Equation 25 and 26

15.2K 202 1
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)

storyline by toneewritestragedies

EQUATION TWENTY-FIVE. The Suspect


Buong maghapong nagpahinga si Chaerin sa suite nila ni Jirou sa Heaven's Spring. Hindi kasi siya pinayagan ni Jirou na makalabas habang hindi pa sila nakakauwi. Batong-bato na siya. Gusto niyang makalabas pero cornered siya. Maliban kay Jirou, wala na siyang nakita pang ibang tao. Siguro, nagiging over-protective ang asawa niya sa kanya.

Hapon na at hinihintay na lang ni Chaerin na dalhan siya ni Jirou ng miryenda niya, pagkatapos nilang kumain ay uuwi na sila.

"Eto na ang miryenda mo Chae."

Napansin ni Jirou na blangko na naman ang facial expression ni Chaerin kaya sinapo niya ang noo nito para malaman kung may lagnat si Chaerin pero wala naman.

"You don't have fever, what's the problem huh?"

Umiling si Chaerin."Wala. Bored na bored na kasi ako dito sa loob. Gusto ko ng lumabas."

"I'm sorry if I've been over protective towards you these few days Chaerin, alam mo naman siguro."

"Alam ko. Pero babes, pwede namang umuwi tayo agad pagkatapos nung incident 'di ba?"

"Mag-isip ka nga. Gusto mo bang makita ka ng mga parents natin yung itsura mo nung muntik ka nang malapnos? Mag-aalala ang mga iyon sayo at siguradong mas lalaki pa ang problema."

Napa-buntong hininga naman si Chaerin. Na-realize niyang may punto si Jirou.

"Tama ka nga. Pero sure ka bang uuwi na tayo mamaya?"

Tumango si Jirou, "Yup, don't worry about your stuffs, ayos na iyon lahat. All you need to do is to prepare yourself."

"Salamat babes. Siya nga pala, nasaan sila Miss Bettina, Nikos at si..Monica?"

"Nandito pa rin sila. Bettina and Nikos wants to see you but I told them you really needed a rest at saka baka ma-stress ka pa. Alam ko namang sabik kang makakita ng mga tao sa paligid mo eh."

"Jirou naman, 'yan ka na naman sa pang-aasar mo." Ngumuso siya.

"Oi, hindi kita inaasar ah." Tinignan siya ni Jirou habang nakakunot ang noo.

"Hindi daw? Sus."

"Fine, alright? Sorry, Chae!"

Pakipot mode pa si Chaerin pero pasimple naman siyang kinikilig sa sinabi nito.

"K-Kumain na tayo at gutom na ako." She looked away para matago ang kilig.

"Gutom o kinikilig?" Siniko ni Jirou si Chaerin at saka tumawa.

Namula naman sa kahihiyan si Chaerin kaya idinaan na lang niya sa kain ang lahat.


***

Nasa parking lot na sina Chaerin at Jirou nang makita nila doon din sina Nikos at siyempre si Monica na nakatayo sa likuran ni Bettina

"Pasensya na talaga sa nangyari sa hotspring Chaerin. My apologies." Bettina looked very sincere. She even held Chaerin's hand.

"Wala po kayong kasalanan Miss Bettina. Aksidente po ang nangyari last time." Ngumiti ng matipid si Chaerin.

Umiling-iling ito. "Kung 'di ko kasi kayo ininvite ni Jirou, eh 'di hindi iyon mangyayari sa'yo."

"Hay Miss Bettina, nakalimutan ko na yun kaya sana makalimutan mo na din. Mag-move on na tayo." Kinindatan niya ito.

"Chaerin, inaayos na ng Heaven's Springs ang investigation about the incident." Sabi naman ni Nikos.

"Yeah, Nikos is right."

"So what are the findings?" nakakunot-noong tanong ni Jirou.

"They found out that that someone messed up the control area of the hotspring." Si Nikos ang sumagot.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Nikos. Lahat ay nagtinginan sa kanya.

"What! May gumalaw? How did it happen?" tanong uli ni Jirou.

"Syempre may nangialam. Pero kung may taong gumalaw nun, bakit sa girls' hotspring lang nag-iba ang temperatura ng tubig? Sa boys naman ay walang nangyaring problema."

Tumango silang lahat at nag-isip-isip.

"Maybe they or that person sabotage the girls' spring." Si Jirou.

"O baka si Chaerin lang ang tina-timing-an niya. " tinignan ni Nikos si Jirou.

Pasimple namang tumingin si Jirou kay Monica, napatingin din ito sa kanya sabay nagtaas ng kilay.

"Pero bakit naman iyon gagawin kay Chaerin?"

"I dunno Bettina. Baka siguro naiinggit kay Chaerin."

"Ha? Ngayon lang ako nakapunta dito pero bakit naman ako kaiinggitan? " biglang sumingit si Chaerin kina Nikos at Bettina.

Nasa harapan ni Nikos si Monica kaya tinignan niya ito ng seryoso pero inirapan lang siya nito. Nagsimula ulit magsalita si Nikos habang nakatingin dito.

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon