Napakabulgar talaga kahit kailan. Walang ginawa kundi asarin ako.

Aabutin na sana niya ako para halikan nang pumalahaw ng iyak si Clea. Yumuko na lang ako para patakan ng halik ang nakasimangot na mukha ni Jared bago ako tumayo para kunin si baby sa crib.

"Why are you crying? Hmm." Sumisinghot pa siya na akala mo ba ay inaway.

"You want mommy?"

Cute naman na tumango si Clea na mahigpit na nakayakap sa aking leeg. Inalo-alo ko siya habang sinasayaw para makabalik sa pagtulog.

"I want mommy too."

Napatingin ako sa lalaking nakahiga sa kama na mukhang sinakluban ng langit. Tinawanan ko siya bago umakyat sa kama, buhat-buhat ko pa rin si Clea. Kapag gan'tong nagising na siya ay hindi na 'to makakatulog kapag wala sa tabi namin.

Agad naman pumulupot ang mainit na kamay ni Jared sa aking bewang at magaan na humahalik sa aking sentido.

"Goodnight, babies."

Late na akong nagising dahil sa puyat kanina. Parang biglang nagising ang diwa ko nang maramdaman na may humahalik ng basa sa aking mukha. Napangiti ako nang makita ang cute at bilugang mukha ng aming anak.

"Goodmorning, my baby.."

"Mi...." I hugged her and planted a kiss around her face. I sweetly smiled when I heard her chuckle.

"Love... Papasok ka na?" Paos na tanong ko sa kanya, nakita ko siyang nakaharap sa closet full mirror at inaayos ang kwelyo ng kanyang polo.

Tumayo ako, hinayaan si Clea na naglalaro sa aming kama. Malaki naman ito kaya hindi siya basta-bastang mahuhulog.

"Goodmorning, love." Humarap siya sa akin kaya ako na ang nag- ayos ng polo at necktie niya.

"Baka dumaan kami sa office mo mamaya. Since malapit lang rin naman sa botique ni Vanessa."

"Si Cleatrine?" Nakakunot ang noo niya pagkatapos ay bumaling sa anak na naglalaro sa kama.

Inis na pinalo ko naman ito sa dibdib at sinamaan ng tingin. "Of course isasama ko! Day off kaya ng maids natin kahapon at sa isang araw pa ang balik nila." Mahabang lintaya ko, bahagyang nakanguso.

Gigil at natatawa naman niya akong sinunggaban ng malalim na halik. Ayaw ko pa sana putulin kaya lang ay nakikita kami ni Clea.

"Late ka na. See you later. Ingat sa pagdrive."

Inihatid namin siya ng anak niya sa garage. Natawa ako nang humikbi si Clea nang makita ang daddy niya na papasok sa kotse. Tinatawag niya pa at inaabot.

"Don't mind this baby, Sige na, love. You're already late."

Pagtataboy ko dito. Naga alangan kasi siyang umalis. Nagpapaawa ang baby namin kaya lang absent na siya kahapon dahil din sa batang 'to. Kaya hindi pwede na hindi siya pumasok ngayon, lalo na't magi ensayo sila para sa farewell concert nila as a members of Zephyrus Band. Nakaready na kasi ang mga bagong papalit sa kanila.

"Pumunta kayo mamaya, Mahal ha?"

Masaya akong tumango sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay. Papaliguan ko na ang batang 'to dahil pawis na agad kakaiyak.

"Daddy's needs to work, anak. Stop crying." Ewan ko ba kung naintindihan niya dahil unti- unti siyang tumahan.

Nang sumapit ang hapon ay umalis na kami papunta kay Vanessa. Sumaglit lang rin kami. Namiss na raw kasi ang inaanak niya kaya dumaan muna kami bago dumiretso sa NBR.

"Goodafternoom, Mam Cleine."

"Goodafternoon." Balik bati ko sa security na nakaantabay sa pagdating namin.

Burning Desire (COMPLETED)Where stories live. Discover now