Chapter 9

695K 17.2K 6.4K
                                    

 Chapter 9

"OHMYDEE!!"

"Anak ng tatlongpung pinagpatong-patong na Domokun na blue!" Agad akong napatayo sa kama. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. "Asan ang sunog?!"

Tumingin ako sa babaeng sumisigaw na may bilog na mata at mukhang nakakita ng multo.

"WAH! Oh no! Bakit bebs?" Biglang lumapit si Bebs sakin at umiyak. Niyugyog niya ang balikat ko. "Bakit?!"

"Bebs!" Nahihilo ako sa ginagawa niya!! "Bebs! Ano ba?!"

"WAH!" Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod at umiyak. Oh sht.. Ang ingay! " I can't believe you bebs! Huhu!"

Tiningnan ko lang umiyak si Bebs. Ito ang unang beses na umiyak siya ng ganyan. Uhh. Oo umiiyak siya pag natitripan niya o talagang madrama siya pero... This is really new. Never ko siyang nakitang ganito umiyak.

Na para bang namatayan siya sa iyak niya.

"Sakit sa tenga."

Nagulat ako nung may bumangon sa tabi ko. Hinilot hilot niya ang magkabilang tenga niya habang nakakunot ang noo. Ohmyy. Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko. Oo nga pala. Nakatulog kaming dalawa.

Teka lang ha?

Bakit topless siya?

"Ikaw!" Pareho kaming nagulantang na biglang tumayo si Bebs at dinuro-duro si Gatorade.

"Ako?" Sabi ni Gatorade, absentmindedly.

"Hindi hindi. Siya! Siya!" Halos matawa ako sa pagiging sarcastic ni Bebs habang tinuturo yung electric fan. Benta lang. Hehe. "Walang’ya ka!"

WTH? Nagmura si bebs!

"Ow! Aray! Ah! Tama na!"

"Bebs!"

"Napaka mo! Ang sama sama mo! Alam kong gwapo ka pero wala kang karapatan! Ito ang bagay sayo!" *Pok! Stab!* "Ito pa!"

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon