Marrying the Boss

73.6K 603 25
                                    

Marrying the Boss
(formerly Love+Peace=Happiness on CC )
Written by toneewritestragedies (sQuirreL_tObee)

Sa kasamaang palad, ako ang nautusang maghatid ng pagkain sa amo kong buryong-buryo ngayon sa buhay dahil sa eskandalong kinasangkutan niya. Hindi na ako kumatok sa pinto, kusa ko na itong binuksan at nagulat ako sa nakita ko. Napakaraming bote sa may mesa sa harap ng kama niya at nakaupo siya sa sahig at mukhang lasing na.

"Bakit ka ba naglalasing dyan Young Master??! Saan mo nakuha yang mga beer na yan ha?"

"Wala... kang p-pakialam..pag-gising ko kanina m-may alak na hahaha.." tapos ngumisi siya, napa-smirk lang ako kasi parang ang manyak niyang tignan.

"Talaga lang ah. Ano 'yun? May genie ka? Umayos ka nga! Tigilan mo ang pag-inom mo at kumain ka na lang. Ang dami ko pa man ding niluto." Mabulunan ka sana nang mawala 'yang lasing mo, ang wasted mong tignan! Itinabi ko muna 'yung mga boteng walang laman at inilapag ko ang tray ng pagkain na dala ko.

"Ahh! Ayoko kainin yan! May lason yan!" inilayo niya 'yung tray sa kanya.

"Lason? Mukha mo! Ako pa ngayon ang gagawin mong murderer ha?" inirapan ko siya at nag-cross arms ako.

"Ayokong kumain. Sa'yo na lang yan.. k-kainin mo mag-isa mo.."

Bigla naman siyang bumagsak sa kama niya. Niyuyog ko naman ang balikat niya.

"Hoy Young Master! Gumising ka nga dyan!!"

Hindi na nagsasalita si Jirou, mukhang knock down talaga siya.. Hay wala na akong magagawa. Tinignan ko na lang yung tray ng pagkain sa side table niya at umaasang mamaya o bukas paggising niya e kakain na siya.

"Chaerin..."

Nagsalubong ang kilay ko sa soft na pagkakatawag niya sa pangalan ko.

Pagharap ko sa kanya, hinila niya ako pababa sa kama at..

Hinalikan niya ako sa labi ko. At bigla'y hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Arrghh. Ang sakit ng ulo ko. Putakteng sinag ng araw to. Ang sarap ng tulog ko eh. Ang lambot pa ng hinihigaan ko. Wee. Ano ba.. Gusto ko pang matulog! Bakit ba ang likot ng katabi ko?!

Waahh! Teka. Wait. Sandali. Binuksan ko ng dahan-dahan ang mata ko. Hmm. Pamilyar ang mga nakikita kong mga bagay. Pero 'di ito ang kwarto ko ah.

Chaerin, relax okay? Alalahanin mo ang mga nangyari sa'yo simula kagabi. Naghanda ako ng dinner ni Jirou, inakyat ko tapos pumasok ako sa kwarto niya. Nakita ko siyang umiinom, pinatigil ko siya para kumain ng dinala ko pero ayaw niya. Tapos nakatulog siya. Tapos iiwanan ko siya dapat pero tinawag niya ako. Tapos hinila niya ako at HINALIKAN ako sa labi ko tapos..........

"Oh hindeeeeeeeeeeeeeeehhhhhhhhh!!!~~~~"

Bumangon agad ako sa kama at nakita si Jirou na bumangon din kasunod ko at gulat na gulat siya. Wala siyang anumang saplot sa katawan!! Oh no! tinignan ko naman ang sarili ko na natatakpan ng kumot at wala din akong suot na kahit ano! May nangyari ba sa amin ni Jirou?!

"Waahh! Bullshit, anong nangyari? Hoy Chaerin! Bakit ka nandito ha? Bakit wala akong suot? T-teka w-wala ka din bang...??" hindi na niya naituloy pa ang sinabi niya dahil sa gulat sa naganap kagabi. Like, shit, naganap talaga ha?!

" Ni-rape mo ako Young Master!~" napayakap ako sa sarili ko habang nakatakip ako ng comforter

"Hindi kita ni-rape! Tumayo ka nga dyan! Hindi ito pwede! Arrghh! Jirou ang laki mong tanga!"

Tumayo nga ako pero syempre naka-tapis pa rin sa akin yung kumot.

"Ano bang ginawa mo sa akin? Bigla mo na lang ako sinuggaban kagabi at 'di ko na alam ang sunod na nangyari!"

"Ewan ko! Lasing ako kagabi at di ko alam ang ginagawa ko! Bakit naman kasi hindi ka nag-complain eh alam mo naman palang lasing ako?"

"Hindi ba alam mo namang allergic ako sa alcohol! Nahihilo ako pag nakaka-amoy ako nun! At kagabi sobrang amoy-alak ka!" grabe 'yung panghihinayang ko sa bagay na dapat ay naiwasan ko agad. Pero wala na akong magagawa, nangyari na e. Huhuhu, ang saklap ng buhay ko!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak. May nangyari nga talaga samen ni Jirou. Nakita ko ang proof ng stain sa bedsheet at ang sakit ng private part ko.

"Wala akong kasalanan!" sabi niya sa akin pero hindi niya ako matignan sa mata.

"Wag ka na magmalinis! Kasalanan mo ito lahat!"

"Wala nga sabi akong kasalanan eh!"

Nakita kong patayo siya. Tumalikod naman ako. Syempre naka-bold siya sa harap ko eh! After few seconds nasa harap ko siya at naka-boxers na. Magsasalita pa lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

"CHAERIN! JIROU! WHAT'S THE MEANING OF THIS!?"

Sabay kaming napatingin ni Jirou sa nagsalita – ang parents naming. Patay, huling-huli na kami.

Tahimik ang buong paligid pero puno naman ng tensyon. Nakakatakot kahit hindi naman ako nanunuod ng horror.

"Jirou you should marry Chaerin. This is a big mess kung hindi mo siya pananagutan!" sabi ni Mr. Sue-Chien.

"Papa! Aksidente lang ang nangyari!" napatayo si Jirou sa sinabi ng Papa niya tapos biglang tinignan niya ako ng masama pero nag-behlat lang ako sa kanya. Aba at ang gentleman na lalaki, inambahan ba naman ako suntok?

"Anak. Tama ang Papa mo. Don't be silly." Sabi naman ni Mrs. Sue-Chien.

"Kung 'di dahil sa kapabayaan mo di ito mangyayari." Umiling-iling si Miss Minji tapos tinignan niya ako in a helpless way, wala akong nagawa kundi ang yumuko na lang.

"Ate. Si Chaerin ang may kasalanan. Kung di siya pumunta sa kwarto ko, walang... argghh!!" alam kong hindi na naituloy pa ni Jirou ang sinabi niya dahil sa frustration. Akala niya ba siya lang ang frustrated? Ako din!

"Wala nang sisihan. Jirou marry her."

Sabay kami ni Jirou na napatingin sa parents niya. Anong pakakasalan ako ni Jirou? Alam kong joker ako pero hindi ko ma-take ang ganitong klase ng joke!

"But- "

"No more buts. I will schedule your wedding next month."

"Next month!?"

Patay kang bata ka.

***

Is it possible to marry the one you don't like and you treat as your boss?

Paano kung iba yung gusto mo?

Papayag ka bang magpatali sa isang long-term, lifetime commitment tulad ng kasal?

***

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon