Chap 1

11 1 1
                                    

Dedicated to Mr. Rhey V. and all the readers reading my stories.

:3 :3 :3

Maraming estudyante sa campus ng unibersidad, marinig ang ingay ng mag-aaral, may mga nag umpokan grupo at mayroon din gusto mapag isa dahil nagbabasa. Mayroong naglalandian lantaran at nagtisismisan. Hindi matawaran ang ingay ng mga estudyante. Sa gitna ng ingay may biglang sumigaw boses babae, sa lugar kung saan ang pangyayari ay bigla napatingin ang nandoon saan banda.

"Sinabing ayaw ko sa mga babaeing tulad mo, lakas ng loob mong lumapit sa akin, ginagalit mo talaga ako!" asik ng lalake.

Umiiyak yong babae nakaupo sa lupa habang umiiyak punas ang mga luha, may mga babae din tumulong patayuin ang babaeng nasasaktan.

"Wala akong magagawa kung ikaw ang gusto ko, masama ba yon?" luhaang sabi nito.

"Masama dahil ayaw ko sa iyo, diyan ka na nga, sinisira mo ang araw ko, katulad mong malantod na babae," inis na sabi at nilisan ang lugar. Alam ng lalake may masamang nakatitig sa kanya, wala siyang pakialam sa ganoon sanay na siya sa mga masamang tingin  ng ibang kababaehan. Matagal ng alam sa paaralan na ayaw niyang may lumalapit sa kanyang babae lalo na lalandian siya.

"Tol, may pinaiyak ka namang babae, hindi ka talaga naawa sa kanila, hindi ganon, ang ganda naman nung binasted mo, kung sa akin lang yon lumapit baka hindi na makapasok sa subject niya, papaligayahin ko siya ng todo," pilyong sabi

"Eh di puntahan mo, gusto mo palang ganoong babae na daming na e kama, di ka ba nandidiri daming lalake tumampisaw sa katawan ng malantod na yon, tapos sabihin gusto niya ako, di na lang sinabi gusto niya akong tikman," gigil sabi ni Rhey.

Tinawanan na lamang siya ng kanyang kaibigan at napailing sa asal. Hindi nila talaga maintindihan bakit ganon na lamang ang galit nito sa mga babaeng malandi o nangunguna sa kalalakehan.

Nasa loob na sila ng silid aralan, may kanya kanyang ginagawa ang mga estudyante, hanggang dumating ang kanilang professor pero parang wala sa kanila, hindi man lang binati at hindi natatakot ang mga estudyante na may guro na sa kanilang harapan. Ang guro naman ay hinahayaan mga ito kaysa hi-highbloodin siya kapag magalit, ang tanging gawa ay nagsasalita sa harapan, may nakikinig naman, kadalasan ay hindi hanggang natapos na ang kanyang oras ay ganoon pa rin ang mga estudyente sa kanyang klase.

Naglalakad palabas ang guro, nagbubulong sa sarili."Wala mga estudyente dito anak mayaman kaya walang mga modo, hindi ko matagalan ang ganito walang mga respeto." inis niyang sabi. Nakasimangot siyang naglalakad, nabunggo na siya ng isang estudyante pero parang wala lang. Napailing iling na lamang ang guro sa nangyari. Hanggang narating niya ang faculty room nila.

"Oh maam nakasimangot ka naman, galing ka naman ba doon sa klase mong mga walang mudong estudyante mo, mga mayayaman kasi parang walang pinag-aralan, pera lang pinapagalaw sa kanila. Ah siyanga pala maam di ba magleleave ka, may hina-hire silang papalit sa iyo temporary hanggang makabalik ka dito, enjoy mo muna bakasyon sa australia kasama mga anak mo, bakit kasi ayaw mo pang tumira doon nagtitiis ka pa dito," sabi ng isang guro.

"Naku,Maam Melba, masaya ako sa propesyon ko,mapagtiisian ko pa ang mga estudyante dito dahil pwede pakiusapan, doon sa ibang bansa baka ikaw pa matulfo doon dahil mas malala ang pag-iisip ng mga spoiled na bata." aniya, at sumang-ayon naman ang guro sa kanyang sinabi.

Sa may hallway marami naman nag-uumpokang estudyante at isa na ang grupo ni Rhey nagkatuwaan at tawanan. Hindi matapos ang araw na walang siya napapaiyak na babae dahil nasasaktan niya, tulad naman nitong isang babae palapit sa kanya at malanding kumikinding,may paflip hair pa.

"Hi! Rhey birthday ko ngayon, baka pwede kang mayaya sa party e dadaraos ngayon sabado," malanding sabi nito sa kanya. Habang may pahawak hawak pa sa braso ni Rhey.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon