"A pure breed German Shepherd. He's Rufus."

Napailing si Karl, sa paraan ng pagpapakilala ng babae sa aso'y hindi ito magtataka kung tataas ang isang paa ng aso at kakamayan ito.

"I guess you're right," he said at last, sighing. "Ako ang nawalan ng kontrol sa speedboat. Muntik ko nang madisgrasya ang sarili ko... at kayo rin. Nasira ko pa ang katig ng bangkang ito. Mabuti na lang at nagawa mong iiwas kahit paano, kung hindi'y ang gitnang katig ang nasira ko at kung nagkataon ay masisira ang balanse ng bangka mo at maaaring tumaob."

"May kasalanan din ako, binitiwan ko ang manibela at humina ang takbo. Rufus tried to—" Ang calling card! Pasimple niyang iniikot ang mga mata sa basnig. She groaned silently. Naiwala niya ang calling card. Nahulog marahil sa dagat. She glared at her dog mutinously. Si Rufus naman ay umungot at lumapit kay Karl at sumiksik sa binti nito. Bagaman hindi maintindihan ni Karl ang biglang pananalim ng mga mata ng kaharap sa aso ay niyuko nito si Rufus at hinaplos ang ulo. Si Rufus naman ay dinilaan ang binti ng binata. Traidor! gustong isigaw ni Lora sa aso. Kahit ang aso niya ay marunong kumilala ng magandang lalaki.

"He likes me," komento ni Karl.

"Of course. Rufus is a she," aniya. And she could have kicked herself pero nasabi na niya at hindi na mababawi.

"Oh." Umangat ang mga kilay ni Karl sa "of course" na sinabi niya and read her meaning between the lines. Somehow, he was amused.

Sinuyod ng tingin ni Karl ang malaking bangka. With a deep frown on his forehead, ibinalik nito ang tingin kay Lora. Bumaba-taas ang mga mata nito sa kanya. Hindi makapaniwalang si Lora lamang ang nagpapatakbo ng malaking bangkang pangisda.

"Are you sure na wala kang kasamang humagis sa tubig nang tumama ang speedboat ko sa bangka mo? Why, you're too slim para mag-drive ng ganito kalaking bangka..."

She smiled cheekily. "No sweat. Maliit pa akong bata'y tinuruan na ako ng lolo kong gamitin ito. And I've been using this fishing boat since high school."

Dudang tumango-tango si Karl. Muli siyang dinaanan ng tingin bago humakbang patungo sa dulo ng basnig at tinanaw ang nakataob na speedboat.

He shook his head and tisked. Damn. Natitiyak nitong hindi nito mapapatakbo nang maayos ang speedboat sa sandaling iyon.

Napalunok si Lora habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Ang shirt nito'y unti-unti nang natutuyo sa haplos ng malakas na hangin. The man was tall and dark and rugged. Ang buhok nitong natutuyo na rin sa lakas ng hangin ay hindi lang basta itim, it was jet black, thick, and luxurious, long past his collar. At kumikislap iyon sa sinag ng panghapong araw. Parang sa uwak. At kaninang nakatingin ito sa kanya'y napuna niya ang mga mata nito. They were very dark, darker than sin.

His features were strong... arresting. He had firm and almost square chin; broad cheekbones; sensual mouth; and high and defined brow. And though attractive, his face was hard, too individual for easy labels.

Puno ng iritasyon sa sariling nilingon ni Karl si Lora na bahagya pang nagulat dahil iilang dangkal ang layo niya mula sa lalaki. Si Karl man ay hindi napunang nasa likuran na nito halos ang dalaga. Umiwas ito at nilampasan siya at lumakad pabalik sa kabilang dulo.

"Hindi naman malaking bagay ang pagkasira ng katig mo sa bahaging ito, so let's get started. Babayaran ko ang danyos pagdating ko sa—"

"Walang anuman," mabilis na agap ni Lora habang nakasunod. Hindi pa rin naka-recover nang husto sa paghanga sa lalaki, which she made foolishly obvious. "Maraming kawayan sa amin. Idadaan kita kung saan mo gustong magpahatid."

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon