" At bakit naman ako papayag sa alok mo ? " masungit na sabi ko

" Hindi kita inaalok . Inuutusan kita " he said blantly

" At bakit naman ako papayag sa utos mo? " I asked again

" Cause I said so " may diing sabi niya

" Ang kapal mo . Hindi mo ako maid na utos-utosan mo . Ni hindi nga tayo close para sumama ako sa iyo at maging date mo . Kung naghahanap ka ng maloloko , huwag ako dahil marami pa ang gagaw-- "

" I like you " pagputol niya sa sinabi ko na siyang naging dahil para mapatingin ako sa kaniya

Tama ba ang naririnig ko? O guni-guni ko lang?

" I like you " pag-uulit niya

Napaawang naman ang bibig ko doon . Wala akong mahanap na isagot sa kaniya at nakakatitig lang ako sa kaniya .

" Hindi ka man naniniwala sa sinasabi ko pero iyan ang nararamdaman ko . Simula pa noong nakita kita sa bahay niyo at nakita kitang ngumiti ay nakuha mo na agad ang atensiyon ko . I know you're cold pero alam kong mabait ka sa loob , natatakot ka lang ipakita iyon sa mga tao. Simula doon ay nagpasya akong mag-volunteer bilang bisita sa paaralan niyo dahil alam kong dito ka nag-aaral . Palagi akong naghihintay sa iyo tuwing papasok ka sa gate ng paaralan . Palagi akong nagmamasid sa iyo tuwing gumagamot ka sa mga athlete. Inalam ko ang lahat tungkol sa iyo . Mga hilig mong pagkain at mga gusto mong gawin . Tinanong ko lahat iyon kay tito ng magpunta tayo sa hospital at nakatulog ka . Then I decided sa oras na iyon mismo na gagawa na ako ng hakbang sa iyo . Sabihin mo nang baliw ako pero iyon ang nararamdaman ko at hindi ko iyon pinagsisihan na ipakita sayo " mahabang sabi niya pero nakatulala parin ako sa kaniya

" Yanna Nicole Smith " tawag pansin niya sa akin dahil hindi ako sumagot sa kaniya

Lumunok naman ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko

" P-pero hindi ito tama Keey " I stammered

" Hindi ko pa naisip na pumasok sa mga ganiyan " patuloy ko nang makabawi ako sa pagkagulat

" Then I'll wait . Pero hindi mo ako dapat pigilan na magkagusto sa iyo . I'll wait for that time na masuklian mo ang nararamdaman ko " may diing sabi niya

" P-pero sigurado ka ba sa nararamdaman mo ? Hindi ako katulad ng ibang babae Keey . Ibang-iba ako sa kanila . Kapag malaman mo na ang totoong ako , baka pagsisihan mo sa huli na nagustuhan mo ako "

Pumapatay ako ng tao.

" I don't care . As long as you'll be with me . Kahit anong ugali pa iyan ay titiisin ko . Kahit anong ugali pa iyan , iintindihin ko . Hayaan mo lang akong iparamdam sayo ang nararamdaman ko " then he looked me intently in the eyes

Pursigido . Iyan ang makikita mo sa mga mata niya . Bumuntong hininga naman ako doon .

"Fine"

" Let's try " tipid kong sagot na siyang nagpaliwanag ng mukha niya

Trying won't hurt right?

Agad niya naman akong hinila papunta sa kaniya at niyakap ng mahigpit .

Maybe he's different. Maybe I can trust him . Maybe he can change me .

" Thank you . Thank you " paulit-ulit niyang banggit habang yakap-yakap ako

Nagpumiglas naman ako ako para makabitaw sa kaniya . Sumimangot naman siya doon .

" Umayos ka . Baka may makakita sa atin dito " I said

Pero he just smiled at umakbay sa akin.

" Halikana , uwi tayo. Pipili pa tayo ng susuotin natin bukas " he joyfully said at tinangay ako paalis sa lugar na iyon.

The Six Gangster Princesses (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon