Chapter 9

4.2K 116 19
                                    


CHAPTER 9

Tahimik lang akong kumakain, hindi ko na ininda ang mga tingin niya. Mukhang nakakain na siya kanina habang natutulog ako dahil may isang plastic box na walang laman.

"Bakit ka nga pala natutulog nang naka-upo, pwede naman dito sa couch." he asked while busy on texting someone.

"I-idlip lang naman kasi ako." sagot ko.

Nilapag niya ang kanyang phone at binuksan ang bottled water saka inabot sa'kin.

"Idlip? Hindi ka nga nagising ng binuhat kita at inihiga sa lap ko." inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Parang nagutom ako bigla.

Mukhang pagsasabihan pa niya sana ako kung hindi lang may kumakatok sa pinto nitong office.

"No, just eat." aniya nang akmang tatayo na ako. Hindi na niya binuksan pa ng malaki ang awang ng pintuan.

Mukhang kinakausap niya ang taong nasa labas.

"Who's that?" I asked while my mouth was full of pasta.

His forehead creased. "Your Dad's secretary. Sinabi ko na sabay na lang tayo babalik roon."

He tapped my lap before pulling me closer. He's having a hard time now to fix my hair, dahil humaharang sa aking mukha.

Nang magtagumpay siyang ayusin ang buhok ko ay tumayo siya at may kinuha sa gilid ng ilalim ng aking desk.

"Finish your food." I nodded and drank water. Nabusog ako, dalawang box ng pasta ba naman dinala at pinaubos sa'kin.

He kneeled in front of me. I pursed my lips to suppress a naughty smile.

Ano propose agad? Ang aga naman.

"What?" masungit niyang tanong.

"Wala! Ako na magsusuot." sabay hablot ng stiletto ko na hawak niya.

Tumayo ako at inayos ang buhok kong nagulo. Nag toothbrush muna ako sa bathroom na narito sa may loob at nagretouch ng kaunti.

"Ang laki na ng t'yan ko!" hinahaplos haplos ko pa ang t'yan ko na gusto nang pumutok sa aking jumpsuit.

"Of course you eat." inirapan niya ako habang nakahalukipkip na naghihintay sa pag aayos ko.

"Let's go. We're already 45 minutes late. " dinampot niya ang purse ko.

"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Dali dali akong lumabas. Nakasunod lamang siya sa likod ko hanggang sa pumasok kami sa elevator pababa sa may studio.

"Easy, woman. It's okay. Voice recording pa lang naman ngayon."

"Even though! Isa pa'y bakit ka ba nakasunod? Ikaw ba naka assign do'n?"

Nagkibit balikat lang siya at sinabayan ako sa bilis ng aking lakad.

"Hey! They were red." 'yong tingin niya ay nasa baba.

"W-what? Red-red-in ko 'yang mukha mo."

"Your heel. Dang, Ris! Can you slow down?!" huminto siya saglit kaya napahinto rin ako.

Ramdam ko nga ang hapdi ng paa ko lalo na sa bandang ankle pero hindi ko na ininda pa. Wala ng oras para roon. First day ko pa lang may late agad ako.

"G-give me my purse." ngunit imbes na ibigay sa'kin ay inilipat niya lang sa kanang kamay niya.

Marahan niya akong inalalayan sa aking braso habang inaakay sa paglalakad.

"Bitawan mo 'ko nakakahiya sa ibang empleyado." I whispered in greeted teeth. Pekeng ngiti ang binigay ko sa ibang nakasalubong namin.

Burning Desire (COMPLETED)Where stories live. Discover now