Private 28: Let's TRY

13.9K 117 9
                                    

Private 28: Let's TRY

Rev's POV

Yung nangyari kanina? Alam ko pareho pa rin kami ng nararamdan ni Jas kaya hindi ako susuko, magiging kami ULIT and this time magiging okay ang lahat. Hindi na siya mawawala sakin, sila ng anak namin.

Ayos na ang table ng dumating sina Mama, hinanap niya agad si Vera...alam naman nila noon pa lang na nagkaanak kami ni Jas pero hindi sila nangialam, ayusin ko daw to ng sarili ko dahil ako ang may kasalanan.

Pinadala nila si Mina sa States for rehab. Hindi yun alam ni Hero, malapit ng maging okay si Mina ..babalik yun. Pero this time, hindi na niya kami masisira ni Jas.

"Ang ganda-ganda ng apo ko, manang mana kay mommy niya. Kamusta naman ang pagiging mommy hija?"

"Mahirap po during my first trimester kasi maselan po ang pagbubuntis ko but thank God at healthy naman po siya and no complications. Nahilig din po ako sa baking during my pregnancy, kaya po siguro sweet ang batang yan."

"Nakakatuwa naman, naku nung si Rev pinagbubuntis ko nun mukha akong balyena...ang lakas kong kumain non."

It's really good seeing my mom and my soon-to-be-wife talking like that. Bakit? Magiging mag-asawa rin naman kami ni Jas by hook or by crook.

"Buti at bumalik na kayo at dito kayo nakatira kasama ni Rev. Ayoko namang lumaki ang cute na apo ko na magkahiwalay ang magulang."

Napatungo naman si Jas, si Mama naman kasi walang preno. Nabwelo pa nga lang ako para makuha ulit ang loon ni Jasmine.

Nagpatuloy lang sila ng kwentuhan don, umalis na rin sina Mama at babalik ulit sila ng States para kay Mina.

Ilang pa rin sakin si Jas, tuwing lalapit ako sa kanya kung hindi siya magpapaka-busy bigla siyang iiwas. Shit! Ilang taon na nga akong tigang hanggang ngayon ba na kasama ko na ulit siya?

Lagi pati siyang natutulog sa kwarto ni Vera ngayon, wala naman akong magawa dahil pagdating ko sa work nandoon na agad siya. Yung kinuha kong yaya ni Vera ibinigay ko na kina mama para wala ng panggulo dito.

Umuwi ako ngayon ng maaga at nasa sala ang mag-ina ko, nanonood si Jas habang pinapatulog si Vera. Lumapit lang ako sa kanila at hinalikan siya sa labi tapos humalik din ako kay Vera, halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"May nakahain na sa lamesa, kumain ka na. Ilalagay ko lang sa kwarto niya si Vera."

Hindi ko pinansin yung sinabi niya, sumunod lang ako hanggang sa kwarto ng anak ko. Pagkalapag niya kay Vera lumapit agad ako sa kanya, niyakap ko siya sa likod at idiniin ang sarili ko sa kanya.

"Baby, I missed you. Sa kwarto ka na nating matulog."

"Rev ano ba, baka biglang magising si Vera."

Inaalis niya yung braso ko sa bewang niya pera mas lalo ko pang hinigpitan. Pinaharap ko na siya sakin at siniil ng halik. Naipasok ko naman ang dila ko sa bibig niya at mas nilaliman ang halik.

"Hmmm...Rev.." ungol niya na mas lalong nagpatayo sa junior ko. Idiniin ko ang sarili ko sa kanya para maramdaman niya.

Itinulak naman niya ko bigla at nanlaki ang mata. "Baby naman, sige na."

"No, kumain ka na doon. Babantayan ko lang dito ang anak natin."

Bagsak balikat na naman akong lumabas ng kwarto at hindi ko na siya ginulo.

****

Jasmine's POV

Masyado na ba akong harsh sa kanya, simula kasi noon hindi na niya ko kinakausap, nakokonsensya tuloy ako.

Si Vera na lang ang lagi niyang pinapansin, bwisit na lalaking yun. Teka bakit ba ko naaapektuhan? Pakialam ko ba sa kanya, kaya lang naman kami magkasama dahil sa anak niya.

Kinuha ko lang ang cellphone ko at tinext siya, 'Let's talk.' Send.

Ay bwisit bakit ako yung gumawa ng first move? Bahala na, hihintayin ko na lang siya.

***

A/N: may part 2...SOON! pansinin niyo naman po ang BY CHANCE :)

Sex PerfectWhere stories live. Discover now