Chapter 16

24.9K 362 1
                                    

MABILIS siyang bumalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga sa malaking kama, nanginginig ang kalamnan niya na niyakap ang sarili ng mapag-tantong basang-basa ang buong katawan niya ng tubig.

Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kuwarto kung nasaan siya. She remembered the place, lugar kung saan sobrang nangilabot siya ng dahil sa kaba kaninang madaling araw.

"Buti at gising ka na, bangon na," si Misha iyon na may hawak na balde at sigurado siyang ito ang nagbuhos sa kanya ng malamig na tubig.

Kung kanina mahirap para sa kanya na imulat ang mga mata dahil sa pagod kakaisip ng mga nangyari kagabi at kaninang madaling araw niyang naranasan sa ginawang paggising sa kanya ni Misha gamit ang buhusan siya ng malamig na tubig ay nagising ang diwa niya.

Hindi siya sigurado kung tama ba ang lahat ng nangyari sa kanila ni Greg dahil malinaw pa rin sa utak niya kung ano ang nangyari bago siya mawalan ng malay.

Anong klaseng nilalang ang mga kaibigan niya at nagawa siyang manipulahin? Nagtulong-tulong ang lahat. Napadaing siya sa sakit dahil sa muling pag-sakit kanyang ulo.

Alam niyang kagabi sa duke's bar konti lang ang nainom niya hindi pa nga niya naubos ang tequilla na-order niya dahil biglang dumating si Greg. Ngayon
ang sakit-sakit ng ulo niya. Wala siyang natatandaan na nabagok siya o nauntog kung saan para sumakit ng ganoon ang ulo niya masyado yata siyang napagod kagabi sa kakaisip sa nangyari.

That bridal shower and stag Party. Poor her, naglihim sa kanya ang mga kaibigan niya at talagang nagplano ang mga ito sa nakakatakot na eksena at nakakakilabot.

Nangyari pa ang hindi niya malaman na hostage o kidnapped plan ng mga ito na sa dulo ay bridal shower at stag party pala

Anong mukha ang maihaharap niya kay Greg? Baka isipin ng binata plano niya ang lahat ng nangyari, hindi niya gusto na magaway sila.

Kung makita niya si Greg ngayon ay sasabihin kaya ulit ng binata na mahal siya nito? Gusto niyang makasiguro.

Mahirap masaktan bukod sa nakakaiyak ay nakakabaliw pa. 'Yon bang bakit kailangan mong maging praning pagdating pag-ibig.

Umalis siya sa ibabaw ng kama na sadya ding basa dahil doon siya mismo sinabuyan ni Misha ng malamig na tubig. Akma na siyang lalapit sa tapat ng pinto ngunit bigla na lamang iyong bumukas at iniluwa ang apat pa niyang kaibigan.

Nakangiti ang mga ito sa kanya.

"Basang sisiw ang Bride to be, o!"

"Ang agang naligo mukhang hindi rin puyat."

"Ang blooming ng pisngi."

"Excited na yata siya."

Masamang tingin ang ipinukol niya sa apat agad naman nawala ang ngiti ng mga ito. May ilang minuto bago lumapit sa kanya si Christine.

"Hindi ko kagustuhan na madamay sa trip nila kanina," wika nito.

Inalis niya ang pag-hawak ng kamay nito sa braso niya, tinalikuran ramdam niya ang lamig sa katawan.

Narinig niya ang pagtawa ni Kimberlyn. "Sorry na, at least may bridal shower at stag party na kayo." wika nito.

"Tama si Kim kasal na lang ang po-problemahin niyo." pag-agree naman ni Katherine sa sinabi ng kambal nito.

"Magiging masaya ang kasal dahil may thrill ang bridal shower at stag party" si Katrina.

"Umaarte kayo na parang wala kayong ginawang kasalanan sakin," himutok niya. "Nagplano kayo ng bridal shower at stag party. Hindi ko man lang alam."

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon