Contract 10- Vera Wang

98.9K 962 50
                                    

Dedication goes to my baby sis Munyakk, kasi ang kulet niya, hahaha..at forever present siya lage sa mga chaps ko, walang miss yan :)) You can read her work din :)

Read the author's note din po. :)

Follow me on twitter mga langga:)

http://mobile.twitter.com/mzpublicstories

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 9-

Ano na? Masaya bang kausap yung pov ni maputlang masungit? Hehehe.

Pagkatapos ng hot and heavy topic namin kanina, nakarating narin kami sa bridal boutique na pinili ni mommy, Vera Wang. Grabe lang talaga ung shop, nakakalula, @_@, pagpasok mo pa lang, ung mga nakahilirang nag gagandahang bridal gowns na ung bubungad sayo. Kung tatanungin nyo san ang maganda, wala akong mapipili, kasi lahat sila maganda...sobrang gaganda. Pero si mommy mayron na daw siyang napili para sakin, nakausap na daw niya ung may-ari ng shop na tu, the Vera Wang itself. Kaya may nakahanda nang gown para sakin.

Wag nyo muna akong tanungin sa mukha ng gown, kasi papunta pa lang kami dun. Hahaha. Naka tago kasi siya, wala sa display, kasi sabi samin nung shop assistant...kakarating pa lang daw nung gown galing pa sa US. Kaya mas lalo akong nalula. Akalain nyo yung damit dito, ung pinaka mura eh 130,000!!! Pwede na akung bumili ng bahay nun or maka graduate ng walang Heaven na masungit. Kaya itung pinagawa pa talaga ni mommy Helena na gown, ayoko ng tanungin ung presyo, baka himatayin kayo. ^_^v

Andito na pala kami, daldal kasi ako ng daldal, hehehe. Isa lang ung nakikita kung gown dito. Sout ng manikin ang isang puting puting gown, princess cut, tapos may simpleng sleeve. Tapos meron din parang belt and may naka sabit sa gilid na parang butterfly/bow na silver beaded. Grabe ang ganda ganda ng damit. Pero hindi naman siguro ito ung damit ko, kasi kahit hindi ko pa itanong ang presyo nito, alam kung mas mataas pa sa 130,000 ang halaga nito.

"Here we are maam, this is the "Annika" a gown made specially for you and named after you" sabi nung SA habang tinuturo niya sakin ung "Annika" gown. Pero parang wala ako sa sarili ko ngayon, kaya hindi ko masyadong naintidihan ung sinasabi niya, dagdag mo pang English un. @_@

"Sav darlin, nagustuhan mo ba ung gown? Halika isukat mo, para makita natin kung fit ba sayo" tapos inaya ako ni mommy palapit sa gown na kumikinang. @_@

"Sav darling, are you ok? You look pale..may sakit ka pa ba?" si mommy ulit yan, tinatanong ako. Kasi naman nakatulala lang akong naka masid sa gown, parang hindi ko kayang hawakan...lalo na isout. Parang nanghihinayang akong isout siya, isa pa nakakahiya sa gown eh, ang ganda niya kasi. ^_^

Sasagot na sana ako kay mommy ng biglang...

"SA---WOW!!!! *O*" kilala nyo na siguro kung sino yan sila no? Opo, ang arc ninjas yan, pero teka nga... paano sila naka punta dito?

"Oo, Good morning din sa inyo, paano nyo nalamang andito ako?" kasi wala naman silang nababanggit sakin kagabi na magkikita kami dito. Tapos tulog panga sila nung umalis ako.

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon