Chapter Twenty Three

Magsimula sa umpisa
                                        

Huh?! Aba bakit? Hindi ba talaga niya ako patatahimikin?

Hindi ako pupunta. Hindi ko kailangang pumunta. Eh ano naman kung naghihintay siya? Eh ano naman kung ayaw niyang mag-record? Album ko ba 'yon? Bahala siya sa buhay niya. Tsk.

Nakailang liko na ang bus. Halos mangangalahati na papunta sa bahay namin.

Hindi ako pupunta, bulong ko sa sarili.

Hindi ako pupunta, pag-ulit ko pagkatapos nang ilang segundo.

'He's waiting for you,' bulong naman ng isip ko.

Hindi! Ano ba, Sky?

I looked out the window. Malapit na ako sa bahay. Hindi na talaga ako makakapunta. Sayang naman ang byahe ko, 'di ba?

Pero hindi ko mapigilang ma-imagine si James na nagaantay sakin. Hindi ko ko alam kung anong nararamdaman ko.

Hindi ako dapat pumunta, 'di ba?

Pero bakit parang mas mali na hindi ako pupunta. Bakit parang may kung ano sakin na... gustong pumunta.

Pero... Hindi ko kasi alam kung kaya ko na--Hindi. Alam kong hindi ko pa talaga kaya. Bakit ko ba kasi pinag-iisipan pa 'to? Hindi naman na talaga ako pupunta, 'di ba?

Bumaba na ako nang bus sa kanto malapit samin. I'm not going, sabi ko ulit sa sarili.

Pero nang may dumaang bus pabalik, hindi ko na nagawang mag-isip. Basta kusang gumalaw ang katawan ko at sumakay.

I'm sure I'm gonna regret this later, but I'm doing it anyways and I'm not sure why.

---

It's almost 6pm nang nakarating ako. At sobrang lakas nang dagundong ng dibdib ko. Ba't ba ako kinakabahan? Trabaho naman ang punta ko dito, 'di ba?

Sa daan, kinumbinsi ko ang sarili ko na mayroon sigurong sapat na rason kung bakit niya ako pinapapunta. Baka may itatanong siya tungkol sa kanta. Baka may ipapabago o kaya may hindi siya gusto. Most likely, ganoon talaga. Wala namang ibang rason.

Halos wala na ring tao sa building nang nakarating ako. Naglakad ako papunta sa Studio.

I stood at the door and breathe really deeply. Kaya mo 'to, Sky. Pero bago ako makapasok, nakita ko si James na nakaupo sa couch sa loob nang studio. Merong kasing part ng pinto na glass kaya kahit nasa labas ako ay nakikita ko pa rin kung may tao sa loob.

He is just sitting there with his head looking down the floor. He's wearing black shirt and pants. Nagsimula na naman ang kabog ng dibdib ko.

Can I really do this?

Kumatok ako at hindi mapigilang maalala 'yung mga panahon na kumakatok ako dati sa music room sa campus.

At katulad dati, siya din ang nagbukas nang pinto para sakin.

"Sky?" aniya. Kita ang gulat sa mukha niya. "You came."

Tumango ako. "Sabi kasi ni Boss nandito ka pa daw."

"Yeah. Come in."

Pumasok ako sa loob ng kwarto. Naramdaman ko ang lamig sa loob. Nakalimutan kong malakas nga pala ang aircon dito. Dapat pala nagdala man lang ako ng jacket.

"I thought you're going home to your parents," sabi niya.

"Oo nga. Kaso hindi na ako tumuloy. Bakit mo nga pala ako kailangan dito?" I asked straight to the point.

"Ahmm... We're supposed to record the song today," paliwanag niya. "We also weren't able to record much yesterday, actually."

"I've heard. What seems to be the problem?"

Naglakad sya across the room at umupo uli sa couch. "Me."

I walked towards the control booth and leaned against it with my arms crossed. "Anong ibig mong sabihin?"

"I don't really know, Sky," sabi niya sabay ang tingin sakin with a shrug. "I just can't seem to do it."

"To do what?" nagtataka kong tanong.

"Record," he answered with an annoyed face. Ilang beses niyang isinuklay ang kamay sa buhok niya katulad nang lagi niyang ginawa dati kapag frustrated siya.

"May mahirap ba sa kanta? Gusto mo baguhin natin?"

"No," agad niyang sambit. "It's alright. It just... I just can't seem to start singing it."

Ano daw? Singer siya, 'di ba? Bakit di niya makanta?

"You have problem with your... voice?"

He shook his head. "You don't get it. I can't seem to sing this song in particular."

"Bakit nga?" pagod kong tanong. Ayaw pa kasing ipaliwanag ng maayos ih.

"I'm... I'm hoping you can tell me."

"Ako? Anong alam ko dyan?" gulat kong tanong.

He sighed and stood up. "This is pointless. You know what? Forget it."

Akma na siyang lalabas ng pinto kaya tumayo ako nang diretso. "Teka teka. Pagkatapos mo akong papuntahin dito, aalis ka nang hindi man lang pinapaliwanag sakin kung bakit? Ano bang trip mo?"

He stopped and faced me.. "I..." He bit his lip, trying to find the words. "I can't focus, okay? Everytime I try to sing that song, I feel like you have to be here."

I stared at him in confusion. "Ha?"

"Maybe because you wrote it," he explained. "I don't understand either. I haven't had this kind of problem before. But I just can't seem to sing. That's why I've asked for you to be here. Maybe it can change something."

I leaned back on the edge of the control surface. "Eh paano 'yan? Nag-uwian na ata sila."

"Can't we still try?" tanong niya na may mas kalmadong mukha. "I'm sure they wouldn't mind us using the booth."

Tumingin ako sa recording booth sa likod ko. Hindi ko pa rin alam kung ano bang pinagdaanan niya pero nandito na ako. Might as well tulungan siya. Para matapos na.

He looked at me with hopeful eyes. "You know how to use the equipments?"

Tumango ako. "Sige. Let's try," sabi ko nang walang ekspresyon. Kailangan kong magpakatatag habang kaharap ko siya. Kahit sa loob ko, kung anu-ano nang emosyon ang pilit gusto kumawala.

Pero hindi pwede. Trabaho 'to. I need to be professional. He only asked for me because of the song and that's the only thing I need to think about.

But then he smiled, maliit lang pero nahuli ko pa rin. It showed his deep dimples and it took my breath away in an instant.

Ang rupok mo, Sky.

***

thatwallflowerwrites©2020

Salamat sa pagbabasa 💕😘

To gigennnnn and MharyRoseTalagtag I always read your comments. Thank you very much. 😘😘😘

God bless everyone.☺️

Love always,

-- jen 🌺❤️

Heartstrings Attached IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon