"Would you mind if I ask what happened?" Sabi niya.




Hindi ko nalang siya sinagot at kinwento ko nalang sa kanya yung nangyari. Tahimik lang siyang nakikinig sa 'kin na parang naiintindihan niya yung nararamdaman ko.




"Uh okay." Sabi niya habang natatawa.




"Hanep na yan, pagtawanan ba naman ako?" Bulalas ko.




"Psh. Let's go." Sabi niya at tumayo.




"Huh? Saan?" Takang tanong ko.




"Sa langit." Nakangising sabi niya.




Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Agad kong hinarang ang mga kamay ko sa katawan ko.




"You perv." Sabi ko.




Tinawaman lang na naman niya ako at naiiling na tinignan ako.




"Sasayaw lang tayo."




"U-uh okay."




Pahiya ako dun ah? Psh. Tatanongin kasi ng maayos tapos sasabihin sa langit tapos ganon pa ang itsura parang rapist. Buti nalang at hindi pa ako ganun ka lasing para patulan yun. Tsk.





Nakihalubilo kami sa gitna ng mga taong nagsasayawan. Nabigla nalang ako ng may humawak sa bewang ko mula sa likuran. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil na rin siguro sa may konting tama na ako.




Nagtagal kami don nung lalking nagyaya sa'kin. Nang sumakit na ang paa ko ay walang sereseremonyas na naglakad ako papunta ulit sa may bartender para umorder ulit ng alak.




"Isang martini," Sabi ng ko.




"Martini, coming up!" sambit ng bartender. Nakailang shots na ako nang may tumabi na naman sa' kin na lalaki. Parehas din ng lalaki na lumapit sa 'kin kanina.




"Bakit ganito? Bwisit!" umiiyak na sambit ko kaya naman napatingin ang lalaking katabi ko sa 'kin.




"Miss? Is there anything wrong?" nag-aalalang tanong ng lalaki dahil nagulat ito ng bigla nalang akong sumigaw.




"Bakit ganyan kayong mga lalaki, ha? Bakit ang dali lang sainyo na..na pakawalan kami, ha?" himutok ko sa kanya.




"Ang ingay mo.." biglang sabi ng lalaki kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.




"A-anong sabi mo?!" tanong ko sa kanya.




"I dont repeat myself, honey.."




"Psh, yan! Ganyan na ganyan sya! May pa ganyan pa tapos--" naputol ang sinasabi ko nang bigla nalang niya akong halikan .



"There..You better keep quiet or else I'll kiss you again.."



Dahil sa sobrang kalasingan, hindi ko na nakontrol ang sarili ko dahil sa kalasingan, "Isa pa nga.." sabay nguso ko hindi alintana ang mga pinagsasabi ko kahit na ang totoo ay may boyfriend na 'ko.




"Ayoko." Sabi niya.



Dahil sa inis ko sa sagot niya ay ako nalang ang humalik sa kanya. Hinila ko ang batok ng lalaki at dahil sa pagkagulat ay umawang ng konti ang labi nya kaya naman nagbigay iyon ng access para mas lalong dumiin ang halik ko sa lalaki.




Tumagal iyon at hindi matitigil kung hindi ako hinila ng kung sino. Napatingin naman ako sa humila sa 'kin at nakita ko si kuya sa nagaalab ang galit na nakatingin sa lalaki.




"Hi kuya!" Masayang bati ko pa.




Dahil dun ay nalipat sa 'kin ang atensyon niya. Nawala naman ang ngiti sa mga labi ko at napalitan ng takot dahil sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.




"You're drunk. Let's go." Madiing sabi niya.





Wala naman akong nagawa dahil hinila na niya ako palabas. Napatingin pa muna ako dun sa lalaki at kinawayan siya dahil na rin siguro sa sobrang kalasingan kaya nagawa ko pa yun. Nakangiti naman din siyang kumaway sa 'kin.




"Get in." Seryosong sabi ni kuya.




Pumasok naman agad ako sa kotse at nag-seatbelt.




"What the hell, Laikyn! You have a fucking boyfriend and here you are making out with that fucking asshole! What the fucking fuck are you thinking huh?" Galit na sabi niya.




Hindi ko naman siya kinibopa at pumikit nalang. Dahil na rin sigurosa sobrang kalasingan ko ay nakatulog na ako sa biyahe namin pauwi.



-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora