EPILOGUE

6K 127 17
                                    


EPILOGUE

IT'S BEEN MONTHS and I couldn't explain how genuinely happy I am. Everything was so fine and smooth, but today we were so busy because it is exactly three days before Baby Cleatrine's First birthday.

"Love, okay na 'yong photographer sa baba."

I shifted my eyes and rolling it when I saw who opened the door. He smirked before getting inside. Agad namang nag- ingay si Clea at tinatawag ang kanyang dada. Buti na lang at tapos ko na itong bihisan ng pink baby balloon gown.

"Excited hmm?"

He played with her daughter's small hands. Ang ligalig nito at gusto pang magpakarga. Agad naman siyang kinarga ni Jared, she was cutely babbling while bitting her one hand.

Humalakhak ito nang tadtarin ng halik ni Jared. Ang sarap nilang pagmasdang mag- ama, saglit na nawala ang inis ko sa lalaking ito ngunit bumalik din ng mayroong kumatok sa pintuan.

"Tara na." Ani ko rito at nauna nang lumabas. He whispered something to his daughter, at rinig ko iyon.

"Let's go, baby, Highblood si mommy."

"Ang tagal mo namang bihisan si Clea. Para kayong may iba pang ginagawa sa itaas, eh." Iritadong salubong sa amin ni Vanessa na akala mo ilang oras kaming nasa loob.

"Akusado ka ano? Ilang minuto lang naman."

Nakipagkamay sa akin ang nakuhang photographer ni Vanessa at pagka baba na pagka baba nila Jared at Baby Clea ay sinimulan na ang Birthday Pictorial niya. Nasa garden kami, tuwang tuwa ang mga taong nag aassist sa pagkukuha ng litrato dito. Masyado siyang nasa mood ngayon at wagas makangiti parang alam niyang importante ang araw na 'to para sa kaarawan niya.

Magaling talaga tumiming ang anak ko na 'to. Nakakatayo at medyo nakakahakbang na rin kasi siya kaya mas madaling kuhanan.

"Ang gandang bata! Akala ko debut na, eh." Bulalas ng isang lalaki na nasa light area. He's a gay, I think?

"Bigatin ang mommy at daddy." Natatawang dugtong naman ni Vanessa.

Lumapit sa akin si Jared at yumakap mula sa aking likod. "Nagtatampo ka pa rin ba?" Bulong niya sabay halik sa tuktok ng aking ulo.

Hindi ko siya sinagot, itinuon lamang ang aking paningin sa anak naming nagpapaganda sa pictorial. Hindi ko mapigilang matawa nang tumingin siya sa amin at nagclose open ng kamay.

Doon siya saktong kinuhanan ng picture kasabay ng narinig kong pagclick ng camera na nakatuon sa amin.

"Sweet. I should also put this in Baby Clea's birthday book." The gay staff giggled as he captured another angle of us. Napailing na lang ako.

Hinila ako ni Jared papunta sa pool side ng hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Anong problema?" then intently stare at me.

Masama ko siyang tiningnan at tinulak palayo. "Bakit ko sasabihin, kung ikaw nga mismo nagtatago sa akin?"

Imbis na mainis siya ay humalakhak pa siya at nangingiting ibinaling sa akin ang mata. "'Yon pa rin ba?"

Tukoy niya sa ilang linggo kong pangungulit na sabihin sa akin ang ibinulong ni mommy sa kanya no'ng gabi ng Family dinner namin. Tama nga siya at 'yon pa rin ang ikinagagalit ko sa kanya. Makakalimutan ko na sana iyon kaya lang ay nabrought up na naman ni mommy no'ng dumalaw dito si Jared last month at mula no'n ay lagi ko na siyang kinukulit.

Lagi ko kasing pansin ang tanguan nilang dalawa at sinasamaan pa siya ng tingin ni mommy. Ewan ko ba kung bakit ako lang ang nakakapansin na kada pupuntahan kami ni Jared dito sa mansion ay parang may sikreto silang dalawa. Pinagbawalan na rin kasi ni Dad na dito siya matulog, sadyang pinagbigyan lang siya pagkatapos ng Family dinner. Kahit noong namanhikan sila sa sumunod na araw ay pinagbawal matulog dito si Jared.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon