Equation 1 and 2

45.2K 411 15
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)

storyline by toneewritestragedies

EQUATION ONE. A DEMON'S ATTACK

Chaerin's POV

Maaga na naman gising ko ngayong araw. Simula naman kasi nang magkaisip ako, namulat na ako na dapat ay alas kwatro ng umaga gumising palagi. 12pm pa naman ang klase ko pero ganun talaga ang buhay, kailangang magsumikap para kumita. Simula noong mag-thirteen years old ako, isa na akong personal assistant ng 'alaga' ko na anak ng amo ng parents ko. Pero maliban sa pagsunod sa mga utos ng boss ko ay naglalabada ako minsan o hindi kaya'y naglilinis ng garden. 'Wag nga pala kayo magalit sa parents ko kung human trafficking to o child labor pero ginusto ko ron naman 'tong gawin para makadagdag ng kita sa pamilya namin. Alam niyo na, ang hirap ng buhay ngayon kaya kailangang magbanat ng buto. 'Yung trabaho ko naman ay aabot lang ng five to six hours a day kaya hindi naman ganoon ka-dyahe. Labandera at tagalinis ng bahay ang nanay ko, driver naman ang tatay ko. Only child lang ako kaya kahit paano hindi masyadong nahirapan sina Mamang at Papang para tustusan ang mga pangangailangan ko.

Oo, inaamin ko, mahirap lang kami pero proud kami sa trabaho namin at di namin kinahihiya yun. Nakatira kami sa mga Sue-Chien. Filipino-Chinese Family sila at ano pa nga ba aasahan mo? Mayaman sila. Define. Mayaman. Rich. Famous. Fabulous. Sila na 'yun. Nakakainggit sila dahil sa yaman, impluwensya at sa mga nakakalulang business affiliations ng pamilya nila. Bongga sila. At magaganda. Literal na maganda.

Sina Mr. and Mrs. Sue-Chien, mga sophisticated sila at talagang untouchables kung titignan pero sobrang mababait. Kaya nga siguro pinagpapala sila ni Bro dahil sa mabuting ugali nila. Matulungin sila sa mga tao at madaling i-approach. Maliban sa pagiging business geniuses sa dami ng ngeosyo nilang name-maintain ang tayog sa karera, friendly sila sa tulad naming mga kasama nila sa bahay, or should I say mansyon, dahil hindi nila kami tinuturing na mababa. Kamag-anak ang tingin nila sa mga kasambahay nila at swerte kami dahil doon.

Si Ms. Minji ang first daughter nila. Young Lady kung tawagin namin siya dito. Sobrang pretty niya at mabait. Mataas pa ang pinag-aralan, ka-height din niya. Isa siyang sikat na fashion designer at may-ari ng boutique na sikat hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo na rin. Love ko 'yan si Ms. Minji, sana nga ate ko na lang siya pero hindi kami magkamukha eh. Maganda siya, ang swanget ko naman, kung sister in law kaya? Yuck! Hindi na lang ano! Hindi ko type ang kapatid niya!

We're talking about Jin Rouji Sue-Chien-- Jirou for short. Siya ang sinasabi ko sa inyong amo ko. If you think na batang bubwit 'yun, nagkakamali kayo. Isip-bata, pwede pa at mukha siyang bubwit dahil asungot siya sa buhay ko. Mukhang singit na pinakabwisit na tao sa buong universe!! Ang sama ng ugali! Kung gaano kabait ang parents at ate niya, ganun naman siya ka-sama!! Demonyito talaga! Feeling ko nga'y punaglihi 'yan kay Lucifer sa sobrang kagaspangan ng ugali at mapang-mata sa kapwa, ang sarap tusukin ng mata. Simula pa noong mga bata pa kami, kaaway ko na yan. Salbahe kasi, mahilig mang-away at sadista pa. Sobrang gwapo sana pero pero sobrang pangit naman ng ugali. Ang sarap niyang isumpa at kulamin. Kung mangkukulam lang ako, matagal ko nang pinakuluan ang lalaking 'yan sa malaking kawa ng witch na may kumukulong tubig. Pero kung sinuswerte nga naman siya dahil hindi lang siya mayaman at gwapo dahil madaming may crush sa kanya. Kinababaliwan kaya siya ng halos 99.9% (oh 'di ba parang germs lang? Kung sabagay, mukha siyang germs! Hmf!) female population sa university pero ako ang nag-iisang lumihis sa kanila! Kahit araw-araw ko siyang nakikita at kasama, hinding-hindi talaga ako magkagusto sa tulad niya. Marinig ko pa lang ang pangalang Jirou Sue-Chien, nag-iinit na.. hindi ang katawan ko ah!! Ang dugo ko!! Hayup na Jirou 'yan.. Young Master pa man din tawag namin sa kanya. Ako? As usual. 7 letters. P-L-A-S-T-I-C mode sa kanya.

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon