"W-wala ah, sinabi ko lang yun kasi ang panget mo pag naka simangot ka. Huwag ka masyadong feeling di kita type," Sagot ni Laikyn.



Woah! Hahaha! Ayos ah!




"Panget ka pala talaga bro eh!" Biglang sabi ni Acel.




"Yuck! Basted ka agad bro!" Pagsunod naman ni Nef.



"Mga t*r*nt*d* kayo!" Sigaw naman ni Zayen.



"Bro, pasensya na biro lang dapat yung akin kanina pero mukhang totoo nga. Hindi naman kasi marunong magsinungaling ang kapatid ko." Sabi pa ni Aaren habang natatawa.



Napailing nalang ako at natawa na rin. Mga siraulo talaga sila kapag nagkasama-sama. Hindi pwedeng walang ganyan na eksena pag nagsama-sama sila. At syempre ang inaasahan ng lahat, nag walkout si Zayen dahil sa inis.



Hindi nalang namin siya pinansin at tinuloy na namin ang pag-aayos ng mga gamit namin. Nang makalabas ako ay nakita ko si Laikyn na hinihintay ata ang kuya niya. Hindi ko alam kung bakit naisipan ko siyang lapitan e hindi naman kami close.



"Nice," Nakangising sabi ko na ikinagulat pa ata niya. Tsk. Hahaha.



Nang masabi ko yun ay agad na akong naglakad paalis at pumunta sa sasakyan ko. Agad akong pumasok at nagmaneho na pauwi. Nagpahinga lang ako at nag-shower sandali at nahiga sa kama. Hindi ko alam kung bakit hindi mawala sa isip ko si Laikyn, magsimula kaninang kinausap ko siya hanggang ngayon ay siya lang ang laman ng isip ko.



Dumaan ang mga araw na madalas namin makasama si Laikyn dahil narin kay Zayen. Ang hindi ko lang maintindihan ay kapag nakikita ko si Zayen at Laikyn ay naiinis ako lalo ng kapag kinakantiyawan sila ng barkada.




"Ang takaw mo pala Kyn-Kyn," Natatawang sabi ni Zayen.




"Kung hindi mo sana ako pinagod, hindi naman ako magiging ganito kalakas kumain." Sabi naman ni Laikyn.



At syempre dahil mga dakilang green ang mga kaibigan ko ay bigla nalang silang natahimik. Ewan ko ba kung paano ko naging kaibigan ang mga 'to.



"Bakit?" Inosenteng tanong ni Laikyn.



Dahil sa tanong niya ay bigla nalang sumabog ang mga loko, tuloy ay pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa restaurant. Ako naman ay seryoso lang na nakaupo at pinagmamasdan sila. Ganon din si Aaren, eto medyo maayos pa 'to sa barkada namin.



"Hoy tumigil nga kayo sa kakatawa, pinagtitinginan tayo ng mga tao oh." Sabay turo niya sa mga tao "Nakakahiya!" Inis na dagdag pa niya.



"Ikaw naman bro, masyado mong pinagod si kyn-kyn." Natatawang sabi ni Nef.



"Gago! Hindi ko naman sinasadya." Natatawa ding sabi ni Zayen.



Tangina.


Mas lalo naman akong nainis dahil sa sinabi ni Zayen. Kaya ang ginawa ko ay tinignan siya ng masama pero dahil sa kakatawa nila ay hindi man lang niya napansin 'yon.




"Namumula ka Kyn-Kyn." Biglang sabi ni Acel.



Dahil sa narinig ko ay binalingan ko si Laikyn at naking namumula nga siya. Siguro nalaman na niya kung bakit sila tawa ng tawa. Tsk. Bakit kailangan mamula pa?



"Tigilan niyo na nga yang pagtawa niyo, hindi na nakakatuwa." Seryosong sabi niya sa kanila.



Tumigil naman sila at halatang anytime ay sasabog na naman sila. Ayun sumabog nga sila.



"Isa." Pagbibilang na ni Laikyn.



Wala, hindi pa rin nila siya pinansin.



"Dalawa. Sasamain talaga kayo sa 'kin." Sabi na naman niya.



Hindi pa rin sila tumigil kaya bigla nalang silang binatukan ni Laikyn. Brutal.



"Masakit." Reklamo nila.



"Hindi pa kayo titigil?" Tanong niya.



"Titig na." Sagot nilang tatlo.



Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami ng Toy Kimdom para maglaro. Bumili muna sila ng token habang nagiikot ako at naghahanap ng pwedeng laruin. Nagulat pa ako ng lapitan ako ni Laikyn at tanungin kung bakit ako nalate. Naputol lang ang pag-uusap namin ng sumulpot si Zayen. Tsk panira.



Habang naglalaro ako ay di ko maiwasan na tignan sila. Kung hindi ko lang sila kilala ay mapagkakamalan ko silang mag-jowa. Tsk. Bakit ko ba naiisip pa yun?



Nag focus nalang ako sa nilalaro ko at nakita ko naman silang lumipat kung saan kami naglalaro. Isa nalang ang bakante kaya naman si Laikyn nalang ang umupo at nasa tabi naman niya si Zayen na umakbay pa. Kailangan umakbay pa? Tsk ano ba yan! Nagseselos ba ako?



At syempre natunghay ko lang naman ang hindi ko inaasahang gagawin ni Laikyn. Hinalikan niya sa pisngi si Zayen kaya naman kilig na kilig ang mga nakakita sa kanila. Para akong nawala sa mood dahil sa nakita ko. Napailing nalang ako at umalis doon.



Selos. Oo, nagseselos ako. Sa pag-uwi ko ay yun lang ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero eto lang ang alam kong sigurado.



Mahal ko na si Laikyn.



-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now