Chapter 3 : Weird Day

830K 19.6K 3K
                                    

Chapter 3 : Weird Day



Binilisan ako pa ang paglalakad ko. Tuwing naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko, automatic na umiirap ang mga mata ko kahit hindi naman niya nakikita. Wag mo siyang pansinin. Wag mo siyang pansinin—


"Bebs!" pagmamakaawa ni Dominique.


Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. This is useless, to be honest. Wala na rin namang point kung magagalit ako sa kanya. Andiyan na, e. Alangan namang pabalikin ko 'yong boyfriend-kuno niya kung saang palenta ng mga gwapo man siya nanggaling.


Yes, I admit Marcus is very attractive. I never seen him frown ever since I opened the door for him. It's weird seeing him smiling all the time but you'll be more than pleased kasi para siyang breath of fresh air.


"What?" Tinanggal ko ang earphones ko kahit rinig na rinig ko naman ang pagtawag niya sa 'kin kanina kahit nakafull volume 'yon.


Napatuon siya sa tuhod niya. Hinihingal, malamang. Napatingin naman ako dun sa lalaking tumigil sa likod niya. Parang hindi man lang siya pinagpawisan.


"Sorry na." Pinahaba niya ang mga labi niya. I can almost hear 'awwwww' seeing her face.


Not that face, please!


"May magagawa pa ba ako?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Napatungo siya pero pinapanood pa rin niya ang reaksyon ko. Ganiyan siya kapag guilty.


"Sorry bebs. Kasi naman..." tumingin siya sa katabi na para bang enough na reason na ang existence ni Marcus para maintindihan ko ang ginawa niya. He's really weird. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang nakakasilaw na ngiti sa mukha niya. And that's obviously working on Dominique dahil parang kinikilig pa 'to!


"I totally understand your situation." I said in sarcasm.


Hindi talaga ako makapaniwala sa—sa kung ano mang sitwasyon na 'to. Idagdag mo pa si Marcus. Para siyang lalaban ng pageant. Wala atang balak ibaba ang labi niya kahit saglit lang. Hindi ba siya nangangawit?


Tumingin sa 'kin si Dominique nang marinig niya akong bumuntong hininga. She knows how to differentiate my sighs. She already knows that I gave up. "Pera mo naman 'yan. It's your life. So bakit pa ako magagalit?"


Tila lumipat ang light bulbs na nalunok ni Marcus sa mga mata ni Dominique nung narinig niya ang sinabi ko. Oh, shoot. Bagay sila. Parang parehong pinaglihi sa bumbilya.


"Thank you, bebs!" Jumpy Dominique is back—and here comes her bear hug! "I love you! I love you!"


"I'm telling Tita."


"Bebs!" bigla niya akong binitawan.


Sigurado ako na hindi alam ng parents ni Dominique na gumastos na naman siya. I'm already annoyed whenever she bought useless things, ano pa kaya ngayon—lalo nan a nagbayad siya para makapagrenta ng boyfriend.

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon