seryoso ang mukha.

San mo ba nakita si Caspian na ngumiti sa ibang tao Eleena?!

Hayst.

"Eleena" inangat ko naman ang tingin ko at si Zane pala. Umupo siya sa tabi ko at sumadal sa puno.

"Tired?" Sabi niya habang nakatingin sa mga bituin.

"Yeah, Ikaw din naman ah" sabi ko kaya napatingin naman siya sakin.

"Hindi kaya ang lakas lakas ko nga eh" sabi niya at inangat ang braso niya.

Napatawa naman ako.

"You does shine in darkness, Eleena" sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. What does he mean by that?

He hold my hand and placed it on his cheeks.

Anong ginagawa niya?! Baka may makakita samin.

I tried to pull my hand pero di niya binibitawan.









"Eleena... Be my Queen" he said while looking to my eyes.

What?! Is he serious?!

He seems serious about it. Wala akong masabi.

"We just met, Zane" sabi ko sakanya. Binaba niya ang kamay ko.

"Noon palang Eleena, I'm into you already. When I visit the Imperial palace. I saw you helping those maid. When you attend at the ball. You are the most beautiful and kind woman I've ever met in my entire life" sabi niya

"I like you, Eleena. Just leave him and live with me" I was in state of shock.

"Zane....."

"You should rest now, Eleena" sabi niya at tumayo. Sumang ayon nalang ako.I'm still don't know kung anong isasagot ko kay Zane. He held his hand and I accepted it. Hinatid niya ako sa tent ko.

"Sleep well, Eleena" sabi niya. He came closer to me and kissed my forehead.

I was not in my right mind right now. Parang lutang na lutang ang utak ko ngayon. Tinanguan ko lang siya at pumasok na sa tent.

I put my both hands on my head. Dalawa na ang iiwasan ko bukas.

How should I face him tommorow?





DONE CHAPTER 19

PLEASE VOTE, COMMENT, and SHARE

Be My Empress (Completed) (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now