Chapter 6

5 0 0
                                    

"Daanan kita dito mamayang uwian ha... pasok ka na." si Kent. Inihatid niya kasi ako dito sa tapat ng classroom... kahit pa sinabi ko na kaninang hindi naman kailangan, ay nagpumilit pa rin ang lalaking ito.

 Ang kulit. Akala mo talaga close kami eh.

"Sige... salamat sa paghatid." tugon ko rito kahit na hindi ko mawari kung bakit niya pa ako kailangang sunduin mamaya, gayong alam ko naman ang daang tatahakin pauwi. 

Tumalikod na ako at pumasok sa loob.

Unang hinanap ng aking mata ang mga naging kaibigan ko kahapon. 

GIOG. (gyog)

Kahit normal naman ang ibig sabihin ng pangalan ng kanilang grupo ay nawiwirduhan pa rin ako hanggang ngayon. Hindi kasi ako sanay na may mga ganung tawag sa isang samahan. Parang nakakapanibago. Parang hindi ako nababagay. 

Iba talaga dito sa maynila.

Sa batangas kasi ay basta kaibigan ko sila at kaibigan nila ako ay tapos na ang usapan. Hindi na kailangan ng titulo ng grupo. 

O sadyang ganun lang talaga sa mayayaman? Ewan ko ba.

Kinakawayan nila ako, kaya't naglakad ako patungo roon. 

Naglahad sila ng isang upuan sa gitna nilang tatlo. Mukhang nireserba talaga ito para sakin. May pag uusapan at ipapaliwanag pa nga pala ako sakanila ngayon.

Pagkahatid ni Kent saken kahapon ay nagbasa lang ako ng kaunting mga aralin para sa araw na ito at nakatulog na din ng mahimbing. Dala na rin siguro ng pagod...

at ng... magandang nangyaring yun. Para sa akin ay napakalaki na ng impact sa aking buong pagkatao ng naganap kahapon sa pagitan namin ni Kent. Kung sa iba'y normal lamang ito, pwes sa akin ay hindi.

Paulit ulit ko pa ding tinatanong ang sarili ko kung ano bang nangyayari sakin.

Pagkat kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman ang pakiramdam na naramdaman ko kahapon kasama si Kent.

Humahanga na ba talaga ako sakanya?

Pero...

"Aya...aminin mo nga samin, ano bang meron sainyo niyang si Kent? Kahapon... magkasabay na kayong umuwi tapos ngayon sabay naman kayong pumasok... hinatid ka pa! Kayo ba? ha?!" Si Abby ang nanguna sa pagtatanong na may ekspreyong nagagalak at parang sabik na sabik na malaman ang totoo.

Natutuwa ba sya? Bakit kung makangisi ang isang to akala mo nanalo sa lotto?

" Naku! Wala no." tanggi ko rito." Normal lang naman siguro sa magkaibigan ang ihatid ka sa classroom paminsan minsan diba? Yun lang yun." agad kong paliwanag sabay tingin kay Gail dahil alam kong may gusto siya rito. Ayaw kong ito pa ang magiging dahilan ng pagsama ng loob niya sa akin. Swerte ko na nga't natagpuan ko sila't naging kaibigan tapos mawawala lang dahil sa isang lalaki?

 Ang pangit naman yata nun.

Kahit pa... alam ko sa aking sarili na may dapat siyang ikainis  dahil mukhang unti unti na akong nagkakagusto sa ibon na yun. Alam kong hindi dapat. Pero... kasi...

Wala akong nababakas na pagdududa sa mukha ni Gail nang tingnan ko siya. Kaswal lamang siyang nakikinig sa nagiging diskusyonan namin. Nakikinita sa kanyang mukha na hindi siya apektado rito. Tipong wala namang issue sa pinag uusapan, kahit na meron naman.

Who Are You?Where stories live. Discover now