The post had gained thousand likes. Famous, huh? I checked the comments because I want to read what people are saying about this photo.

'Who's the girl? She's gorgeous, huh.'

'OMG! Buti pa siya nakapagpa-picture sa 'yo kanina.'

'New project together?'

'Lakas ng chemistry. Artista rin ba 'yung girl?'

Iilan lang 'yan sa mga nabasa kong comments. Muli kong tinitigan ang picture naming apat. Nasa gitna kasi kaming dalawa ni Jordan at hindi ko maintindihan kung saan banda ang chemistry dito. Ang tanging sinang-ayunan ko lang ay iyong nag-comment na maganda ako. I know, right?

Habang nagbabasa ng comments ay may isa akong napansin. Siya lang kasi ang katangi-tanging nag-comment ng like emoji. Her username is AireenFuegoE. I've stalked his other post and consistent ang comment ng babaeng 'to. Iyon nga lang, puro like kapag may kasama si Jordan kapag solo pictures naman heart ang comment niya.

Well, maybe she's a fan. Baka trip lang talaga niya 'yon. Nag-scroll ako sa feed niya hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pang-stalk kay Jordan.

Mabilis na lumipas ang ilang araw at weekend na pala. Ibig sabihin, ito na ang unang araw ng photoshoot ko. Kasama ko si Tita doon sa studio ng Scarlett at sabi niya nandoon na ang mga damit na isusuot ko para sa photoshoot.

"Amara, this is Celine. She'll be your makeup artist from now on," Tita Amely said then she gestured to a middle-aged woman.

I smiled at her. "Hi, nice meeting you."

"Likewise, Miss Amara," she said.

Pinaupo na niya ako sa harap ng salamin para raw maayusan niya ako. Since the clothes are casual, she just put a natural makeup look on my face. My hair was on a french braid style.

"Sobrang ganda mo naman. May ibang lahi ka ba, iha?" tanong ni Ate Celine.

Bahagya akong natawa. "Thank you. May spanish blood po ang mother side ko. Pure Filipino naman po si dad."

"Kaya pala. Halika na sa dressing room at nang mabihisan na kita," pagyaya niya sa akin.

Sumunod ako sa kaniya sa loob ng dressing room at nandoon na nga ang isusuot kong damit. It is a white off-shoulder top tucked in a blue button down midi skirt. Typical teenager outfit but I love it.

Nang masiguro ni Celine na maayos na ako ay saka niya ako iginiya sa isang silid kung saan kami kukuhaan ng picture.

There are at least ten people inside the room. The makeup artists, photographers, managers and other staffs. Nandoon na rin si Jordan na nakaupo sa may sofa. He's also wearing a casual outfit like me.

"Great! Nandito na si Amarantha, let's start," Tita Amely said when she noticed that I'm here already. Nauna kasi siya rito kanina habang inaayusan pa ako.

"Okay, Amara and Jordan pumwesto na kayo sa gitna," sambit ng photographer na agad naming sinunod. May nag-iisang high chair doon sa gitna. "Amara dear, umupo ka sa high chair. Ikaw naman Jordan, tumayo ka lang sa tabi niya."

Sinunod namin ang sinabi niya. Dahil may katangkaran ako ay madali lang akong nakaupo sa high chair pero umalalay pa rin si Jordan.

Begging For Your Love [Isla Felice Series 2] ✓Where stories live. Discover now