VI : Masterpiece

5 0 0
                                    

"Ito lang ang maihahandog ko."

Yumuko ako.

Kinuha at inabot ko sa Bantay ng purgatoryo ang koronang nasa aking ulo.

Ngumisi siya. Inakala kong ang ngising iyon ang magdadala sa akin sa tagumpay ng aking pakay sa kanya. Subalit ang pagkabigo ay parang lindol na mararamdaman mo nalang kapag niyayanig ka na. At sa mga oras na iyon batid ko ang matinding pagkabigo nang umiling ang Bantay sa akin.

"Ipagpaumanhin mo, Immortal, subalit hindi iyan sapat."

Gumalaw ng kusa ang panga ko sa narinig.

Ang mga salitang iyon ang nagpapatunay na hindi dahil sa iyo nakaputong ang korona ay panalo ka.

Nabuhay ako sa pag-aakalang ganoon. Na ang posisyon, kapangyarihan at superyoridad ay kaibig-ibig at hindi kailanman matatanggihan. Pero nagkamali ako--hindi--mali ako simula pa lang.

"Kung ganoon, ano pa ang posibleng mahihingi mo mula sa akin? Ang koronang ito ay simbolo ng kapangyarihan ko, paanong hindi ito magiging sapat?"

Sa halip na sumagot ay dahan dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Ngunit hindi siya tumigil sa harapan ko umikot siya at doon sa likuran ko pumirmi.

Hindi agad ako nakagalaw tila nalunok ko ang aking sariling dila nang hawakan niya ang dalawang bagay na kumikinang sa likod ko.

Nagsimulang magtayuan ang balahibo ko nang magsalita na siya.

"Hinahangaan at tinitingala ko ang mga immortal dahil sa isang bagay na ipinagkait sa akin. At ngayong narito na sa harapan ko ang bagay na pinakagusto ko ay hinding hindi ko papalagpasin ang pagkakataong maangkin ito." Hinaplos niya ang bagay na sa aking likod bago ulit nagsimulang maglakad pabalik sa harapan ko.

"Ibigay mo sa akin ang kalahati at tutuparin ko ang kahit anong kahilingan mo."

Halos makalimutan kong huminga nang maorganisa sa aking utak ang buong punto ng Bantay.

Hindi sapat ang aking korona para sa kanya dahil may mas gusto pa siya. Sa madaling salita tinanggihan niya ang posisyon at kapangyarihan bilang kapalit ng aking kalahating pakpak.

Mariin kong tinikom ang aking bibig bago ko pa mabitawan ang mga salitang magiging sagabal sa pakay ko sa Bantay.

Gustong gusto ko siyang sigawan at bantaan ngunit wala akong lakas dahil mas imporatante ang pinunta ko rito sa kanya kaysa sa aking trono o pakpak.

Alam kong posibleng mahulog ako sa ganitong pagpipilian, ngunit bago pa man ako pumarito ay buong buo na ang desisyon ko.

"Sabihin mo sa akin kung bakit ang kalahati ng pakpak ang gusto mo kaysa sa korona ko."

Umalingawngaw ang kanyang halakhak sa desyerto ng mga kaluluwang hindi makaakyat.

"Kapag napasakamay ko na ang kalahating pakpak mo maaari na akong makaapak sa paraisong inaapakan niyo at maging katulad niyo."

"Maging anghel?"

Tumango siya.

"Pero bakit kalahati lang? Bakit hindi mo hingiin ang dalawang pakpak?"

"Dahil kapag sobra-sobra ang inihandog mong kabayaran para sa isang kahilingan ay maaring sobra-sorba rin ang magiging kapalit. Maaring makulong na ako rito habang buhay. Ganyan ka laki ang katumbas ng mga pakpak mo, Immortal."

"Naiintindihan ko na at pumapayag ako. Makakamit mo ang gusto mo basta ipangako mo sa aking hindi na muling magtatagpo ang landas ng kapatid ko at ng babeng tagalupa at pati na rin ang kalayaan ko."

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon