CHAPTER 2

57 17 8
                                    

"You're going to hell Kassandra!" nakakapanghilakbot na tawa ang pinakawalan ni Beatrice habang unti-unting naglalakad palapit sa takot na takot na dilag.

"Beatrice. P-Please maawa ka. Don't kill me! I-I thought we're friends?" Nanginginig na ang boses nito at nagngingilid na ang mga luha. Hindi na makalakad si Kassandra ng maayos dahil sa natamo nitong saksak sa may binti.

Natawa si Beatrice sa sinabi nito. "Ha!Ha! Friends?! May friends bang traydor?! Walang kaibigan ang tinatraydor ang sarili nitong kaibigan ng patlikod!" Mas lalong nanlisik ang mga mata nito sa galit at mas humigpit ang pagkakahawak sa kutsilyong puno na ng dugo.

"Nagkakamali ka Beats. It's not what you're thinking. Gusto ka lang namin protektahan." Patuloy ang pagsusumamo at pagpapaliwanag ni Kassandra habang umaatras ng dahan-dahan hanggang sa bumangga ito sa dingding ng sarili niyang kwarto.

"I don't need protection Kass, I want you dead!" Sa isang mabilis na galaw ay nakalapit si Beatrice kay Kassandra at inundayan ito ng saksak sa iba't-ibang parte ng katawan. Nang masigurado niyang isa ng malamig na bangkay ang kaibigan ay saka niya ito iniwan.

Malakas na isinara ni Vince ang laptop matapos niyang mabasa ang bagong chapter na ito na naka-post sa isang blogsite. "Who the hell is this monster!? bulyaw ni Vince matapos siyang makatanggap ulit ng kakaibang package na naglalaman ng isang kutsilyo na puno ng dugo kanina habang nasa kalagitnaan sila ng meeting.

Ilang buwan nang nakakatanggap ng kung anu-anong nakakadiri o nakakapanghilakbot na bagay si Vince sa opisina nito maging sa bahay niya galing sa isang nagngangalang Shadow. Sa loob ng mga package na pinapadala sa kanya ay nakasulat ang pangalan na Shadow in silver ink sa isang maliit na itim na card.

Nagsimula ito nang may isang author ang sumikat sa social media dahil sa kanyang thriller and suspense novel na pinamagatang One Step at a Time. Kung bakit alam nilang galing ito sa author ng sikat na istorya na ito ay dahil kada maglalabas ito ng panibagong chapter ay saka nakakatanggap ng kakaibang package si Vince na may kinalaman sa nangyari sa episode na iyon.

Ang One Step at a Time ay kwento ng isang serial killer sa katauhan ng isang babaeng mukhang inosente. Walang nakakahuli sa kanya dahil lahat ng mga pinapatay niya ay mga kaibigan niya rin kaya't hindi siya napaghihinalaan ng mga tao lalo pa't sobrang amo ng kanyang mukha.

Vincent Oliver Segovia is the CEO of SGC or Segovia Group of Companies. Their company is the biggest publishing and advertising agency in the Philippines. He took over the company five years ago from his father Don Miguel Segovia who started as a small book store owner in Manila.

"Find me Shadow before the end of this month or I will all fire you. Understood?!" bulyaw nito. He can't control his anger. Alam niyang wala naman magagawa ang mga tauhan niya dahil hindi naman sila mga detective o pulis pero nadala na siya ng labis na galit.

Vince went out of the building after. He needed some fresh air pagkatapos ng nangyari. He went straight to his favorite coffee shop.

"One Venti--"

"Blonde Roast filter Coffee-to-go", we know sir. Coming right up!"

It's his favorite coffee shop so the baristas already know his usual order. After a few minutes, he already had the cup in his hand. Lumabas siya ng coffee shop at pumunta sa park na malapit lang sa office.

Umupo siya sa isa sa mga empty bench sa park. Alas nuwebe pa lang ng umaga kaya't tamang-tama lamang ang klima ngayon. Hindi masyadong mainit dahil natatakpan ng mapuputing ulap ang kalangitan.

He sighed deeply before sipping from his venti cup. Isa sa pinakamatapang na coffee mix sa buong mundo ang kapeng hawak niya ngayon kaya't isang higop mo lang ay magigising lahat ng nerves mo sa katawan.

"Who are you, Shadow?" halos pabulong niyang sabi. He's been battling with anxiety lately because of this author.

"Hey, mind if I join you?" isang boses ang bumasag sa katahimikan ng umaga mula sa may tagiliran ni Vince.

"Oh, sorry I don't think you want me here, I'll just go. Thanks," ani ng boses na iyon nang hindi agad sumagot si Vince.

Naputol ang mga iniisip niya sa narinig na boses. He looked up and saw a beautiful woman dressed in a red body fitted off-shoulder dress and gold stillettos. Litaw na litaw ang kurba nito at nakakasilaw ang kaputian ng kanyang balat. She's holding a cup of coffee too.

"Uh, hi. Sorry. I got lost in deep thoughts. Please have a seat," alok niya sa babae.

She complied and took the other side of the wooden bench kung saan nakaupo si Vince. Tahimik lamang na uminom ng kape ang dalawa habang pinagmamasdan ang kapayaan ng buong park.

After some awkward silence, the woman finally spoke.

"Madalas ka ba dito?" she said in a very calming voice.

"No. This is my hideout when I'm stressed in the office," sagot niya habang nakatingin sa babae. Nagkatitigan sila. Hindi mapigilan ni Vince na humanga. He was mesmerized by her beauty. For some reason, tila hindi na niya maialis ang paningin niya sa kausap. She's like a magnet attracting his eyes towards her. She looks like a very expensive painting na ang sarap pagmasdan at hangaan.

Bahagyang nangunot ang noo ng babae dahil sa sobrang titig ni Vince sa mukha nito. "May dumi ba ako sa mukha? Why are you looking at me like that?"

Para namang ibinalik si Vince sa reyalidad dahil sa tanong na iyon. "Ah, Nothing." aniya. She chuckled a bit because of Vince' response.

"So uh, where do you work? Judging from your Jacob & Co watch I'd say you're earning six to seven digits a month."

Natawa ng bahagya si Vince at namangha sa sinabi ng babae. "Nice observation. Do you like expensive stuff?"

"Who doesn't? Haha!" natatawang sagot ng magandang babae. Nawawala ang mata niya kapag tumatawa siya bagay na ikina-cute niyang tingnan.

"And you're wearing the Traditionelle small model watch by Vacheron Constantin. It figures." Natawa rin si Vince ng bahagya dahil sa pagkakapareho nila.

Just then, the woman's phone rang sa loob ng bag niya.

"Hello?"

"Give me a minute please."

Ibinaba nito ang phone saglit at humarap kay Vince. "Hey uhm, I have to go now. Sorry," sabi nito at nagmamadaling umalis.

"Wait I forg–", hindi na itinuloy ni Vince ang sasabihin nito dahil naisip niyang baka pagmulan pa ito ng away nila ng girlfriend niya. Masyado kasing selosa iyon sa halip ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nagsimulang mag dial.

"Detective Ramos. Let's meet."

Stranded (A Short Story)Where stories live. Discover now