"We're going to give 10 minutes for them to prepare before the finals. Thank you." Bumaba na ito sa ring kaya nagsipasok kaming muli sa room.

"What are we gonna do now? We can't let them---" Hindi na pinatapos ni Aly si Tots.

"STICK TO THE PLAN." Seryoso at may diing sabi nito. "Because at the end of this plan, it's all worth it."

Tama siya. Kapalit naman ng pagkatalo namin mamaya ay ang pagkapanalo namin kina Jema.

"Ano na naman ba ang plano na yan ha?" Tanong ni Jema.

"U-uhm..." I faced her. "Kahit anong mangyari mamaya, kahit anong makita niyo, pagkatiwalaan niyo lang kami."

"Bakit? Ano bang pwedeng mangyari mamaya?" Singit naman ni Den.

Hindi pa nila pwedeng malaman ngayon ang plano namin baka sila ito pa ang magiging dahilan kung bakit kami aatras.

Nabalot kami ng katahimikan pero thank God magsisimula na ang laban dahil nagsalita ulit si Marco.

Nakaligtas kami dun ah.

Una kaming tinawag kaya una kaming pumanik sa ring. Nanggaling naman sa kabilang side ang Replec Gang. Binigyan naman ako ng isang matalim na tingin ni Fhen.

Nang magkaharap kami...

"Can't wait to beat your ass." She smirked.

Tss as if you can beat me.

"Then beat it." Walang emosyon kong sagot.

Nakipagkamay muna kami atsaka bumalik sa kanya-kanyang corner at unang maglalaban sina Tots at Zolo.

The plan begins here.

____________________

Tot's POV

Nang tawagin ang pangalan ko at si Zolo, kaming dalawa na lang ang natira dito sa loob ng ring.

*Ting!*

The battle starts na.

Ano ba? Susuko na ba ako? Ayoko namang magmukhang lampa pero ayoko rin namang ilagay sa panganib ang buhay ko. Ang usapan kasi namin, hindi kami lalaban sa kanila. Hahayaan lang namin silang makapuntos. But I really don't want them to win lalo na si Zolo ang kalaban ko na kalaban ko rin pagdating kay Celine. Alam kong gusto niyang mapasakanya ito.

He was about to hit me pero agad din akong nakailag.

"Wag kang lalaban." He whispered at sumuntok ulit pero nakailag ako and took that advantage.

Nasuntok ko siya sa tagiliran pero hindi ito ganun kalakas.

Oh fuck! Parang nanghihina ako.

Agad din siyang nakarecover at gumanti ng suntok sakin. Malakas ito kumapara sa suntok ko kanina.

Nagpalitan lang kami ng suntok hanggang sa...

"Sumuko ka na at isusuko ko si Celine." Mga salitang nagpatigil sakin. "She's yours."

Is he serious about this? Gusto niyang magpatalo ako? At ang kapalit nun ay mapapasakin si Ced?

I think I need to forfeit this game. Kahit naman matalo kami dito, ako pa rin ang pipiliin ni Celine.

Marahan lang akong tumango sa kanya kaya sinimulan na niya akong saktan.

This is for us Celine.

Gangsters of AteneoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon