[ 19 ] Off-The-Wall

Start from the beginning
                                    

"Hindi ka ba nakikinig kanina? May project na pinapagawa si ma'am satin,"

"Oh tapos?"

"Sasali ka ba sa group namin o sasali ka?"

"O," tumawa naman ang iba sa pabalang na sagot ni Kystella sa kanya.

Pagkasabi no'n ni Kystella ay agad na humarap samin si Kylie. "Ayaw niya daw guys, hanap nalang tayo ng iba." Parinig niya ng bigla siyang binatukan

Inilapit ni Kystella ang upuan niya samin pero ang atensyon niya ay nasa cellphone niya pa rin.

"So complete na tayo. Ito plano natin," he said as we all lean towards each other.

~*~

*KRRRRRIIIINNNNGGGGGGG*

"Class dismissed." Sabi ni ma'am kaya lahat kami ay tumayo na saka nagbow. Pagkalabas ni ma'am ay nagsipag-unat ang mga kaklase ko. Hindi ko sila masisisi, nakapaboring ng lesson ni ma'am kanina.

"Uwaaahh!" Giit ni Kylie nang umunat siya at napahikab.

"Excited na 'ko sa project natin!" Sabi niya kay Iro na nagliligpit ng kanyang mga gamit.

"Akala ko talaga kalokohan naman ang naisip mo, hindi naman pala pero slight lang."

"Uy guys, ACS tayo?" Ani Tyrone sabay sukbit ng kanyang bag sa isang balikat.

"Game!"

"Sama ako,"

"ACS?"

"Doon sa cafe na ginawa nating meeting place nung sa birthday ni Devio, Arae's Coffee Shop."

Pagkatapos kong niligpit ang mga gamit ko ay tumayo ako na ikinalingon ng ulo nila sakin.

"Rosel, tara kape tayo!" Sinukbit ko na ang bag ko sabay tango.

"Tara na guys! Let's go!" Ramdam mo talaga na sobrang saya niya. Ipinalupot niya ang kanyang kamay sa braso ko, gano'n din ang ginawa niya kay Iro at Tyrone.

"Azra, Von come on!"

"A-ahh Kylie, h-hindi siguro ako makakasama-"

"Hindi pwede! No excuses! Dapat sama lahat! Next week ay hindi na natin ito magagawa dahil magiging busy na tayo sa paggawa ng project natin."

Masaya nilang tinahak ang daan palabas ng school samantalang ako ay tahimik lang at diretso ang tingin. Nilakad lang namin ang daan papunta sa cafe na sinasabi nila dahil malapit lang naman daw ito sa school. Alas kwatro bente kami nakarating do'n. 10 minutes walk lang pala. Pagdating namin do'n ay umupo muna kami. Ang pwesto namin ay malapit sa bintana, ganon pa rin ang kinuha naming table nung papunta kami sa birthday ni Devio.

Pag-upo namin ay nagplano muna kami kung ano ang oorderin namin pagkatapos ay nag-insist si Kylie na siya nalang daw mag-oorder kasama si Tyrone at Azra. Ako, si Mev, Von at Kystella naman ay walang imik na nakaupo.

Tinatanaw ko ang palubog na araw mula sa bintana. Unti-unti nang gumagabi.

Habang patago ko silang tinitignan ay natuon ang tingin ko sa ibang customers ng cafe. Luminga-linga ako sa paligid.

Kinuha ng nakablackhoodie na lalaki ang atensyon ko. Balot na balot ang katawan niya sa kanyang sinusuot na hoodie, may itim na mask rin siyang suot na tinatago ang bibig at ilong niya. Tagong tago ang itsura niya na parang natatakot itong makita ng iba. He's weird.

He's weird not because of his outfit, weird siya dahil sa kanyang inaakto. He's tapping his left feet back and forth on the white shiny tiles of the coffee shop. Tila, naiinip sa kung sino man ang hinihintay nito. His hands are also intertwining habang pumapatong ito sa pabilog na puting mesa.

Peculiarity In Her Eyes Where stories live. Discover now