Contract 22- Group date-saster?

Magsimula sa umpisa
                                    


"Ah, hehehe..ano ba kayo hindi naman sa ganun. Kayo ninjas ah, nakalimutan niyo na bang mahina tolerance ko sa alcohol? Kaya ayaw ni Heaven na uminom ako." explain ko sa kanila, na sinagot lang naman nila ng lalo pang panunukso. Hai. Parang inimbitahan lang yata kami nitong mga 'tu para tuksuhin eh. Huhuhu

"We see, we see. We see nothing. Hahaha. Ay nga pala Sav, nakalimutan namin magpakilala ulit sayo. Ako nga pala si Park Dela Rosa. Childhood sweetheart...este friend nitong si masungit mong asawa. Hahaha" at dahil sa "masungit" na comment ni Park nakatikim siya ng batok from maputlang masungit. Tapos inirapan lang din niya si Heaven. Hehehe

"Im Zag Alejandro, and kilala mo naman siguro ako. :) High school friends kaming apat. Si Lee yung isang kaibigan pa namin, nasa US yun..dun kasi ang work niya." oh kaya pala dalawa lang sila dito, kasi tatlo sila dati sa kasal namin eh.

"I see, ano naman mga trabaho niyo?" wala kasi talaga akong alam sa kanila kasi itong si maputlang masungit hindi pala kwento.

"Trabaho? Im a manager sa clothing company namin. Itong namang si Zag, besides managing his own bar, he's managing their entire resto bar business. So basically lahat kami, into business. Pati rin si Lee and ofcourse your maputlang husband. Hahahaha" hahaha ang kulit! Pati tuloy ako natawa din sa comment niya...parang nakikita niya lahat ang nakikita ko kay Heaven, mapulang masungit. Hahaha. Pero grabe lahat pala sila mga mayayaman. Parang sa lahat dito, ako lang yata ang mahirap. Kasi kahit na ang ninjas, mayayaman din naman. Ang swerte ko naman, kasi kahit mahirap lang ako..may kaibigan akong tulad nila. Plus "asawa" pa. Parang package deal lang. Hehehe


"Teka lang, magkaka edad ba kayong apat?" biglang tanong ni Pena.

"Bakit gusto mong malaman? Interesado ka samin no?" pabirong sagot naman ni Zag.

"Kung magtatanong ba ng edad, interesado na agad? Pwede bang curious muna?" pambabara naman agad ni Pena..hmm..

"Oh siya! Siya! Sige curious na. Im 22, lahat kami..si Lee lang ang 23. So ok na? What's next?" tanong ulit ni Zag na naka smirk pa... hahaha, natatawa na kaming tatlong ninjas sa hitsura ni Pena ngayon. Asar na eh. Hehehe

"Nothing. Thank you. Mr Zagotistic!" huh ano daw? Zagotistic? Talaga Pens! Epic! :D

"Hahahahahah! Pens, itim na usok na ang lumalabas sa ilong mo!" hindi na namin napigilang humalakhak. Pati sina Heaven natawa narin. :D

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon