"Yieeee! You look good together," Sabi ni mommy.



"Thanks po," Nakangiting sagot naman ni Aiken.



"So, let's eat na, para makaalis na din kayo. Kailangan din kasi namin magpahinga ng papa niyo," Sabi ni mommy na nakatingin kay Aiken ng sambitin niya yung huling sinabi niya.



Wow ah? Papa niyo? Hindi naman niya bet na bet si Aiken ano? Mag-boyfriend girlfriend palang kami pero parang kasal na kami kung makapagsalita si mommy.



Nagsimula na kaming at naging maingay ang hapag-kainan dahil sa impit na kilig ni mommy at napuno din ng mga tanong si Aiken kay daddy. Si kuya naman ay minsan nakikisali sa usapan para lang pagkaisahan nila akong lahat! As in lahat! Jusko yung mukha ko ngayon pulang pula na! Pwede na akong maging kamatis!



"Alam niyo po ba na kapag nalalsing si Laikyn ay nakakakita po siya ng penguin?" Tanong ni Aiken sa kanila saka siya tumawa ng malakas! Sumabay sa sila mommy, daddy at kuya!



"Pinagkakaisahan niyo na ako!" Nakasimangot na sabi ko.



"Aww, you're so cute pala kapag nalalasing ka, anak," Sabi ni mommy.



"Anong cute dun?!" Inis na tanong ko.



"Yung kung ano-ano na nakikita mo," Sabat ni kuya saka sila nagtawanan na naman.



Nagtuloy-tuloy lang iyon hanggang sa mapagod sila. Kami naman ni Aiken ay nag-ayos na para makaalis na rin kami. Tinanghali kasi kami sa hapag-kainan. Hindi naman sa OA pero seryoso tinanghali kami doon. Hindi na rin kasi namin napansin ang oras kaya ganon.



"Tita, alis na po kami. Thank you po sa pa-breakfast, nag-enjoy po ako," Nakangiting sabi ni Aiken kay mommy.



"Sino ba namang di mag-eenjoy? Eh pinagkaisahan niyo ako!" Sabat ko naman.



Natawa naman sila. Sige, tawa pa. Di pa ata sila nakuntento kanina.



"Ano ka ba, wala 'yon. Saka mommy, mommy na ang itawa mo sa 'kin hihihi," Kinikilig na sabi ni mommy.



"No problem po, mommy," Sabi naman ni Aiken.



"Yieee. Sige na at umalis na kayo, baka hinihintay na kayo doon ni balae," Sabi ni mommy.



"Mom!" Pananaway ko sa kanya.



At syempre dahil maattitude si mommy eh inirapan lang niya ako! Aba! Anak mo ako mommy kung nakalimutan mo na! Tsk.



"Alis na po kami," Paalam ni Aiken.



"Sige, ingat kayo," Sabi naman ni mommy at naki-beso pa kay Aiken. Wow ah?



Pagkatapos magpaalam ay tumgo na kami sa bahay nila Aiken. Isang oras ang biyahe mula sa bahay namin. Kaya ang ending sumakit pwetan ko. Pagdating sa kanila ay agad niya akong hinawakan sa may bewang ko at mas hinapit ako sa kanya.



Dumiretso kami sa may sala nila. Kung hindi lang ako nakakapunta dito ay baka maligaw ako dahil sa laki ng bahay nila. Nakita ko naman agad ang parents ni Aiken na naupong nag-uusap sa may sala. Medyo kinabahan din ako dahil mukhang mataray ang mommy ni Aiken pero hindi naman pala.



Paano kasi ng makita niya ako ay tumaas ang kilay niya at nihead to toe niya ako tapos ay pinakatitigan ng matagal. Medyo huminto pa nga ang paghinga ko dahil sa titig niya pero agad naman naglaho yun ng makita ko siyang ngumiti ng malapad sa 'kin, pinilit ko naman siyang nginitian pabalik. Kinakabahan parin kasi ako. Inaya niya kaming maupo sa may harapan nila. Nang maka-upo ay nagsalita sa siya.



"Iyan na ba ang manugang ko?" Tanong niya kay Aiken.



Tinignan ko naman si Aiken at nagtama ang paningin namin. Ngingitian niya ako at saka humarap sa mommy niya.



"Yes, mom," Nakangiting sabi pa niya.



"She's beautiful, huh? Hahaha! You guys look together," Sabi ni future mother-in-law.



"Yes of course, wala ng ibang babagay sa kanya kundi ako lang," Sabi ni Aiken at hinalikan ako sa pisngi.



Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya agad akong pinamulahan. Tinignan ko naman agad siya at nakangisi lang din siyang nakatingin sa 'kin.



"You're blushing and I find it cute," Sabi na naman niya and this time sa lips naman niya ako hinalikan.



Pasaway talaga 'tong boyfriend ko na 'to.



Tulad ng kanina nagkwentuhan, tawanan, bukingan lang ang ginawa namin. This time si Aiken naman ang pinagkaisahan namin. Karma nga naman ang bilis ng balik hahaha! So yon naging kampante na rin ako sa harap ng mommy ni Aiken. Nawala na iyong kaba ko dahil sa pakikitungo niya sa 'kin. Don't judge the book by its cover sabi nga nila.


-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora