♡ChApTeR~111♡

266 21 0
                                    

♡MCKENZIE POV.♡

3 Months later....

NGAYON AY INAANTAY ko sina Kuya at Ate Khalei. Wala akong mapagtripan at mamamatay ako pag hindi ako nakahanap ng mapagtritripan. Sinabi ko kasi kay Kuya na inaantay sya ni Ate Khalei dito at may sasabihin sya. Tapos sinabi ko rin kay Ate Khalei na may sasabihin si Kuya sa kanya at dito sila mag kikita.

Bwhahahaha! Kahit papaano ay mababawasan ang lungkot ko ngayon.

Naka tayo ako sa isang damuhan na lugar. Gabi na ngayon kaya naman may leather jacket ako na bigay ni Sean saaken nung nakaraang taon at ngayon ko lang tuh gagamitin.

"Tagal naman nila" sabi ko pa sa sarili ko. Mag isa lang tuloy akong nagsasalita dito.

*pep!*

"Lintik na yan!" Halos napa singhal ako ng pabulong dahil sa malakas na busina.

Sa isang magarang kotse lumabas ang Kuya ko na ubod ng panget.

Hehe

"Bakit ka andito?" Tanong nya.

"Wala manunuod ako ng concert ni Justin Bieber" dahilan ko.

"Eh bat andito ka? Hindi sa mega mall?" Tanong nya nanaman.

"Manunuod kasi ako ng cene" another kasinungalingan nanaman. "Tsk bat ba? Eh andito nga ako eh!"

Maya maya pa may isang kotseng pumarada sa gilid ng kotse ni Kuya. Akalain mong bigtime na silang pareho? Duh.

"Anong sasabihin mo?" Sabay nilang tanong sa isa't isa. Umatras ako at yumuko.

"Akala ko ba may sasabihin ka?" Tanong ni Kuya.

"No. Ikaw ang nagsabing may sasabihin ka" tinuro pa ni Ate Khalei si Kuya.

"Wala akong sinasabi"

"Mas lalo naman ako" ani ulit ni Ate Khalei.

Naramdaman kong tumingin sila ng dahan dahan sa akin. Gusto ko ng bumungisngis dahil todo pigil ko ang tawa ko na malapit ng pumutok.

"Jam?" Iritableng tawag saaken ni Kuya.

"Ahy! Oo nga pala manunuod pala ako sa cene ni Justin Bieber" kunyaring naalala ko.

Ano? Cene ni Justin Bieber? Dapat concert yun diba Mckenzie?...

"Jam?!"

Tawag ulit ni Kuya ng naglakad ako. Kaya naman nahinto ako.

"Nakalimutan ko may concert pala si Justin Beiber sa Cene este may concert sa ano..." nalilito na ako sa mga sinasabi ko.

"Ikaw ba may gawa neto? Jam?" Tanong nanaman ni Kuya.

Humarap ako at......

"Hehehe"

Sinamaan nya ako ng tingin pero pilosopong ngumiti ako.

"Okay total andito naman na tayo... mag dinner nalang tayo... treat mo" sabi ni Ate Khalei at tinuro si Kuya. Nag simulang mag lakad si Ate Khalei sa kanyang kotse. Inirapan pa ako ni Kuya bago pumunta sa kotse nya.

Tatawa tawa naman akong kinuha yung motor ko sa gilid ng damuhan at sinundan sina Kuya.

Nakangisi akong tumingin sa mirror ni Kuya mula sa kanyang kotse. Alam kong tumingin rin sya roon.

Ramdam kong pikon kana Kuya.

Noon pa man ay gusto ko ng maging Gf ni Kuya si Ate Khalei pero dahil nga lintik si Kuya sya mismo ang gumagawa ng paraan para hindi sila magkalapit at magkatuluyang dalawa. Ramdam nya ang mga kilos kong kakaiba. Lintik talaga.

My Yaya Is My Girlfriend Season 2 [Slowmo Update ]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें