Chapter 4

31.2K 485 9
                                    

PAKIRAMDAM niya lutang pa rin siya hindi siya nakatulog ng maayos kagabi gawa ng nangyari sa pagitan nila ni Greg. Sino ba naman ang hindi makakalimot? Papakin ba naman ng isang guwapong lalaki ang leeg at labi niya talagang hindi siya makaka-recover.

Isa pa ay high school crush niya ang binata.

Muntik pa nga nanaman sila na mag-away kagabi dahil gusto ng huli sa bahay nila mismo siya ihatid at hindi sa unit niya. Hindi siya pumayag dahil sigurado na kapag umuwi siya sa bahay nila nandoon na ang papa niya at masesermunan siya dahil sa bar nanaman siya galing.

Hindi naman siya makikinig sa paulit-ulit na panenermon ng tatay niya sa kanya na itigil niya ang pagbabar. Masaya sa bar at isa pa wala naman siyang napag-lilibangan lalo na kapag pagod siya sa botique niya at sa pagdo-drawing.

Tanging ang bar lang at pakiki-pagkita sa mga kaibigan niya ang tanging libangan. Sapo niya ang noo ng bumangon mula sa kama niya.

Hang-over ba to? Ang tindi naman yata.

Hindi naman siya uminom ng marami kagabi pero ang sakit talaga ng ulo niya. Epekto ng halik ni Greg?

Naipilig niya ang ulo. Lakas pala ng tama sa utak pag si Greg ang humalik nakaka-windang at nakaka-pagpatulala sa kanya. Kagabi habang sakay sila ng sasakyan nito pauwi tahimik lang siya walang laman ang utak niya kundi ang ginawang paghalik sa kanya ng binata.

Ang hirap alisin sa isip, lalo pa't matagal niyang pinantasya ang isang Greg Faustino at matagal na rin nabuhay sa imahinasyon niya na mahalikan nito na nangyari kagabi hindi na isang imahinasyon dahil totoo na naglapat na ang mga labi nila kagabi.

Naipilig na niya ang ulo ang aga-aga kung anu-ano ang nasa isip niya baka mamaya magkasakit pa ang fiancè niya dahil pulos ang binata na lang ang nasa isip niya.

Fiancè ang sarap sa tainga. Nangingiti siyang naglakad papunta sa banyo para maligo ng tumunog ang telepono malapit sa bed side.

Bumalik siyang muli sa ibabaw ng kama, dinukwang niya ang telepono.

"Low?" tamad na pagsagot niya.

"High." naulinigan niya ang boses babae. "Nandito na sila Kambal, Trina at Misha. Ikaw nalang ang hinihintay sabi ni Misha may sasabihin ka daw samin." si Christine iyon, napakurap siya saglit na hindi nakapagsalita.

Sasabihin, anong sasabihin niya?

"May fiancè ka na pala ah! Hindi mo man lang ako binalitaan, so who's the unlucky guy?" Nasagot ang tanong niya sa isip dahil sa sinabi ni christine sa kabilang linya, napasapo siya sa noo niya.

"N-nandyan si Misha? Nasaan kayo?" tanong niya.

Napatingin siya sa small clock na nakapatong sa bedside. 7:30AM, maaga pa.

"Saan pa ba? Dito sa bahay ko. Ito lang naman ang alam niyong tambayan. Hoy—hinalikan ka daw ng fiancè mo kagabi," si Christine na halata sa boses na interesado ito.

Interesado itong malaman kung sino ang fiancè niya. Kung alam lang nito na si Greg ang tinutukoy nito malamang na magtatalon na sa kilig ang isang to, napahinga siya ng malalim bigla siyang na-tense.

Misha napakasama mo talaga! hiyaw niya sa isip.

Madaldal talaga ang isang yon, magigisa nga talaga siya ngayong araw kailangan niyang kalmahin ang sarili bago pa man siya mahimatay sa inis hindi man lang hinintay ni Misha na siya ang magsabi.

Napaka-spoiler ng gaga.

"Still there? Dalian mo na kailangan mong magpaliwanag samin, magaasawa ka na." huling wika ni Christine bago pa man niya ibaba ang telephone call mula dito.

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon