III - A Tale

5 0 0
                                    

Day 1

Mapayapa akong nakaupo at nagmamasid sa rooftop nitong pinakamalaking library sa syudad.

Tumunog ang pinto, hudyat na may umakyat at pumasok. Napabuntong hininga ako bago lumingon.

Gulat na mukha at nanlalaking mata ang bumungad sa akin kaya napataas ang kilay ko sa pagtataka.

"Oh! Hindi ko alam na may tao pala. Naistorbo kita, ano? S-sorry!"

Umamba siyang tatalikod at aalis.

"I don't mind." pagpipigil ko.

Hindi ko alam kung ang sinabi kong iyon ang nagtulak para ngumiti siya nang matamis sa akin.

"I'm, Aze." Pagpapakilala niya.

"Koldun."

Day 2

Padabog na bumukas at sumara ang pinto.

I know she'll come again.

Hawak hawak ang kanyang dibdib habang ang kaliwang kamay nasa tuhod at humihingal na nakatingin sa akin.

"Nagulat ba kita? I'm sorry." Paumanhin niya.

Ngumiti ako para ipakita na ayos lang iyon. "No. I don't mind."

"Hindi ko alam kung bakit nagmamadali akong umakyat dito. Weird. By the way, I'm Hazel." Ngumiti siya at humakbang papalapit.

Hazel? What? I thought..

Tinaasan ko siya ng kilay para bawiin ang gulat na biglaang kumawala sa akin.

"Ha-zel?" I ask stupidly.

Sinuri niya 'ko ng tingin. Alam kong nawi-weriduhan siya sa naging tanong at reaksyon ko.

"Yeah. Aze for short. Why?"

There!

I smirked.

"Nothing. Koldun here. Nice to meet you, Hazel."

Day 3

Narinig kong sumara ang pinto.

She's here.

Ngunit hindi agad nagpakita ang kung sino man ang pumasok.

Lumingon ako at tinuko ang magkabilang siko ko sa tubular steel habang deritsong nakaharap sa bukana ng rooftop. Naghihintay.

Unlike yesterday, dahan-dahan siyang humahakbang papalapit habang ang ekspresyon sa kanyang mata ay punong puno ng mga tanong na hindi maisatinig

Agad nagsalubong ang kanyang kilay nang matanaw ako.

I didn't look away. Inaasahan ko ang ganitong reaksyon kaya walang dapat ipangamba.

"Strange." bulong iyon ngunit narinig ko.

Yumuko siya pero saglit lang iyon at muli niyang ibinalik ang mga titig sa akin.

"Are you okay, miss?" I asked.

"Yeah. Sorry. Pakiramdam ko kase nandito ako kahapon at parang nangyari na 'to."

I blinked twice and swallowed hard.

"Pero..imposible naman ata 'yon dahil ngayon palang ako nakaakyat dito sa rooftop ng library."

I remained silent.

Ngumiti siya.

"Imposible nga 'yon." Ani ko.

Her eyes sparkled and the pumping of blood inside my body malfunctioned.

"It's okay. I don't mind."

"Hazel." aniya.

I wanted to say 'I know and I'm sorry' but I couldn't.

"Koldun." Pagpapakilala ko ulit na parang sirang plaka.

A bored sorcerer and my specialty is erasing someone's memory of me. I wanted to add but i just couldn't.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon