"Sorry po. Better luck next time nalang!"

Kininditan ko siya pero—

"No! No! Ang gusto ko ay si Lance Alexander Zamora!"

"Taken na nga siya. Magintay nalang po ulit tayo ng three—"

"Hindi na ako makakapagintay pa!"

"Pero—"

"Gagawa ako ng paraan para magbreak sila!"

"What?! No miss. It's against our rules. You can’t just do that!"

"I don’t care!"

Pinipikon ako ng babaeng 'to ah! Just breathe, Francis. Though, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyare 'to kaso naririndi na talaga ako sa boses niya e. Alam mo 'yung tumigil na nga yung sigawan nung mga babae kanina pero taob e! Taob na taob. Eh siya lang ang nasigaw.

"Alam mo Miss, you should stop shouting before I call the security."

"No! I don't care. Mapapasakin si Gatorade no matter what!" Napaurong ako nung bigla niya akong dinuro. Ow. "I am Princess Mae Saavedra! And I always get what I want!"

Parang nagslow-mo ang lahat nung nagflip ang buhok niya nung tinalikuran niya ako. And de ja vu,  parang naulit na ang pangyayaring 'to. Nahawi ang daan para makadaan siya. That was kind of interesting. Hindi ko inaakalang magagandahan ako sa babaeng galit. OuO

Ano daw pangalan?

Princess ano daw?

Get grip, Francis. Hindi na dapat siya ang inaalala mo.

Tahimik lang ang mga nanunuod samin nung binawi ko ang ngiti ko, "Who is up for our demo, again?"

*

"Woo! Ang init!" sigaw ni Charles nung makapasok kami ng sasakyan. Nakakapagod ang araw na 'to. "Pengeng wet wipes!"

Boyfriend Corp.Where stories live. Discover now