VIII: Guardian

2 0 0
                                    

"Empire, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"

"Sorry, ano 'yon?"

Nagkatinginan kami ng kapatid ko. Basang basa niya kapag hindi na naman maganda ang binabalak ko.

"Ang sabi ko, Empire, hindi maganda kapag masyado kang nahuhumaling sa mga mortal sa ibaba."

Pabalik balik ang haplos ko sa aking labing nakanguso gamit ang hintuturo ko.

"Hindi naman talaga, Scythe." Sagot ko.

"Talaga? Pero bakit ka bababa na naman doon?" Tinaasan pa niya 'ko ng isang kilay habang naghihintay sa sagot ko.

"May titingnan lang ako? 'Tsaka 'di naman ako magtatagal." Depensa ko saka nag-iwas ng tingin kay Scythe.

Hindi ko siya kayang tingnan sa mata habang nagsisinungaling.

Hindi na bago sa akin ang magsinungaling dahil ginawa ko na iyon noong unang baba ko sa lupang inaapakan ng mga mortal.

I lied, of course. Who wouldn't after meeting an interesting mortal?

"I will just remind you again that you are not allowed to mess with people's life span, Empire."

Paalala ng kapatid ko bago umalis.

Napalunok nalang ako nang maalala ang unang dalaw ko sa lupa. Unang dalaw ko palang sinuway ko na agad ang kaisa-isang batas naming mga Anghel ng Kamatayan.

Isang ordinaryong araw lamang iyon sa akin. Inaaliw ko muli ang sarili ko sa panunuod sa mga mortal. I've been doing this thing since time immemorial.

Nag uunahan ang luha at dugo ng babae habang tumatakbo papalayo sa taong may masamang binabalak sa kanya.

Sa mga numero -na hindi kita ng hubad na mga bata ng isang mortal- na nasa uluhan niya ako nakatingin.

Konti nalang ang oras ng babaeng ito. Alam ko iyon, dahil nabibiling ako mga numero sa uluhan niya. Hindi na siya magtatagal.

Iisang paa na lamang niya ang may sapin, samantalang ang isa ay binalot na ng sugat.

Hindi man rinig sa kinaroroonan ko ay ramdam ko ang poot at galit niya sa kung sino mang nanakit sa kanya.

Halos maghalo na rin ang pawis at dugo niya na nanggagaling sa kanyang brasong nasugatan.

Kung sa ibang pagkakataon lang ito ay siguro matutuwa ako. Ganoon ko kasi tanawin mula sa itaas ang mga mortal. Naeenganyo akong tanawin sila habang inaaliw ang sarili ko sa susunod na mangyayari.

Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng paki sa mga mortal. Ang totoo niyan narurumihan ako sa kanila. Nakakasuka ang mga character nila. Sa halos araw araw kong pagsubaybay sa mga mortal alam ko na kung paano nila traydorin ang pamilya, kaibigan, mga mahal at sarili nila.

Pero sa pagkakataong ito nag-iinit ang ulo ko. Hindi naman dapat ganito dahil kung ano man ang nangyayari sa kanila ay siyang kagagawan din nila. Kung hindi man ay iyon naman ang nakatakda para sa kanila. Ang mga mortal ay mga sakim sa kapangyarihan, uhaw sa superyuridad at higit sa lahat madaling nahuhumaling sa isang bagay na gawa sa papel. Pera kung tawagin nila.

Kinuyom ko ang aking kamao nang matanaw ang isang lalaking may hawak ng isang matulis na bagay. Hindi siya kalayuan sa babaeng halos hindi na makatakbo. Nakasunod lang siya at hindi hinahayaan na lumagpas sa anim na metro ang layo nila.

Nadapa ang babae, nahulog at nagkalat ang laman ng bag niya sa kung saan. Gabi na at medyo madilim ang binabaybay niyang sulok, may poste ng ilaw ngunit sampong metro ang layo noon. Ang kulay bughaw na kasuotan ay nahaluan na ng dugo at alikabok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now