IAR [20.75]

Mulai dari awal
                                    

Pinasadahan ko ng dila ang labi at nginitian siya. "Ano 'yon? Bakit masarap? Isa pa nga, Green?" Nanlaki ang kanyang mga mata.

"H-Ha? M-Masarap? I-Isa pa?" Naguguluhang tanong niya, kumakamot sa ilong niya. "S-Sigurado ka?" Hindi ko alam kung bakit ganyan ang reaksyon niya at nabubulol pa pero tumango ako. "O-Okay." Inilapit niya ang mukha sa akin. Hindi ako pumikit, gusto kong makita ang gagawin niya. Ang lapit na ng mukha niya nang may biglang sumigaw.

"Ryder!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan niyon at nakita namin si Brix na tumatakbo palapit sa amin. Napatayo ako at napahawak sa bibig nang suntukin niya si Green.

Natapos ang birthday ko na pinapagalitan ng mga magulang nila si Green at Brix dahil sa ginawang pagsuntukan na ako yata ang dahilan.

Hanggang sa ikalabing-walong kaarawan ko, hindi na nagpalya si Green na halikan ako. Syempre sapak na ang natatanggap niya sa 'kin madalas. Palagi niya kasi akong ninanawakan ng halik at nabibwisit talaga ako. Teenager na ako nang malaman na hindi pala tama 'yon. Kasalanan iyon nung Hershey's kisses. Masarap kasi, kaya akala ko ang masarap 'yong kiss ni Green.

Bata pa lang tanga na ako. Sobrang tanga. Uto-uto pa.

Tumigil lang siya no'ng 19 na ako hanggang 21. Ngayon lang ulit naulit kaya nawala sa isip ko na maaaring siya nga ang humalik sa 'kin ng nakaraang birthday ko. Hayop! Naiinis talaga ako. Sarap magwala. Sarap pumatay ng ipis.

"Ma'am, sarado na kami!" harang ng guard nang tinangka kong pumasok sa entrance ng mall. "Alas-diyes na, balik na lang kayo bukas." Tiningnan ko siya nang masama pero agad ko ring kinalma ang sarili.

Napapihit ako patalikod at nakita ko si Green na nakatayo sa harapan ko. Mga limang hakbang ang layo. Nakangisi siya bago naglakad palapit. Humakbang naman ako patalikod pero nakorner na niya ako.

"Relax, Xhai, I won't kill you," aniya at humalakhak. Pisti! Kelan ba magmamature ang ipis na 'to? Kanina lang, nakokonsensiya ako sa pagkakasipa ko sa kanya pero ngayon gusto ko ulit gawin nang mas malakas pa. 'Yong mababaog ang bayag niya. Nang wala ng babaeng papatol sa kanya.

"Pero ako ang makakapatay. Kaya Green, tantanan mo ako!" Napalakas ang boses ko kaya nakaagaw kami ng atensiyon. Pero agad ko ring napagtanto na kanina pa pala kami pinagtitinginan. Hindi pala kami at mas lalong hindi ako dahil kay Green sila nakatunganga. Seryoso? Nakatunganga talaga sila.

Nagagwapuhan sila sa ipis na 'yan? Hindi ba nila nakikita ang antenna ng pisting 'yan na parang sungay?

Wala sa loob na pinasadahan ko ng tingin ang mga babaeng tumigil pa talaga sa paglakad at tinitigan si Green nang nakanganga. Napanganga rin ako sa reaksiyon nila. May iba pang kumuha ng camera at nagpicture. Nakita ko pa ang pagflash ng camera pero itong lalaking kaharap ko, hindi yata napapansin. O ayaw niya lang pansinin. GGSS talaga.

"Girl, ang gwapo. OMG! OMG!" Napasulyap ako sa babaeng hinihila pababa ang manggas ng kasama niyang babae. Malapit nang makitaan ng hinaharap ang kasama niya dahil sa ginagawa niya. Pero gano'n din pala ginagawa ng isa kaya kinagat ko ang labi at umiling.

"Xhai!" Napapitlag ako nang iwagayway ni Green ang kamay niya sa harap ng mukha ko. Nasa harap ko na pala siya nang hindi ko namamalayan. "Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko." Nagpanting ang tainga ko.

"P'wede ba, Green. Hindi ka gwapo, isa kang gago!" asik ko.

"Aray..." Humawak siya sa dibdib niya at sumimangot.

Umirap ako. "Doon ka nga sa mga fangirls mo. Ipis ka!" Hindi ako nagturo kasi kahit saan ako magturo may nakatingin sa kanya. Pisti! Kapag nakikita ko ang mukong na 'to, nagiging masamang tao ako. Hindi ko talaga maiwasan ang mapamura.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang