Chapter 1

76.4K 886 22
                                    

"MAGBIHIS ka Czaira may pupuntahan tayo," ma-awtoridad na wika ng kanyang ama.

Nasa sala siya at prenteng nakaupo sa mahabang sofa sa gitna niyon ay may center table kung saan nakalapag ang mga drawing books niya also her color pencils, pencils, eraser, ruler, pastel at kung anu-ano pang gamit niya sa pagdo-drawing ng kung anong damit ni minsan hindi pa sumagi sa isip niya na itigil ang trip na iyon kahit pa malaki na siya, masarap gumuhit nakakawala ng pagod.

"Where are we going?" Tanong niya.

Sinimulan niyang ligpitin ang kalat niya sa center table ng sa ganon ay hindi na niya bigyan pa ng lilinisin ang kung sinuman na katulong nila na mapadaan sa sala.

"You'll see get ready hija wear an ellegant dress." yon lang at iniwan na siya ng ama sa sala.

Doon lang din niya napansin na nakabihis na ito. May pupuntahan silang party? Her forehead knot. Huminga ng malalim, isasama nanaman ba siya ng tatay niya sa business meeting nito?

Nailing siya. Its evening, tapos na ang oras ng trabaho nito.

Tamad siyang tumayo mula sa pagkakaupo, Kung sa isang okasyon nga sila pupunta o kahit na ano pang theam non ay pupunta siya.

She love party, mahal na mahal niya ang magsaya kahit pa marami na siyang problema, problema sa tatay niya na walang ginawa kundi puro na lang trabaho. Napapagalitan pa siya pag nasisita niya na pulos trabaho na lang ang inaatupag nito.

Nagaalala na nga siya para dito, nasisinghalan pa siya.

She went to her room, naghanap sa malaki niyang cabinet nang maisusuot sabi ng papa niya elegant dress daw. She was holding a black gown dress and a yellow gown dress parehas maganda, parehas nalang din kaya niyang suotin? Napangiwi siya sa naisip kahit sa pagpili ng damit maloko siya sa kakapili ng dapat suotin tumunog ang kanyang cephone.

Hindi na siya nagtaka kung sino ang tatawag sa kanya ngayon, binalik niya sa closet ang dilaw na dress maski ang itim nahagip kasi ng paningin niya ang pink dress yon nalang ang susuotin niya. Lumapit siya sa kanyang kama at kinuha sa ibabaw niyon ang cellphone na tumigil lang sa pagriring ng sinagot niya.

"O, ano?"

"Guess what kung ano ang nangyari!" umikot ang mata niya ng marinig sa kabilang linya ang malanding tinig ng kaibigan niyang si Christine.

"Ano?"

"Si Dock! Tiningnan ako and omg! Ang guwapo niya at ang m-"

"Shatap! Malandi ka! Wala kong pakielam. Buti ka pa nga nasisilayan mo yang Dock mo, kahit wala kang pagasa sa kanya eh ako?" aniya na pinalungkot ang tinig sa huling sinabi.

Her friend Christine is her bestfriend at hindi lang basta bestfriend, best of friend pa. Hindi lang din si Christine ang isa sa mga tinuturing niyang kaibigan may apat pa, yon nga lang ay mga busy sa kanya-kanyang pinagkakaabalahan.

"Si Greg pa rin? Eh, di ba model yon? Ang daming magazine na siya ang issue ngayon, ka-trabaho pa ni Katherine yon! Tanga makipag-close ka" si Christine, minsan talaga gusto niyang manakit ng kaibigan e, yon bang sasapukin lang niya para gumana ang neurons sa utak nito kahit papaano.

"Sa tingin mo pag naging close kami magugustuhan niya ako?" seryosong tanong iyon. Kahit na hindi niya kasama si Christine at kausap lang sa cellphone narinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"Oo naman! Dati talaga hindi ka magugustuhan kasi nognog ka pa 'non taba mo pa" tumawa ito sa kabilang linya samantalang siya ay napaismid dahil sa sinabi nito. "Ikaw para kang mga lalaki. Mga lalaking torpe ang kaibahan nga lang ay babae ka," muli ay si Christine siya naman ang napabuntong hininga sa sinabi nito.

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon