Chapter Twenty Six

Start from the beginning
                                    

Natagalan siyang sumagot. "Is it wrong to buy you coffee?"

My heart started jumping again. "Hindi. Pero... bakit?"

"Because... I just want to," sagot niya na hindi man lang tumitingin sakin.

"Pwede ba 'yon? Buti kung friends tayo. Eh hindi naman," pasungit kong turan.

"Yeah. I forgot that we're not friends. We're more than that, weren't we?"

"Emphasis on were. Tapos na. Hindi ka ba nawiwirduhan? Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang dinadalhan mo ako ng kape... Tapos ngayon, kung saan mo pa ako sinasama," reklamo ko.

"Why would I care about what others think, Sky?" sabi nito na saglit na ibinaling ang tingin sakin.

"Eh alam ba ni Lexi na kasama mo ngayon ang ex mo?"

"She doesn't have to know."

"Ha? James, ayusin mo ah." I leaned forward. "Pinaglalaruan mo ba ang kaibigan ko?"

"Tss. Can you just chill?"

"Chill chill ka dyan. Ano nga?"

Alam kong iba na ang sitwasyon namin ni Lexi pero kaibigan ko pa rin siya. Hindi naman ako papayag na saktan siya nang kung sino lalo na ni James.

"Why do care so much about her?"

"Because she's my friend. Saka kahit naman hindi, hindi naman tamang lokohin mo siya no!"

"Who said I'm playing with her? I just said, she doesn't have to know where I am or what I do," tugon niya.

"Eh kung magalit 'yon sayo?" naiinis kong tanong. "Baka ako pa pagsimulan ng away niyo."

"So what? Can you just relax? What I do with my life is nobody's business, okay?"

"Well, not if you have a girlfriend."

"Well, that's the point. I don't have one," galit niyang sagot.

"Hindi... kayo?"

"No. We're not together like that. So, can you just chill?"

"Akala ko..."

Nagsisinungaling ba siya o totoo talagang hindi sila? Kasi parang iba iba naman ang ipinapakita nila eh. Akala ko kaya gusto na nilang mawala ako sa eksena kasi may namamagitan na sa kanilang dalawa. Am I wrong or am I wrong?

"We're not. Can we change the subject, please?" Halata na sa boses niya ang frustration kaya tinry kong ayusin ang pagkakaupo ko at huwag nang magtanong.

Gusto ko sana usisain kung anong relasyon nilang dalawa pero sino nga ba ako? Ano ba ako?

"Are we always like this?" he asked softly.

I looked back at him. "Huh?"

"Did we always argue like this?"

May kung anong sensation ang nararamdaman ko habang inaalala ang time namin dati. Sobrang iba.

"No," mahina kong sagot.

"Then, what were we like?"

"Why do you have to know?" I said with a tired voice habang nakatingin sa labas.

He was silent for a while and then I heard him sigh. "I'm sorry," he said.

Lumingon ako sa kanya, nagtataka.

"Huh?"

"I said... I'm sorry."

"Para saan?" tanong ko.

Heartstrings Attached IIWhere stories live. Discover now