Private 24: Love and Hate

17K 125 20
                                    

Private 24: Love and Hate

Jasmine's POV

"Boyfie bilisan mo diyan."

"Wait lang kasi Jas. Don't be too excited."

"Kating-kati na yung paa ko o...bilis na kasi."

"Eto na nga!"

Saan ba kami pupunta? Sa BEACH!! Wooohoo! Excited na ko, first time ko ulit magbi-beach. Yung feeling na para kang nakalabas ng hawla, malaya na ko. hahaha!

"Bakit ganyan suot mo?"

"Alangang magpantalon ako, beach yun Boyfie."

"Wag kang lalayo sakin pagdating natin don."

Possessiveness alert na naman po tayo. hahaha! Agang-aga ang init ng ulo ng boyfriend ko! Ano bang masama sa suot ko? Naka-short and hanging blouse lang naman ako. Well, prepared ako no! Naka-ready na ang bikini ko sa loob. hahaha!

"Drive-through tayo Rev."

"Okay."

Diba mahal na mahal ako? Hahaha! Spoiled kaya ako diyan.

Nag-order lang kami ng fries and coke float para hindi ako magutom sa byahe. Siyempre hindi naman siya makakain mag-isa habang nagda-drive kaya sinusubuan ko siya. SWEET! Eto kaya ang dream relationship ko. haha! So teenager :)

*****

Rev's POV

Tingnan mo tong babaeng to, kulang na lang kainin niya yung buhangin nung beach.

"BEAAAAACH! SA WAKAS NAGKITA DIN TAYO!"

Pero imbis na pigilan ko siya, hinayaan ko lang. Kung diyan siya masaya, e di suportahan. Mahal ko e. hahah!

"Boyfie, bilis. Ibaba na natin yang gamit sa room natin. Swimming na swimming na ko."

Hinila na lang niya ko. Ano pa bang magagawa ko? Pagbigyan na kesa mag-away pa kami.

"Wait lang boyfie, magpapalit lang ako ng pangbeach na outfit."

"Wag na, okay na yan."

Naka-hanging blouse na nga gusto pang magpalit ..ng ano? Swimsuit? HINDI PWEDE!

"Pano ko lalangoy mamaya kung ganito suot ko?"

"Basta, wag ka ng magpalit."

Mahirap na, pag pinagkaguluhan to. Hindi ako conservative pero pagdating sa kanya OO. Makakasapak ako pag may tumingin sa katawan niya.

Sex PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon