"Hi beautiful! Can I get your number?" Halos pasigaw na tanong ng lalaking nasa harapan ko ngayon, kapansin pansin ang angkin kagwapuhan nito kahit na madilim dito sa bar.
Agad nakuha nito ang aking atensyon."Hmmm my number? sigee, wai-" pasigaw kong bulong.
"Sorry, but my friend seemed not interested to you. Find other girls that suits you." Sa gulat ko napatingin ako bigla sa pasigaw na pinagmulan ng boses At nakita kong si sir Ethan ang nagsalita.
Bigla naman umalis ang lalaking kanina lang gustong kunin ang number ko, Anooo?! hmmp! chance ko na yun. Umupo sa tabi ko si sir Ethan at lumapit sa aking tenga. Umurong naman ako agad dahil naiilang ako na katabi siya.
"When someone's asking for you to give your number, don't give it. And please don't talk to strangers you just met like you've known each other for years." Galit na sabi sakin ni sir ethan. At uminom na ulit ng alak nyang hawak.
Napangiti naman ako ng alanganin sa sinabi nya. "Sorry po sir." sayang bet ko pa naman.
"You don't have idea, What will gonna happen to you. This is bar there's a people who can take advantage of you." Patuloy nya pa.
Napatango ako. "Naiintindihan ko po." At tumayo si sir para ata mag banyo, Actually di ko talaga alam.
Nasa bar kami ngayon kasama ang mga katrabaho ko sa pinapasukan kong Coffee shop, Nag ce-celebrate kami ng birthday ng isa naming kasama sa shop.
"Uyy, ano yun? may sinabi sayo si sir pogi?" Bulong at pasigaw na tanong sakin ng kaibigan kong si emma.
"Ha? Wala may tinanong lang." Tugon ko.
Mukha namang syang nakumbinsi sa sagot ko. "Ahh, ganun ba? kala ko hanap nya ko. hehehe" Maharot at pabebe nyang sabi.
Naku, parang tinamaan na tong si emma ng alak medyo hindi na rin nya alam yung mga pinagsasabi nya. For sure hindi nanaman nya maalala tong pinagagawa nya, Gaya na lang ng kanina tinabihan ba naman nya si sir ethan at ito ang pinaka malala tinanong nya pa kung may pag-asa sya dito. atda anong klaseng tanong yan.
Natatawa kong sabi. "Ikaw emma di mo sinasabi na bet mo pala si sir ethan ah." Tukso ko.
Umiinom sya habang nakatitig sa direksyon ni sir. "Di mo ko masisi ang gwapo nya, matangkad, maganda ang pangangatawan at ang bango pa." Bulong nyang tugon.
Lumaki ang mata ko sa mga sinabi nya. "Anoo ka b-"
"Nagmamahal." Agaran nyang sagot."Sobrang crush ko talaga yan si sir ethan." Dagdag niya pa.
"Edi go lang! Mag pacute ka ng mag pacute tutal palagi mo namang ginagawa yan, wala ng bago dun." Natatawa kong saad.
Napalaki siya ng mata. "Ganun ba ko ka-obvious?"
"Ay! hindi, parang gut feel ko lang to! Syempre oo, halata kaya." Saad ko.
"Hehehehe, Sorryyyy!" Bungisngis niya.
"Alam mo lasing kana emma, umuwi na tayo. May pasok pa ko bukas." Oo nga pala may pasok pa ko bukas. "Maaga pa naman e, Tsaka di ka naman umiinom." Sabi niya.
Pagtingin ko sa relo ko, lampas alas onse na. "Halika na! Mag paalam na tayo na mauuna na tayong umuwi, Ano ka ba? may pasok pa ko kaya di ako umiinom masyado."
Mga alas dose na ng makauwi ako sa apartment ko, Nahirapan akong kumuha ng taxi isama mo pa si emma na inaalalayan ko kasi lasing na. Nag offer pa si sir ethan na ihatid kami pero tumanggi na ako kasi mukhang nag e-enjoy siya tas abala pa kami. Pero sana tinaggap ko na lang disaster yung kasama si emma habang lasing, sumuka lang naman siya sa loob ng taxi. Sobrang nakakahiya talaga kaya dinagdagan ko na lang yung bayad namin para pampalinis ni manong driver, sayang pang allowance ko na yun e. Dinaan ko si emma sa bahay nila bago ko umuwi.
