Chapter Twenty Seven

232 9 8
                                    

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Twenty Seven

"Ba't tayo nandito?" tanong ko kay James pagkalabas ko ng kotse.

He just shrugged sabay lakad pababa sa tabing dagat. Sa lugar kung saan ko siya dinala para official sana na magpaalam kay Clark.

Hindi ko na-imagine na after nang araw na 'yon ay makakabalik pa ako dito kasama siya.

Sinundan ko siya pababa. Ilang oras na lang siguro ay magsa-sunset na.

Naalala ko ang wallpaper niya. I wondered when did he took it. Kasi hindi ko naman napansing kumuha siya ng picture dito noong magkasama kami. Noong iniwan ko naman siya noon ay tuluyan nang lumubog ang araw.

"James!" tawag ko sa kanya.

He stopped. "Why?"

"Saan mo nga pala nakuha 'yung wallpaper mo?"

He looked down at his phone. "I took it here."

"When?"

"You said I can go here whenever I want, right?"

I nodded. "Nagpunta ka dito mag-isa?"

"You said I always go here before whenever I had a hard time. So I thought maybe it could help me."

"Did it?"

Tumango siya. "A little bit."

I can't stop myself from smiling. "Buti naman."

He then smiled too. Maliit lang pero dama ko na sincere. Dama ko na kahit papaano nakatulong sa kanya ang pagdala ko sa kanya dito.

Sabay kaming naglakad sa tabing dagat. The wind is blowing on my face kaya itinali ko muna ang buhok ko.

I can feel his eyes on me. Pinilit kong hindi mamula. Bakit kasi ganun siya makatingin eh? He looked like he's trying to find answers on my face. Sa anong tanong, hindi ko alam.

"Bakit?" tanong ko nang hindi na ako makatiis. "May dumi ba ako sa mukha?"

He shook his head. "I'm just trying to figure out something..."

"Ano naman 'yon?"

"Why do you think I fell for you before?"

I froze. Bakit sa lahat naman kasi nang tanong 'yun pang pinakamagpapakabog sa dibdib ko?

"Bakit mo naman biglang naisip na itanong 'yan?" medyo awkward kong sabi.

He shrugged his shoulders na parang simpleng tanong lang 'yon. Na parang one plus one lang. Na parang hindi ko ikakaatake sa puso ang tanungan niyang ganyan.

"Were you really smart? Funny? Really... pretty?" tanong niya. Naniningkit ang mata niyang nakatingin sakin na parang hindi niya mahanap sa mukha ko 'yung 'really pretty.'

Lokong 'to ah. Kala mo naman kagwapuhan... Oh well, nevermind.

"Ewan ko!" pasinghal kong sagot. "Malay ko ba sayo no. Pwede bang iba na lang ang pagusapan natin?"

He chuckled on my sudden outbursts, his dimples peeking out on both of his cheeks.

Buti na lang ikina-happy mo 'yan kundi baka dinagukan na kita.

"Were you also this moody?" tanong pa niya na parang nang-aasar.

"Hindi," pagalit ko pa ring tanong. "Ngayon lang 'to. Hindi mo naman kasi ako ginaganto dati eh. Tsk."

Heartstrings Attached IIWhere stories live. Discover now