CHAPTER 1~First day

58 13 0
                                    

Sydney Zydrien's POV

Tumatakbo akong pumasok sa bathroom dahil 7 am na at 8:00 am ang start ng klasi namin. Nakalimutan ko kasing mag set ng alarm clock kagabi. Mabilis akong naligo. Nagbihis ako ng 10 minutes at lumabas na ako ng aking kwarto, nang makababa ako ay nakasalubong ko si Manang Rosa.

Sabi ni Manang Rosa "Magandang umaga po ma'am. Nakahanda na po ang almusal niyo. Sige po ma'am aakyat muna ako sa taas."

Sabi ko naman " Good morning din po Manang Rosa. Umalis na po ba sina Mommy and Daddy?"

Sabi ni Manang Rosa "Opo ma'am." Tumango at ngumiti ako sakanya bilang pasasalamat.

Ngumiti din siya sa akin pabalik at tumalikod na.Pumunta na ako sa dining room,nang makarating ako doon ay nandun si Manang Elinda nagsasalin ng fresh milk sa baso at nang makita niya ako ay ngumiti sita at sinabing

" Sydney Hija, Magandang umaga. Kumain kana at baka ika'y ma-late sa iyong pasok."

Tanging tango at ngiti na lamang ang nai-tugon ko.Mabilis akong umupo at kumain ng almusal. Makalipas ng sampung minuto ay naubos ko na ang aking almusal. Mabilis akong tumayo at kumuha ng tubig sa may pitchel. Umakyat na ako sa aking kwarto at nag-sipilyo upang makaalis na ako. Hindi na ako nagpalaam pa kay Manang Elinda dahil nasa may kusina na siya.

Nandito na ako sa kwarto ko at nagsisipilyo nang matapos ako ay mabilis akong bumaba at tinawag si Manang Elinda nang kami ay magkaharap na, sinabi ko na "Aalis na po ako Manang. Paki tawag po si Mang Roberto. Salamat po Manang. Ngumiti siya at sinabing "Sige Hija."

Mabilis na dumating si Manang Elinda kasama si Mang Roberto. Si Mang Roberto ang asawa ni Manang Elinda. Nagtratrabaho siya samin bilang driver. Nagpalaam na ako kay Manang Elinda na aalis na kami. Ngumiti siya at sinabing "Mag-ingat kayo Hija." Tanging Tango at matamis na ngiti lamang ang nai-tugon ko dahil sa pag-mamadali.

Mabilis na pinaandar ni Mang Roberto ang sasakyan. Makalipas ang 5-10 minutes ay nakarating na kami sa aking paaralan. Malapit lang naman ang bahay namin sa school.

Mabilis akong nagpaalam at bumuba na sa sasakyan. Lakad-takbo ang ginawa ko upang hindi ma-late 7:52 na rin kasi. Hay salamat..Nandito na ako sa room namin.Umupo na ako sa paborito kong pwesto, katabi ang bintana kahit na sinasarado naman ito dahil naka-aircon kami. Noon kasi ng bata pa ako hanggang Junior high, palaging ang pwesto ko ay katabi ang bintana. Ano ba yan... Ang tagal ni Maisha. Hindi kaya late nanaman siya.. At talagang sa FIRST DAY OF SCHOOL PA. Si Maisha Lucine Del Rosario ay ang best friend ko since elementary.

Makalipas ng limang minuto ay dumating na si Maisa at Hindi siya late dahil 7:57 pa lang ng dumating siya. Umupo siya sa katabi kong silya at nang maayos niya na ang bag niya ay humarap siya sakin,at sinabing

"Good morning Zy! Na miss kita sobra! Mabuti na lang at Hindi ako na late. Bakit ba kasi nakalimutan ko pang mag set ng alarm eh. Muntik na tuloy akong ma-late at first day of school pa."

"Sabi ko naman okay lang yan at least hindi kapa na-late kahit 2 minutes before 8 o'clock. Yieee! Na miss din kita."

Magsasalita pa sana si Maisha pero biglang dumating ang professor namin. Yes, PROFESSOR na dahil,nag-aaral kasi kami sa UNIVERSITY OF SANTO TOMAS.

Mabilis lamang ang klasi namin, actually hindi naman talaga kami nag discussion. Nag introduce yourself lang naman kami at sinabi namin mga hilig namin gawin at ang gusto namin na career sa future.

~FAST FORWARD

RECESS na namin at nandito kami ni Maisha sa pinaka dulong bahagi ng cafeteria. Ang binili namin ay carbonara,lasagna, fries at juice. Yes. Sobrang gutom namin.

Makalipas ang 20 minutes ay naubos na namin ang in-order namin na mga pagkain. Niligpit na namin ang pinag kainan namin.SELF SERVICE kasi. Kailangan na kami ang maglagay ng pinagkainan namin. Naglalakad na kami palabas ng cafeteria ngayon.

Makalipas ng 5 or 10 minutes na paglalakad at nakarating na kami sa classroom namin. Umupo na kami sa upuan namin at nag kwekwentohan kung ano ang nangyari sa aming bakasyon.

A/N: Good evening SYLIES! I hope you like it. THANK YOU FOR READING!Will update soon❤ LIKE, COMMENT AND SHARE! VOTING IS HIGHLY APPRECIATED!

NIGH:A Love Story Onde as histórias ganham vida. Descobre agora