Equation Thirty One

13.3K 189 8
                                    

Marrying the Boss
storyline by toneewritestragedies
EQUATION THIRTY-ONE. The Super LQ

CHAERIN

Bumalik din ako sa dating buhay ko. Pero ayos lang naman 'yun sa akin kasi sa ganitong klaseng buhay naman ako nagsimula. Ang nakakapanghinayang lang yung situation nila Jirou.Maayos at marangya ang pamumuhay nila pero sa isang iglap, mawala ang mga naipundar nila. Ni hindi namin maisip kung sino ang may gawa nito. Naaawa ako sa second family ko. 'Di ko alam kung paano nila magagawang babangon ulit. Mahirap to para sa kanila lalo na kay Jirou. Lumaki kasi siyang walang iniintinding problema sa buhay. Lahat yata ng gusto niyang makuha dito sa mundo ay malamang nakuha na niya. Kaya lang sa isang banda, naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong maitulong sa kanya para kahit paano, mabawasan ang burden niya.

Mag-iisang buwan na kaming nakatira ni Jirou dito sa bahay nila Mamang at sa mga araw  namin dito, nakikita ko kung gaano hirap si Jirou sa sitwasyon. Nangangayayat na nga siya sa pagtatrabaho, lagi siyang nago-over time at hindi lang 'yun, nagsa-sideline pa siya bilang valet attendant sa isang mall. Gusto kong tumulong sa kanya sa pagtatrabaho pero sabi niya mag-aral na lang ako pero paano ako mag-aaral eh pati ako, inexpel na sa Maple U?



***Flashback***

"Mrs. Sue-Chien, ang scholarship foundation na nagpaaral sayo ay pagmama-ari ng mother-in-law mo 'di ba? I'm sorry to say that declined na ang scholarship program. Wala na ang mga benefactors at lumipat na sa ibang foundation with their beneficiaries." sabi ng University Center for Scholarship Director sa akin. Akala ko makakahingi ako ng tulong pero pati ba naman sa pag-aaral ko, wala din akong magagawa?

"Hindi na po ba ako pwedeng mag-aral dito?"

"Pwede pa, kung isa kang regular student na magbabayad ng 3,500 pesos per unit subject course ay maaari, Mrs. Sue-Chien."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. Ibig sabihin ba nito, 'di na ako makakaag-aral? Lord naman, bakit ganito?!

"Ahm Sir, pwede po ba akong makakuha ng scholarship ulit ngayon? Kahit sa ibang foundation po!" Pipilitin kong makapag-tapos. Ito ang ipinangako ko sa parents ko at kay Jirou.

"My apologies, Mrs. Sue-Chien. Hindi na pwede sa ngayon dahil closed na ang application. Pero sa next academic year, I'm sure eligible ka." Paliwanag niya sa akin.



***End of Flashback***

Siguro madidisappoint si Jirou pag nalaman niyang hindi na 'ko makakapag-aral. At hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanya.

Katatapos ko lang maglaba ng mga damit ni Jirou nang biglang may kumatok. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto.

Ang aga naman yatang dumating ni Jirou?

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nakita ko.

"Nikos?! Bakit nandito ka? Paano mo nalaman na dito kami nakatira?" 'Di ko masabi kung paano ako nagulat sa pagkakita sa kanya.

Ngumisi siya. "I have my sources. Pasensya kung bigla akong napasugod dito."

"B-bakit? May problema ka ba?"

"I think you should know something.."

***

Nasa isang park kami ni Nikos. Palubog pa lang ang araw pero kung dumating man si Jirou na wala ako sa bahay, may pagkain na naman doon para makain niya. Nakaupo kami sa swing, nakatingin sa langit, wala ding nagsasalita.

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon