"He is 12 years old for fuck sake Clover!!And baby is an endearment for a younger brother. So please cut the crap at ibigay mo na 'yang ulam! My god! Gutom na gutom na ako. Ilang araw ng walang laman ang tiyan ko. Diyos ko, pumapayat na ako. I don't have enough energy para manghampas man lang dahil kung may sapat lang akong lakas, kanina pa kita sinaktan. Now! Give me my food!" mahaba kong palatak. Tangina ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Tatlong araw ba naman akong walang kain, buti nakasurvive pa ako.

Natahimik siya at dahan-dahang inabot ang ulam sa akin. Pahablot ko namang kinuha iyon sa kanya at malaki ang ngiti kong sumubo. Sarap! Food is life.

"Kumain ka.. Nakakahiya naman sayo." niyaya ko siya, tulala lang kasi siyang nakatingin sa akin.

"Ilang araw kang hindi kumain?" tanong niya habang nakatitig pa rin sa bawat pagsubo ko.

"Tawt-lo!" sagot ko habang ngumunguya.

"Buti nakaya mo!" nakangiwi niyang sabi. Sarkastic ata iyon.

"Ako pa. I'm the best!" proud kong sabi. Dapat lang maipagmalaki ko iyon dahil sa kagaya kong food is life ang motto ng buhay, isang malaking achievement ang umayaw sa pagkain.

"Tss!" tanging reaction niya at sumandok na ulit ng pagkain. Nag-enjoy ako sa pinagsaluhan naming pagkain. Nakatikim din ng pagkain ang mga alaga ko sa tiyan at parang nagfi-fiesta sila sa loob ng tiyan ko. Happy happy!

"Clover wala ka bang pasok?" tanong ko ng nasa sala na kami. Iba talaga ang pakiramdam ko dito sa living room pati na din sa mga gamit ko dito sa loob ng unit ko, sino kaya ang naglagay at nagligpit ng kalat dito? Hindi naman ako tuluyang nabaliw at makalimutan ang ginawa ko kagabi dahil kahit punong-puno ng poot at galit ang kalooban ko, alam ko pa naman ang mga bagay na nagagawa ko.

"Hindi lang ako ang studyante dito First at alam mong may pasok tayo ngayon. It's still thursday kaya may pasok talaga." tamad niyang sabi.

"Eh bakit andito ka pa? Pumasok ka na!" singhal ko.. may pasok naman pala siya tapos di pa siya umaalis.

"Pumasok na tayong dalawa." paglilinaw niya.

"Tss! Ayoko ng mag-aral.. Hindi naman importante yun." tamad kong sagot.

"Education is important First. Ano na lang ang magiging kinabukasan mo kung wala kang interes mag-aral?." tanong niya.

Bumuntong hininga ako sa tanong niyang iyon..

"I don't see my future Clover." sagot ko. I can't see myself living in the future. Siguro dahil baka habang buhay na akong mag-iisa kaya hindi ko man lang naiisip pa ang ganoon. Baka nga bigla na lang siyang mawala sa mga susunod na araw at iiwasan na din niya ako.

"Tss! Silly.. —wala ka talagang makikita. Future is in the future. Kaya hindi mo talaga makikita kung anong mangyayari doon. Wala ka ring makikita habang wala kang ginagawang hakbang para sa future mo. Live your life to the fullest First, forget the things that makes you unworthy to be alive. Live like you really wanted to live. Breath like you really wanted breath. Running from your misery sometimes is good kapag nararamdaman mong pagod ka ng harapin ito and when you have the couraged to face it again, then face it bravely. Hindi bawal ang magpahinga." mahaba niyang paliwanag about sa future ko. Bakit iba na ang mga laman ng salita niya, napaisip tuloy ako. Pwedi ba talagang kalimutan ko muna ang bumabagabag sa akin at mabuhay muna ako sa paraan na gusto ko? —live happily in real.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now