HFM 46 [Sabrina&Joyce]

Magsimula sa umpisa
                                    

Napabuntong hininga ito at umupo din sa tabi ko. Well sana na akong ganito din kami pero sa ngayon galit pa rin ako.



"O tubig"inabutan ako nito at matapos ko kunin para inumin ay nagkaroon ng katahimikan.



Magsasalita sana ako ng may marinig kaming ungol na tila isang mabangis na hayop.


"Shhh"mabilis na kinuha nito ang mga bag at hinawakan ako sa bewang sabay talon sa itaas ng puno.


Aalma sana ako ng mag sign ito na tumahimik ako. Tumingin ito sa paligid at ganun din ginawa ko ng lumalakas ang mga ungol.




Grrrr..  Arghhhhh.... Grrrr




Hanggang sa nakakarinig na kami ng mga mabibigat na naglalakad at natanaw ko ang isang pamilyar na nilalang.




"Cyclone?"bulong ko kay Joyce at tumango naman ito. Napansin ko na nasa sampu sila at tila may hinahanap.



Naglabas ng barrier si Joyce para sa amin at may napansin ako na may kakaiba sa barrier niya.



"Invisible barrier ito at kapag nandito tayo sa loob walang makakakita o makakarinig sa atin"paliwanag nito ng makita na nagtataka ako.  Kaya tumango na lang ako at tinignan ang nasa baba.



Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang nasa baba. Kung kanina ay sampung cyclone lang ay ngayon na mas nag double ang bilang.



"Mukhang napansin nila na may kakaiba ay mukhang naamoy tayo pero hindi lang nila mahanap"kalmado na sabi ni Joyce at umupo ito sa sanga ng puno. Kaya ganun din ginawa ko habang nakatanaw sa baba.


May kinuha ito sa bag at inabot sa akin. Pagkain pala ito kaya kinuha ko sabay kumain kami.


"Hindi pa rin sila aalis?"tanong ko dito at umiling lang ito habang nakatingin pa rin kami.


"Pagtapos natin kumain ay aalis na tayo, hindi natin kakayanin ang ganyang bilang. Nagpadala na ako ng signal para may mag asikaso sa mga yan"sabi nito at ilang sandali lang ay natapos na kami kumain.


Iniisip ko kung paano kami magsisimulang maglakad pero bigla nito nilagay sa space ring ang mga gamit namin.



"Sa mga puno tayo dadaan, para mabilis tayo at walang masagupa na kalaban"sabi nito at ilang sandali lang ay hinawakan ako nito at sabay kami tumatalon sa mga puno.


Hindi pa rin nito inaalis ang mga barrier na nakapalibot sa amin. Tatalon sana kami sa isa pang puno pero medyo malayo ay nadulas ako.



"Ahhhhh"sigaw ko pero mabilis na kinapitan ni Joyce at dinikit sa kanya.


Natulala kami pareho dahil halos magkadikit na kami pero hindi namin inaasahan ng biglang yumanig ang puno.


Nanlaki ang mata ko na sinusuntok ng isang cyclone ang puno kung nasaan kami.



"Shit bilisan natin"binitbit na ako ni Joyce at napansin ko na nawala pala ang barrier namin kanina.



Tumatakbong sinundan kami ng mga cyclone na nasa ibaba at ilang sandali lang ay mas bumilis ang pag talon ni Joyce.


Para na kami nagiging hangin sa bilis nito at hindi ko na din natatanaw ang mga halimaw na sumusunod sa amin.


"Waaahh"dahang dahan ako nito inupo ng mapansin ko na nakalayo na kami.


Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon